Chapter 10 Kontrabida

244 8 5
                                    

Chapter 10

After a very very long time, naupdate ko na rin tong HSH. Sana may mga readers pa ako kahit na matagal akong nawala due to school works. Graduating kasi eh. Well by the way, enjoy my update. I'll try to update again this week :)

Chapter 10 Kontrabida

 

Nabato ako sa kinakatayuan ko at unti unting lumiwanag ang pag-iisip ko. Siya si Belle. Siya yung tinutukoy ni Dylan sa panaginip niya. Kaya pala tila pamilyar siya sa akin. Papasok sila dito sa coffee shop. Natauhan ako at agad kong hinablot si Danna.

 

“Ui Amethyst ano ba tong ginagawa natin? Hide and seek? Ano tong trip—“  tinakpan ko ang bibig niya. Kinuha ko yung mga inorder namin at nagtago kami dito sa isang sulok ng coffee shop. Sa isang puwesto kung saan hindi agad ako makikita ni Dylan.

“Wag kang maingay. Nandito si Dylan” bulong ko sa tenga niya. Akmang tatayo siya sa kinauupuan namin pero hinila ko ulit siya. “Wag kang magulo diyan. Hindi niya ako dapat makita.” Saway ko kay Danna. “Shhhh” at nilagay ko ang daliri ko sa gitna ng labi ko. Tumango naman siya kaya’t tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

Umupo sila ni Dylan. Mabuti na lang at nakatalikod si Dylan sa amin kaya hindi niya kami makikita. Nagmasid ako sa kanilang dalawa. Ganoon na rin si Danna. Mukhang seryoso silang dalawa. Pag-uusapan siguro nila ang tungkol sa pagalis ni Belle. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero base sa mga reaksyon sa mukha ni Belle, tila pinipigilan niya ang pagtulo ng mga luha niya.

“Sino siya Amethyst? Hindi ka ba magpapakita kay Dylan?” usisa sa akin ni Danna. Umiling ako at tumingin muli sa direksyon kung nasan nakaupo ang dalawa.

Hindi nagtagal ay tumayo na si Belle. Tila namaalam na siya ng tuluyan kay Dylan. Si Dylan naman ay naiwang nakaupo sa coffee shop. Hindi man siya nakaharap sa akin, alam kong nababalot ng lungkot ang mukha niya. Kumikirot ang puso ko dahil sa nakikita ko. Nakaramdam ako ng guilt at awa kay Dylan. I’m sure that she really loved her so much. Ako ang antagonist sa kuwento nilang dalawa. Ako ang evil witch sa fairy tale nila. Sila ang bida, at ako ang kontrabida. Kumbaga, panira ng isang magandang love story.

Hindi nagtagal ay marahas na tumayo si Dylan sa kinauupuan niya at tumakbo papalabas ng coffee shop. Sinundan ko siya ng tingin at sa labas ay nakita kong nagtatawag ng taxi si Belle. Bago pa man siya nakatawag ng taxi ay naabutan siya ni Dylan. May sinabi si Dylan sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Para akong nanonood ng isang teleserye ngayon. Pati ako ay nadadala ng eksena. Hindi ko namalayan na may luha na palang nakatakas sa mga mata ko. Siguro kaya kumikirot ang puso ko ay dahil sa awa na nararamdaman ko para sa kanya. Isa ako sa mga rason kung bakit hindi niya pwedeng makasama ang taong mahal niya. Kung hindi ako pumayag sa kasal, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

 Sumakay na si Belle ng makatawag siya ng taxi. Sumakay ng muli si Dylan sa kotse niya at nagdrive papalayo ng coffee shop. Mabuti na lamang at hindi niya napansin ang presensiya ko at hindi rin niya nakita ung kotse ko na nakapark malapit sa shop.

Hinatid ko na sa bahay si Danna. Makailang beses niya akong tinanong kung okay ako at paulitulit ko ring sinabi na wala, okay lang ako. Pinadiretso ko na si Manong Jaime sa bahay at dumiretso na ako sa loob ng kuwarto ko.

*tok tok tok

Nagising ako sa katok na narinig ko mula sa pinto. “Young lady, gumising daw po kayo. May bisita po kayo”. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas siyete na ng gabi. Nakatulog siguro ako sa sobrang pagod.

 

“Susunod na” pasigaw kong sabi sa kasambahay namin. Narinig naman niya ako at narinig ko ang pag-alis niya sa tapat ng kuwarto. Nakatulog pala ako ng nakauniform kaya nagpalit muna ako ng damit. Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba sa living room. Hindi ako nagkamali ng hinala at si Dylan nga ang bisita ko.

Wala akong balak sabihin sa kanya ang tungkol sa nakita ko. “Napadaan ka yata?” umupo ako sa sofa. “Manang patimpla nga ng juice” naupo naman si Dylan.

“Just want to check if the baby is fine” Kailan ba darating ang panahon na ako naman ang iintindihin mo at hindi lang yung baby na nasa tiyan ko? Hay. Ano ba naman tong mga pinag-iisip ko!

“Always fine. You don’t need to worry. I can take care of myself. If you don’t have anything to say, you may now leave. Magpapahinga pa yung baby” sa hindi malamang dahilan, naiirita ako. Siguro dala lang to ng emotional changes ko due to my pregnancy. Tumayo na ako at nagmartsa paakyat ng kuwarto ko. I’m not in the good mood to talk to him.

Naiwan siya sa baba. Sana naman at umalis na ang mokong na yun. Nakakairita siya. “Sorry baby. Wag kang papangit ah kahit na irritable si Mommy parati. Kasi naman yang Daddy mo, nakakairita eh” sabay himas ng paikot sa tiyan kong hindi pa naman kalakihan.

Humiga na ako muli sa kama ko. Nasa baba pa kaya si Dylan? Nagugutom pa naman ako. Ginamit ko ang intercom namin para magpautos na magdala ng makakain. Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok na sa kuwarto ko. “Bukas yan” at narinig ko ang pagbukas ng pinto.

“Pakilagay na lang jan manang. Umalis na ba si Dylan?” tanong ko.

“Bakit mo naman tinatanong kung umalis na ako?” nanlaki ang mga mata ko ng narinig ang boses ni Dylan. Unti unti akong tumayo mula sa kinahihigaan ko. “At anong ginagawa mo rito? Tsupiii!”

“Is there a problem? Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?” problem? Problem mo muka mo!

“Wala. Umalis ka na. Magpapahinga na ako” at inayos ko ang kumot na nakatakip sa lower part ng katawan ko para magready na sa paghiga ko.

 

“Akala ko ba nagugutom ka? Kumain ka na muna. Baka makasama sa baby kapag nalipasan ka ng gutom” akala ko concern pa naman siya sa akin. Sa baby lang pala namin. Tssss.

 

“Tsss. Kakain ako. Hindi ko pababayaan ang anak natin. Just leave my room okay?” sabay irap sa kanya.

“Why are you being mean to me? Yannie, gusto ko sana maging maayos ang relasyon nating dalawa. We had a bad start kaya siguro ganito ang turingan natin sa isa’t isa. Hindi man natin mahal ang isa’t isa, I want us to be friends at least. Nakakasawa din naman na parati tayong nagiiringan at nag-aaway.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya. We started with the wrong foot kaya ganito ang nagging impresyon namin sa isa’t isa.

“Okay. Let’s try. Friends?” at iniabot ko ang kamay ko sa kanya.

“Friends” at hinawakan niya ang mga kamay ko.

 Updated: February 23, 2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Home Sweet HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon