First year college ako nun, late ako. Siguro mga 10 minutes na. Nakakainis nga eh. Major pa naman yun, pero okay lang kasi mabait naman yung professor ko doon. Anong oras na nun, takbo ako ng takbo, pagka-pasok ko sa hallway, narinig kong may sumusunod rin na mga yapak sa likod ko. Napalingon ako at nakita kita, nakayuko habang nagtetext.
Napabulong ako sa sarili ko.. “Parang bakla talaga ‘to.” Totoo naman eh, para kasi siyang bamboo stick. HAHAHA. Pero may itsura naman. Hindi pa kasi kami masyadong close noon.
Dahil sa sobrang late na ako at nahihiya pa ko, hinatak ko yung dulo ng damit niya na siya namang ikinalingon niya sakin. “Uy, ikaw mauna pumasok ah!!! Late na kasi tayo nahihiya ako.” Sambit ko.
“7:10 pa lang. May 5 minutes pa. Okay lang yan.” Nginitian lang kita noon.
“E basta, ikaw kumatok ah.”
Nung nasa tapat na kami ng pintuan, tinutulak ko siya. Hinawakan niya yung door knob. “Di pa tayo late, bukas pa eh.”
Hindi ko na siya pinansin, nagmadali akong pumunta sa pwesto ko. Para talaga siyang bading. HAHAHA. Napangiti na lang ako sa naisip ko na yun.
“Uy, sabay kayo pumasok ah?” Sabi ng kaibigan ko si Angel.
“Ano naman?” Sarkastikado kong tanong.
“Wala lang.”
Nginitian ko na lang siya at nag-patuloy sa activity na ginagawa namin.
After nung klase namin, meron kaming 30 minutes break. Agad akong lumabas at sinamahan ako ni Angel, naglalakad lang kami nun papuntang cr.
“Skies are crying.. I am watching.. Watching tear drops in my hands, only silence, as it's ending, like we never had a chance. Do you have to make me feel like, there's nothing left of me? You can take everything I have. You can break everything I am, like I'm made of glass like I'm made of paper, go on and try to tear me down---*ACKKK* SHIT!!!”
Psh. Sa sobrang higpit ng hawak ko sa ID ko, ayun.. Nag-crack. Nakakainis!!!
“HAHAHAHAHA Feel na feel mo pa kasi eh.” Sabi ni Angel habang tumatawa. Ugh.
“Nakakainis, ang mahal magpagawa ng ID. Pano na to?”
“Okay lang yan. Tara na, time na rin eh.”
Lumakad na kami pabalik sa Computer Lab. Pilit kong inaayos yung ID ko. At dahil wala pa yung professor namin umupo muna ako sa hallway at inayos ang ID ko.
Ganon rin ang ginawa ni Angel, umupo siya sa tabi ko at pinagtawanan ako.. pati na rin yung ID ko.
Lumapit naman yung iba kong blockmates at tinanong kung anong nangyari sa ID ko. At syempre si Angel yung sumagot sa tanong nila.
“Feel na feel niya kasi yung pag-kanta ng skyscraper e. Ayan tuloy, sa sobrang gigil niya.. Pati ID niya pinanggigilan niya. Hahahaha” Hay nako Angel. Ipagdiinan ba yung FEEL NA FEEL.
Nagulat na lang ako ng may biglang kumuha ng ID ko sa mga kamay ko.
“Hating hati ah. HAHAHAHA” Sambit ni Sean. Tss. Tumango lang ako at ngumiti. “Bakit? Anong nangyari dito?”
“Napahigpit yung hawak ko sa ID ko nung kumakanta ako eh. Hehehe” Paliwanag ko.
“Di na gagana ‘to sa tap tap.”
“Oo nga eh. Yaan mo na, papagawa na lang ako. Akin na.” Tapos binigay niya sakin yung ID ko.
“Bakit puro pang broken hearted post mo sa Tumblr? Break na kayo?”
Tumango ako. “Bakit?” Tanong niya. Ang dami niyang tanong. Kainis. HAHAHA.
“Nako. Mahabang kwento eh.” Sagot ko.
“Ahwwww..” Yung ahww na parang paawa effect. “Bakla siya kung ganon.”
Napatingin ako sa kanya nun, “Bakla ka dyan.” Inis kong sabi.
“Eh iniwan ka niya eh.”
“Hindi.. Nag-break kami, nakipagbreak ako.”
Ngumisi siya at nagsalita, “Di ka manlang pinigilan? Gago.” Tapos kinuha niya yung phone mo at nag-simulang mag-text. “Ang tunay na lalaki hindi nagpapaiyak ng babae. Gaya ko, ako loyal ako.” With matching pacute face pa.
Napatingin naman ako sa katabi ko, hay. Hanggang kailan ba ako titigilan ni Angel sa pang-aasar dito kay Sean? Akala niya yata crush ko si Sean. Asa. May girlfriend yun eh.
“Lalalalala…” Pang-aasar ni Angel. Pinisil ko naman yung kamay niya.
“Ilang taon na kayo ng boyfriend mo?—Ay, ex pala.” Tanong niya ulit..
“Ah.. Ano.. 4?” Sagot ko.
Tumingin siya ng nakakaloko sakin. “Siguro may nangyari na sa inyo no? Virgin ka pa?”
“Gago ka. Ganyan na ba basehan ngayon? Kapag tumagal kayo ng taon ibig sabihin ginalaw ka na? Ganon ba yon?”
“Joke lang naman Shai eh. HAHAHAHA” Sabi niya habang tumatawa.
“Letche ka talaga, hindi ako ganoon. At hindi magiging.”
Ilang sandali lang eh, tumayo na kami. Dumating na rin kasi yung professor namin. Kala nga namin wala siya eh, excited pa naman kaming i-dismissed ng maaga. SAYANG!
Inayos ng professor namin yung seating arrangement. Since ‘D’ nagsisimula ang surname ko, dun ako nakapwesto sa medyo second line. Okay na rin ‘to. Para matuto ako.
Samantalang yung kaibigan ko naman nasa likod. ‘M’ kasi start ng surname niya. Hindi ko alam kung bakit pero inikot ko yung mata ko para hanapin kung nasaan si Sean.
At ayun nga.. Nasa likod ko lang pala siya. Hindi kami magka-line dahil nasa dulo siya, pero nasa likod namin yung inuupuan nila.
Bakit ko ba hinahanap yun?
‘Am I starting to like him?’
Siguro, baka kasi nababaitan ako sa kanya. And tama nga naman siya, ‘Ang tunay na lalaki, hindi nagpapaiyak ng babae.’
“Sasama ka ba sa SC?” Tanong ni Coleen.
“Hindi ko pa alam eh. Kelan ba yun?” Tanong ko.
“Friday. Sumama ka na, ikaw na lang ata ang hindi sure e.” Ayokong maging KJ, kaya ayun. Umagree ako na sasama na ko.
**
After ng class ko, umuwi na agad ako. Magpapaalam pa kasi ako kay Mama. Nagulat na lang ako ng tinext ako ni Angel.
From: Angel.
“Kamusta naman ang asaran moment niyo?”
Binato ko lang yung phone ko sa kama, at nahiga doon. Ang issue talaga ng babaeng ‘to. Lahat na lang. Hahahaha.
Pero oo, aaminin ko, buong gabi ko inisip si Sean, ewan ko kung bakit, dumadaan kasi siya sa isipan ko, biruin mo yun, sa sobrang tangkad niya, nagkasya siya sa utak ko, sabagay payat naman siya, kayang kaya niyang makipagsiksikan sa doon.
Hay nako Sean, pwede bang lumabas ka na sa utak ko? Para naman makatulog na ako. =______=

BINABASA MO ANG
Blockmate, I crush you.
Teen FictionIsn't it kind of amazing how a person who was once a stranger, can suddenly without warning, mean the entire world to you?