Magdadalawang araw na ako nakakulong sa madilim na kwartong ito. Hinang-hina na rin ako dahil walang pagkain at hindi rin nasisinagan ng araw.
Yung mumunti ko sanang bintana na magbibigay saakin ng liwanag at tinakpan rin ni kiro.
Balak niya nga talaga akong patayin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagagawi rito.
Napagod na rin akong sumigaw dahil wala naman sumasagot saakin. Walang nakakarinig at kung may magtatangka mang tulungan ako ay sila naman ang malalagot.
Takot na takot ako. Lalong lalo na sa madilim may trauma ako sa madidilim na lugar.
Ngayon ay naghahalungkat ako rito sa mga kahon kahon nagbabaka-sakaling may makuhang pwedeng makain.
May sampung kahon rito. Nakaka-anim na akong bukas ng kahon ay karamihan ay lumang kagamitan.
Ngayon ay pagpito ko nang bukas ito at luckily may laman nga. Kaso butas butas na ito , marami na rin langgam.
Noong pasko at bagong taon panhanda ito Dito ko pala ito nailagay.
nagiging makakalimutan na rin ako nitong mga nakaraang araw siguro nga ay dahil na rin ito natatama ang ulo ko sa kakaumpog niya.
Hindi ko mapigilan na maghihinakit sa kanya. Hindi ko naman siya masisi pero ang hindi ko matanggap ay yung ginamit niya ako sa sariling kapakanan mo.
May nakita akong tinapay at puno na ito ng amag. Ilang beses akong lumunok Bago ipagpag.
Ang tinapay na kasing kulay ng niyebe noon. Ngayon tila isang tinapay na lumot.
Mariin akong pumikit inisahang lunok ang tinapay. Hindi ko ito nilasahan dahil parang hindi ko kakayanin lunukin.
Patuloy lang ako sa paglunok hanggang sa makasampo ako nito.
Sa aking pagtatapos kumain ay naginhawaan ang aking pakiramdam. Napaupo ako at nanalig sa diyos.
"Riku? Anjan kaba? Ako to si naomi!"
"Tao po"
"Rikuuu?!"Tila naman nabuhayan naman ako ng loob ng marinig ko ang boses nj naomi ang aking kababata.
Pinilit kong tumayo kahit hinang hina na ako. At napagtagumpayan ko naman kinalampag ko ang pinto para marinig niya lamang ako.
Nabosesan niya ata ako at nakadinig ako.Mga yabag na nagsisilbing pag asa ko. Ngayo'y wala na , sumunod na nangyari ay ang dagundong ng baril at marahas na pagbukas ng bodegang pinaglalagyan ko.
Bumungad ang mukha ni kiro na animo'y kakainin ka ng buhay. Dali-daling hinaklit ako nito sa buhok , Hinila na animo'y isang bagahe na mabigat. Napadapa ako sa sobrang sakit na ng tuhod marami na ring dugo at sugat ang aking tuhod pero patuloy pa rin siya sa paghila sakin.
Nang makarating kami sa sala ay mayroon doong bakas ng dugo pero walang bangkay , nilukob ako ng takot. Si Naomi ano nangyari? Tila ba'y mayroong krimen na nangyari.
Nag alala ako para kay naomi. Kung hindi sana siya pumunta rito ay hindi sakanya mangyayari ito.
Patuloy lamang siya sa paghila saakin hanggang sa makarating kami sa hammer ng sasakyan niya. Ibinalibag niya ako papasok sa backseat at nagmadali siyang umalis para kunin ata ang susi sa loob ng bahay.
Akmang bubuksan ko na ito ng makita ko siyang papalapit kaya umayos na lamang ako ng upo at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Ito ba ang makukuha kong kapalit para sa pagmamahal niya? Ngayon ko lang napagtanto na pagod na pala ako. Punong-puno na ako. Hindi rin magtatagal mabubuhay ako ng wala siya sa piling ko.

BINABASA MO ANG
The Battered Wife
General FictionThis Story Contains Mature Scene Not Suitable For Young Readers.