Chapter 1: The beginning

1.3K 14 7
                                    

“Uwwwaaaaaahhhh, mommy *sniff”

“My baby what happened?” Tinignan ko yung tuhod niya. May konting gasgas. Waaaaaahhhh. Kawawa naman ang baby ko. Pabaya akong ina waaaaaaahhhhhhh.

“Nihulog ako mommy. Uwaaaahhhh” Niyakap ko siya. At habang yakap hinahaplos ko yung buhok niya. My little baby is so cute talaga. Manang mana kay mommy. Ay talagang meganun hahaha.

“Don’t cry. Mommy’s here. I won’t let you to be hurt again” Pinunasan ko yung luha niya. Mabuti at gasgas lang ang inabot. Hindi ko naman siya pinabayaan eh. I was cooking dinner tapos nakarinig ako ng kalabog. Tapos ayun nakita ko siyang nakadapa na sa sahig.

“Okay mommy. I will be strong to *sniff”

“Mommy will just cook dinner ah. Pauwi na kasi si Daddy. Gusto mo dun ka muna sa kitchen tapos after magluto ni mommy kakain na si baby. Okay?”

Yehey! I wan’t to eat! My mommy is a great cook! I love you mommy!” then kissed she kissed me on my cheeks.

“I love you too baby. Ikaw talaga baby. Ang cute cute mo! Tara na baby. Let’s go to the kitchen na baka dumating si daddy tapos wala pa tayo food”

“Okay mommy”

Pumunta na kami sa kitchen. Pinagpatuloy ko na yung pagluluto ko. Hmmm amoy pa lang ulam na! Sinigang my favorite ang niluto ko! Naghain na ako. Nakaupo lang si Sapphire sa table at pinapanood akong magluto. Si Sapphire, siya yung pinakamamahal kong baby sa buong mundo. She’s my daughter and I love her so much. Her father is Dy—“

“I’m home! Where’s my cute little baby” narinig ko siyang sumisigaw mula sa may living room. Dali dali namang bumaba sa upuan si Sapphire para salubungin ang kanyang daddy.

“I’m here daddy!” Sigaw naman ni Sapphire habang papatakbo papalapit sa kanyang daddy

“Give your daddy a big hug and a kiss!” niyakap naman siya ng mahigpit ni Sapphire and gave him a kiss. Ang cute nilang tignan ni Sapphire. Sarap picturan!

“Mmmmmmmwwwaaaaahhhh daddy! I missed you daddy!” nagtatatalon si Sapphire at binuhat siya ng kanyang daddy.

“Daddy daddy! Why don’t you kiss mommy?” ang batang to talaga. Baby naman kasi eh. Hindi naman ako makakatanggi. For the sake of the baby yun na lang ang iisipin ko.

“Pano ba yan mommy? Kiss daw sabi ni baby” kelangan pa bang paulit ulitin. Kiss na kung kiss ng matapos na. Kung wala lang si baby dito naku.

“MMMMMMMwwwwaaaaahhhhh!” Ghad! Kailangan bang sa lips talaga? Pwede namang cheeks lang ah. Talagang sinasagad ng lalaking to ang pasensya ko ah. Humanda ka sa akin mamaya.

“T-tara na nga. K-kumain na tayo. Lalamig na ang pagkain.” Niyaya ko na silang kumain. Teka bakit ba ako nangiistutter. Ampness naman!

“Wow. Ikaw ang nagluto mommy? Ah oo nga pala day off si manang.”

“Yes daddy. Mommy cooked it for you!”

“Baby tara eat na tayo. Here, upo ka. Susubuan ka ni mommy.”

“Mommy, I’m a big girl na. Ato na lang eat mag-isa”

“Okay okay. Sabi ng baby ko eh.”

Kumain na kaming tatlo. After that naghugas na ako ng pinggan at mga kaldero. Monday nga pala bukas. May pasok nanaman ako. Tapos ko naman na lahat ng assignments ko. What a relief. Nanonood yung mag-ama sa sala. Syempre cartoons. Sino pa ba ang uso sa mga bata kundi si Spongebob!

“Baby, late na. May pasok pa tayo nila mommy bukas sa school. Let’s sleep na”

“But daddy, I still want to watch Panjbob (Spongebob)”

“Baby, wag makulit. Pagod si daddy saka si mommy. Gusto nanamin magrest eh.”

“Okay daddy”

“Good girl” Nakita kong hinatid na niya sa kuwarto si Sapphire. Dumiretso naman na ako sa kuwarto namin dalawa. Kailangan kong iprepare yung mga gagamitin ko bukas sa school. Di ako pwedeng malate. My exam pa naman kami. Buti nakapagreview na ako kahit papaano nung Saturday. Ang hirap pagsabayin ang pag-aaral saka pag-aalaga ng bata but it’s okay for me. I love my daughter. She’s a gift from heaven. Hindi ko kailanman inisip na isa siyang pagkakamali sa buhay ko.

I heard the door opened.

“Matutulog na ako. Patayin mo na yung ilaw. Ayoko ng maliwanag. At kung pwede wag kang gagawa ng ingay na mas mataas sa 40 decibels. Understood?”

Humiga na siya sa kama. Pero hindi ko pa pinapatay yung ilaw. Ano siya sinusuwerte? Magrereview pa nga ako para sa exam. Bahala siya.

“Can’t you hear me? I told you to turn off the lights!”

Aba nasigaw pa. Teka. Ano ba ako dito? Katulong niya? Masakit mang banggitin pero I’m his wife. I’m the mother of her child. How dare he yell at me like that

“Hoy Marcus Dylan Lee! Wala kang karapatang sigawan ako dahil bahay ko rin to!”

“At ikaw Yannie Amethyst Maniego-Lee, you shut up your mouth or else!”

“Or else what?” Pinagbabantaan pa ako ng hinayupak na to. Anong akala niya sa akin? Akala niya ba masisisndak niya ako? No way!

“Or else, susundan natin si Sapphire ng baby boy” what the hell did he said? He’s really pissing me of. Argghhh. I hate this guy!

“A-ano?”

Bigla niya akong hinila at inihiga sa kama. He’s on top of me at hawak niya yung wrist ko at nasa ibabaw ito ng ulo ko. Gets niyo ba? Ahaha basta yun na yun

“Stay away from me!” nagpupumiglas ako pero he’s to strong. Papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa kin. I looked at him. Ang gwapo niya talaga.

Ano ba naman yang pinagiisip mo Amethyst! Mandiri ka nga!

Napapikit na ako. Hindi na ako nagpumiglas. Wala rin namang sense eh. He’s too strong and he’s dominating me.

“Muka mo!” suddenly idinilat ko ang mga mata ko. At umalis siya sa harap ko. Hayup talaga ang lalaking to. As if namang gusto kong gawin yun sa kanya!

“Ang kapal mo! As if namang pinagnanasaan kita. Eeewww. Lampayatot ka pa rin kaya! Akala mo naman ang macho mo!”

“What did you say?”

“Lampayatot na binge pa. Nakakahiya namang naging asawa kita!”

“Lalo naman sa part ko noh! Mabuti na lang at tayo tayo lang ang nakakaalam ng totoo. Malapit na rin namang matapos ang kontrata natin di ba? Ilang taon na lang ba? 2 years? I can’t wait for that time to come!”

“Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo kapag natapos ang kontrata! Mawawala na ang asungot sa buhay ko! Wahahaha!”

“Makatulog na nga. Wala naman akong mapapala sa’yo.”

“Mabuti pa nga. May you rest in peace!”

“Mauna ka!”

 “Leche, matulog ka na. Baka magising pa si Sapphire sa ingay mo!”

Bumalik na ulit ako sa study table at siya nagtalukbong sa kumot. Kailangan kong mairefresh ulit lahat ng nireview ko sa accounting. Baka di pa ako makagraduate pag bumagsak ako ngayong sem. Nagstop na nga ako for a year eh. If you want to know the story behind this marriage just read the next chapter.

See picture of Yannie Amethyst Maniego at the right :)

Home Sweet HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon