Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na lumapit kay Philip para daluhan siya. Hindi siya nagsasalita at hindi ko din mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung kanina ay walang tigil ang bibig ko kakadaldal, ngayon naman ay parang nagiba ang ihip ng hangin. Nagmistula akong pipi at hindi makahanap ng tamang salitang dapat sabihin sakaniya.
So para walang gulo. Keep quiet na lang Gi.
Umupo ako sa tabi niya at kahit pinagpapawisan ang maganda kong kamay ay nagawa ko pa ding hawakan ang likod niya para hagudin iyon. Para lang akong nagpapatahan ng bata sa style ko.
Aba malay ko ba kung paano ba magalalay ng broken hearted. Ano ba dapat gawin? Halikan, yakapin? O ano?
Ah basta!
Nanatili pa din kaming walang imikang dalawa at nakahawak pa din ako sa likod niya. Sa totoo lang, kung ano ano ng mga jokes ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na to. Ayokong sabayan ang pagdadrama niya. Ayokong magngangawa dito tulad niya. Kaya pinipilit ko na lang na pasayahin ang sarili ko kahit pa, nasasaktan ako sa nakikita ko.
Sino ba kasi ang babaeng 'yon kanina? Yung babaeng nagmamayari ng puso niya? Pero bakit sa asta nito kanina ay mukang galit na galit ito kay Phil? At bakit sinabi nitong ipapakulong ulit si Philip? Ulit? So it means-
"Alam kong madami kang tanong sakin pero wag muna ngayon, Gianne." Natigilan ako at saka siya nilingon.
Gaya ng dati ay emotionless pa din siya. Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon naman ay parang walang nangyari kanina.
Philip, masyado kang misteryoso. Sino ka ba talaga?
Hindi na ako sumagot pa at tipid na lang na ngumiti sakaniya bago tumango. After few minutes, sinerve na din ang inorder namin but since, broken hearted nga ang Kuya mo, pinatake-out na lang niya ang pagkain at sa condo na lang daw kami kakain na sinangayunan ko naman.
Buong byahe namin ay wala pa din kaming imikan. Naka-pokus lang siya sa daan pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela and I bet, he's thinking that girl again. Ako naman ay sa bintana na lang nakipagtitigan.
Tama si Philip. Sobrang dami ko ngang tanong sakaniya. Gusto ko siyang makilala ng lubos, gusto kong malaman kung sino ba iyong babaeng iyon sa buhay niya, gusto kong alamin kung ex convict ba siyang talaga gaya ng sinabi ng babae kanina.
Pero wala akong lakas ng loob magtanong. Natatakot ako at the same time kinakabahan sa maaari kong malaman.
Bakit Gianne? Kapag ba nalaman mong dati nga siyang nakulong, lalayuan mo na siya? Paano na ang plano mong landiin siya? Uurong ka na ba ng dahil lang sa pagiging ex convict niya?
Tumikhim ako at pakiramdam ko matutuyuan na ako ng lalamunan.
Yes? No? Maybe? I don't know! I don't fucking know kung ano bang mararamdaman ko once na makilala ko kung sino ba talaga si Philip Renier Young.
But one thing for sure, right now isa lang ang nasa isip ko, I want to stay by his side no matter what happens.
"Thanks for the night, Phil." Nakangiting sabi ko sakaniya ng makarating kami sa tapat ng unit namin.
Medyo bumalik na din siya sa dati. Emotionless pa din naman siya pero hindi na siya nakakatakot tignan.
Malapad ko siyang nginitian bago kumaway sakaniya para magpaalam. He didn't say anything kaya tumalikod na ako para pumasok sa unit ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at iniharap ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
Fall For Me I MTMA SideStory
Короткий рассказ✅ COMPLETED ✅ I MarriedToMrArtista Side Story I [Philip Renier Young's story] Walang ibang minahal si Philip kundi si Martha lang. Dahil sa paghahangad niya na makuha ang babae ay nagawa niya itong lokohin. Martha hated him so much to the point na h...