Hindi ikaw yung mga tipong pang-prince charming..
Hindi rin ikaw yung tipo na taong seryoso.
Ikaw yung taong palabiro, masayang kasama, masayang maging kaibigan.
Alam mo Sean, hindi naman kita gusto eh. Hindi talaga.
Pero hindi ko alam, parang bigla na lang. Paggising ko, crush na kita. Tss. Ano bang nagustuhan ko sa'yo? Teka, mag-iisip ako. Hindi. Joke lang.
"And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now
Woh woh oh"
Unang beses kong narinig yung boses mo nung sumali ka sa Mr. and Ms. IT. Tawang tawa talaga ako sa'yo nun, sobrang payat mo kasi, feeling ko nga pag nabangga kita tutumba ka na. Hahahaha.
Pero Sean, alam ko naman na mali.
Maling magkagusto sa'yo. Kasi may girlfriend ka. Pero ewan ko. Ewan ko na talaga.
Basta ang alam ko, nangyari na lang. Nangyari na lang na..
..Gusto na kita.
- - - -
BINABASA MO ANG
Blockmate, I crush you.
Teen FictionIsn't it kind of amazing how a person who was once a stranger, can suddenly without warning, mean the entire world to you?