Chapter 5

622 13 0
                                    

Ang plano kong maging boyfriend lang si Philip ay hindi nangyari. Worst, nandito kami ngayon sa sitwasyong hindi namin inaasahan.

Oo nga, ako nga ang may kasalanan kaya kami napunta sa ganitong tagpo. Kung di ko ba naman siya pinapunta sa unit ko para gawin ang pinaplano ko, kung di ako nagyayang uminom kaming dalawa, lalong lalo na kung hindi ako isa't kalahating malandi baka sakaling wala kaming problema ngayon.

Napatingin ako kay Philip na nakaupo sa isahang couch sa unit ko at nakasuot na ito ng damit pangitaas. Nakayuko siya at mukang kagaya ko ay hindi din siya makapagsalita. Eh sino ba naman kasing hindi kakabahan kung 'na-caught in the act' kayo ng magulang mo. Ewan ko na lang!

Nilingon ko naman ang parents ko na matamang nakatingin lang saming dalawa ni Philip. Ang kadaldalang taglay ko ay parang bulang biglang naglaho. Eh kasi naman, parang ganito lang din yung eksena nung una kaming mahuli nina Mommy at Daddy ko na magkayakap sa labas ng unit namin e. Ayos lang naman sana kung ganun lang din ang nadatnan nila e.

Pero hindi, naabutan nila kaming dalawa sa couch ko. Nakapatong si Philip sakin at nakahubad pa ang t-shirt niyang suot habang ako naman ay halos mahubadan na din dahil nakatanggal na ang butones ng suot ko at kapwa kami mawawalan na ng hangin sa intense ng kissing scene namin. Pambihira talaga! Bigti na Gianne! Huhu!

"I can't believe this." Iling iling na sabi ni Mom habang papalit-palit ng tingin samin ni Philip. Kung dati ay masayahin at cool ang Mommy ko, ngayon naman ay lumabas na ang pagiging ina niya. Ang Mommy kong sobrang daming habilin at daig pa ang pari sa panenermon sakin.

"Mom, Dad that's not--"

"No! Wag mo na kaming utuin pa, Gianne. We saw in our own eyes. Hindi kami tanga para hindi maniwalang wala lang 'yon. Halos wala na kayong damit, at kung hindi pa kami dumating baka may nangyari na ngang talaga. Sa sobrang busy niyo sa ginagawa niyo hindi niyo kami namalayang pumasok." Malalim ang boses ni Daddy habang nakatingin ng masama saming dalawa ni Philip.

Gusto kong kontrahin siya. Gustong gusto ko pero natatakot akong mas lalo pa silang magalit samin lalo na kay Philip. Gusto kong ipaliwanag sakaniya na walang kasalanan si Philip dito, yung anak naman niya talaga ang puno't dulo nito.

Isa pa, ngayon ako nagsisisi na binigyan ko ng duplicate key ang Mommy ko. Eto tuloy kami. Huling huli na!

Nanatili kaming walang imik ni Philip at ang mga itsura namin ay para kaming high school students na nahuling nangongopya ng guro. Too bad, parents ko ang nakahuli samin. Mas nakakatakot kaysa sa kanino mang guro.

Napabuga sila ng hangin at ramdam ko ang disappointment nila sa kaisa-isa nilang anak na pinagkakatiwalaan. Niregaluhan nila ako ng condo unit na to, dahil gusto nilang matuto akong maging independent. At saka, wala naman daw akong boyfriend at malabong mangyari kasi wala pa nga sa isip ko ang mga ganung bagay. Kaya ang laki ng tiwala nila sakin. Pero... Sinira ko lang.

"Magayos na kayong dalawa. Maguusap tayo." Kalmado na ang boses ni Daddy pero ang tono nito ay yung ginagamit niya sa mga empleyado niya. Kaya namang nagtaasan lahat ng balahibo ko. Eto na naman siya, naalala ko dati yung una't huli niya akong gamitan ng ganong tono ng boses. Yung nag-cutting class ako nung high school para lang sumali sa isang amateur singing contest. Isang linggo niya akong hindi pinansin non, magkasama nga kami sa iisang bahay pero para lang akong hangin sakaniya. And I bet, he will do that again, baka nga mas worst pa.

Tumango na lang kaming dalawa ni Philip at lumabas naman sina Mommy at Daddy. Siguro para pakalmahin ang mga sarili nila. That's one of the reason why I love my parents dearly. Never nila akong sinaktan o sinabihan ng masasakit na salita. Although, ramdam mo kapag galit sila sayo gaya lang ngayon.

Fall For Me I MTMA SideStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon