AUGUST 8, XXXX
"Okay class, before 5PM kailangan maipasa niyo na sa akin yung layout design niyo." Pagka-sabing pagka-sabi nun ni Sir lahat kami halos nainis. Nakakainis naman talaga eh, ang dami dami niyang pinapagawa, di ba niya alam na nakakapagod yung sunod sunod na araw may ginagawa kami sa subject niya?! Walang katapusang photoshop.
Nag-cut ako ng last class ko, di kasi aabot eh. Di rin kaya. Kaya ayun, sumama ako kila Aaron. Sa bahay ng kaklase ko. Doon na lang kami gagawa.
Buti na lang at dalawang jeep lang ang layo ng bahay nila sa school.
Nang makarating kami doon, agad kaming gumawa. Oo nga pala, kasama si Sean. Hehehe. Yung iba nagpapaprint sa labas, ako naman inayos ko yung sa akin.
Katabi ko si Sean, kaya lang tulog siya. Ewan ko ba dito, di gumagawa. Gago talaga. HAHAHA. Tinulak ko siya ng konti kasi yung kamay ko tumatama sa tagiliran niya. Umayos naman siya ng higa tapos tinungtong niya yung mga paa niya sa mesa.
Nang matapos ako, agad kong lumabas para magpaprint.
"Kuya, matagal pa po ba?" Tanong ko dun sa lalaking nagpiprint. 20 minutes na rin kasi akong nakatayo rito.
"Eto tapos na to, kanino ba to?" Sambit niya.
Kinuha ko naman 'yun. "Angel, bigay mo 'to kay Sean. Kanya 'to." Sambit ko habang iniaabot kay Angel yung mga papel na hawak ko.
"Ayoko nga. Ikaw na!" Sigaw naman niya.
Agad akong tumakbo papunta sa bahay nina Aaron. Nang makarating ako doon, iniabot ko kay Sean yung project niya.
Lumabas ulit ako para balikan yung sa amin.
"Be, mauna na kami ha. Papasok kasi ako sa next class ko." Paalam ni Chamx, tumango lang ako nun.
"Alam niyo ba pabalik?" Tanong naman ni Aaron.
Tumango lang kami, alam naman ni Angel to, malamang malapit lang rin sila dito. Kasama nilang bumalik ng school si Sean, kaya ang ending, kaming dalawa na lang ni Angel ang naiwan.
Matapos magprint, agad kaming naghanap ng masasakyan pabalik ng School. Sobrang init, pawis na pawis na ako noon. Wala pa naman akong dalang panyo. Nakakainis talaga.
30 minutes rin halos yung biyahe namin ni Angel, paano ba naman kasi ang traffic.
Nang makarating kami ng School, naabutan namin sina Aaron, Anne, CJ at Sean sa Lobby. "Di pa kayo nagpapasa?" Tanong ni Angel.
"Hinintay na namin kayo eh." Sagot naman ni CJ.
Naupo ako sa may bench at sinimulang ayusin yung project ko. "Pahiram stapler." Sambit ko, agad na iniabot ni Sean sa akin yung isang stapler.
Umupo siya sa tabi ko at nagulat na lang ako ng bigla niyang punasan ang pawis ko gamit ang panyo niya. "Kawawa naman si Shai, pawis na pawis." Sambit niya. Tumawa lang ako nun, pero sa loob loob ko kinikilig ako.
Ikaw ba naman punasan ng pawis ng crush mo, di ka ba kikiligin dun?
"Akin na lang 'yung panyo mo." Sambit ko kay Sean.
"Ayoko nga." Sagot naman nito.
"Akin na lang!!!" Sigaw ko, pero ayaw parin niya ibigay. Kaya ang ginawa ko, hinatak ko yung panyo niya. Tapos pinunas ko ulit sa mukha ko, pinagpapawisan kasi ako sa kaba, paano kasi andyan lang siya sa tabi ko. Malamang sa malamang tinatawanan na ako ni Angel.
Sinulatan ko yung panyo ni Sean ng pangalan niya. Akin na lang 'to.
Tinuloy ko yung pag-stastapler sa project ko, napatingin saa akin si Sean sabay kuha nung stapler. "Tulungan na nga kita." Sambit niya.
Ang ending, ako ang nag-aayos ng papel ko, tapos siya yung nag-stapler. Ano ba yan, kinikilig ako. Ang bait kasi ni Sean eh.
Napatingin ako kay Angel na pinipigilan ang pag-tawa. Bwisit ka Angel. Pag alis ni Sean humanda ka sa akin! >3<
"Tapos na." Sambit ni Sean.
"Thanks!!!" Pasasalamat ko. Tumayo na siya at umalis. Habang nakatalikod siya sa akin, inamoy ko yung panyong ginamit niya kanina.
TAE KAHIT NA NABASA NG PAWIS KO YUNG PANYO NIYA ANG BANGO BANGO PARIN! Kinikilig ako.
Agad akong bumalik sa katinuan ng maramdaman kong dumaplis yung kamay ni Angel sa ulo ko. "Makabatok ha!" Sambit ko.
"Grabe be. Kinikilig ako sa inyo!!! Crush ka rin siguro ni Sean!!!" Pang-aasar nito sa akin.
Siniko ko naman yung tagiliran niya. "Gaga! Abnormal ka ba. Hindi yun no."
"Paano kapag crush ka rin niya? Grabe kaya be, kinikilig talaga ako pota." Napaka-OA talaga netong si Angel.
"Wala yun, mabait lang talaga si Sean. Kung ano anong iniisip mo eh no. Tara na nga, uwi na tayo."
"Ah basta, SEAN SHAI forever!!!"
"Ewan ko sayo!" Tapos lumakad na ako palabas ng school. Pumasok ako sa 711 at hinintay yung isang kaibigan ko.
Nakakainis, ang gwapo niya sa malapitan. Ang cute cute. Ang sarap kurutin. Nakakagigil. Parang baby-- "Uyy, iniisip na naman niya si Sean."
"Ewan angel. Manahimik ka dyan."
"Nasan na 'yung panyo niya?"
"Nasa bulsa ko." Agad ko nilabas 'yun at inamoy ulit. Ang bango parin. Bakit ganon, di parin nawawala yung amoy. Kainis. HAHAHA.
"Grabe, baka masinghot mo na 'yung panyo niya ah." Panloloko naman ni Angel.
Inisnaban ko naman siya, at ilang saglit lang dumating na yung kaibigan ko.
Nagpaala na kami ni Angel sa isa't isa at umuwi na.
Nang makarating ako sa bahay, agad ako pumanik at binuksan yung aparador ko, kinuha ko yung pouch ko sa ilalim ng damit ko.
"Ibabalik ko ba to?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa panyo niya. "Ay wag na. Remembrance." Agad kong itinago yung panyo niya sa pouch ko.
Hanggang ngayon kinikilig parin ako. Ang lakas talaga ng impact ni Sean sa akin.
Hay naman, makatulog sana ako mamaya. =_________=
BINABASA MO ANG
Blockmate, I crush you.
Teen FictionIsn't it kind of amazing how a person who was once a stranger, can suddenly without warning, mean the entire world to you?