Friday, July 19 xxxx (Star City)
*KRRIIIIIIINGGG*
Agad akong napatayo sa kinahihigan ko ng marinig ko yung alarm clock namin na nagwawala, putek. 8AM na pala. 12PM pala kami magkikita-kita nila Miguel. Sabi nila mabagal daw kumilos ang mga babae, well hindi ako isa doon.
Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili, hindi pa ako makahanap kung anong damit ang isusuot ko. Agad kong tinext si Anne, tinanong ko kung anong oras ba kami magkikita-kita.
Ilang sandali lang nag-vibrate na yung phone ko at kaagad kong tinignan iyon. Galing pala kay Anne. 11:30 raw.
Nagmadali na ako sa pagkilos. Ang bilis kasi ng oras, biruin mo yun 10AM na, parang kanina lang kakagising ko palang. Nakakatamad tuloy umalis.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Habang inaantay kong mag-11:30, nakuha ko pang mag-selfie. Nakakainis kasi wala pa pala akong pampalit ng DP sa Facebook.
"Mama, aalis na po ako." Paalam ko. 11:00 na. Siguro naman saktong 11:30 andun na ako sa meeting place namin. Lumapit ako kay mama at kumiss tas tska ako lumabas.
Nung nakasakay na ako sa Jeep tinext ko sina Anne at Miguel, pero ni-isa sa kanila walang nagrereply. Aba magaling, mukhang maghihintay pa ata ako ah.
11:29 nang makarating ako sa meeting place. Umagang umaga pero nakakatakot. Pero sus, kahit na maliit ako kayang kaya ko 'to. Lumipas ang segundo.. minuto.. at oras ngunit wala parin dumadating.
12:30PM. Isang oras na akong nakatayo dito. Ang dami ko ng nakitang batchmates ko sa dati kong school.
Sa di kalayuan, natanaw ko na si Miguel, lumapit siya sa akin habang nagtetext. "Uy Shai, sorry ang traffic."
"Okay lang yun. Asan na si Anne?" Tanong ko.
"Eto nga eh, tinatawagan ko. Di naman sumasagot."
"Ah, hayaan mo na. Baka parating narin yun." Sambit ko.
Naghintay ulit kami.. Hanggang sa natanaw ko na si Anne. "Mima!" Sigaw ko.
Lumapit naman siya at agad kaming niyakap habang nagpapapadyak. "MIMA, MIGZ!!! SORRY TALAGA. ANG TRAFFIC TAPOS NALIGAW PA AKO."
Tumawa na lang kami at sumakay na sa LRT. Nang makarating kami sa Vito Cruz, bumaba kami tapos sumakay kami sa shuttle.
Sabi nila sa Jollibee raw. Labing limang minuto lang ang biyahe namin.
Nang bumaba na kami, agad naming natanaw yung iba naming blockmates. Andun na rin sina, Angel, Coleen, Cj, Wax at iba pa. Inikot ko yung mata ko, ewan ko kung bat hinahanap ko na naman si Sean. Wala siya? Kala ko ba lahat kasama?
Lumapit ako kay Angel. "San si Sean?" Tanong ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko tapos kinurot yung tagiliran ko. "Bat mo hinahanap? Aminin mo na kasi.. Ano crush mo nga?"
"Asa. Hindi ah. Napansin ko lang na wala siya."
"Sus, ang dami dami pang wala eh. Hay nako Shai. Ako pa ba lolokohin mo?" Hindi ko na pinansin si Angel. Lumapit na lang ako kila Coleen at nakisama sa picture picture.
Ilang sandali lang, naglakad na kami papuntang star city. Bago kami makarating, nakasalubong namin sila Sean kasama yung iba naming blockmates. Hindi ko alam pero yung mata ko di ko mapigilang di mapatingin sa kanya. Ang simple niya pero sobrang nakakaattract.
"Oh mima, baka matunaw ha?" Sambit sa akin ni Anne.
"Ha? Ano yun?"
"Kanina ka pa nakatingin kay Sean be. Sus." Singit naman ni Angel.
BINABASA MO ANG
Blockmate, I crush you.
Teen FictionIsn't it kind of amazing how a person who was once a stranger, can suddenly without warning, mean the entire world to you?