Inayos ko ang mga gamit ko na dadalhin ko sa Batangas. May conference meeting kasing aattendan si Philip sa may Calatagan at sinama niya ako. Buti na lang din at patapos na ang klase namin this semester kaya pwede na akong magabsent. I already passed my requirements at napirmahan na din ang clearance ko, so all in all grade na lang ang kukunin ko pero pwede na 'yon nang by next week.
Isa pa, 3 days lang naman ang conference na 'yon kaya pumayag na din ako. And of course, as his girlfriend dapat supportive ako all the way. Isa pa, baka din may mga maglandi sakaniya don e. Mahirap na! Haha.
Saktong pagkasara ko ng zipper ng duffle bag ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Are you ready?" Binuksan na niya ang pinto at dumungaw siya mula don.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng malapad. Simula ng sabihin niyang tulungan ko siyang kalimutan si Martha, which is last 2 months ago pa ay mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa. Yes, mag-3 months na ang relasyon namin at sobrang saya ko! He's really sweet and gentleman, na hindi mo maiisip from a mysterious and serious guy like him na ganoon pala siya sa isang girlfriend. Ngayon ko nga lang din nararamdaman kung ano ba ang pakiramdam ng may nobyo. At sobrang saya pala talaga. Mukang mali ang sabi ng mga bitter kong friendship, hindi naman pala magka-tropa si love at broken hearted. Masyado lang sila. Haha.
"Yes babe. Aalis na ba tayo?" Malambing kong tanong sakaniya at mas niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Pero hindi siya pumasok at nanatili lang siyang malayo sakin na para bang may nakakahawa akong sakit.
Yes, like what I've said. He's really a gentleman. As in literal na gentleman. Yung second kiss namin together ay hindi na 'yon naulit pa. Hanggang holding hands na lang talaga kaming dalawa, ni hindi nga niya ako inaakbayan or niyayakap gaya ng mga mag-jowang nakikita ko sa kalsada at sa mga malls e.
Nung una, naiinis ako sakaniya. Pakiramdam ko kasi baka hindi ako ganon ka-desirable para layuan niya ako ng sobra. Pero nung sinabi niya sakin ang reason niya, mas lalo ko lang siyang minahal.
"I respect you, sweetheart. Your parents trusted me to protect you at ayokong biguin sila. Darating din tayo sa ganon, just take our time slowly and surely. I want us to be forever."
Aba syempre, kilig na kilig ang pepelya ng Ateng niyo. Kahit hindi niya pa sinasabi sakin ang mahiwagang 'I love you', ay ramdam na ramdam ko naman na konting kembot na lang ay tuluyan na din niya akong mamahalin. Mamahalin niya ako ng mas higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya kay Martha.
Konting tiis pa, Gi. Kaya mo yan!
"Yes babe. Get ready now. I'll wait you outside." He genuinely smiled at me. Nagexpect ako na lalapit na siya sakin para ikiss man lang kahit sa noo pero nakatalikod na siya't lahat ay wala akong natanggap mula sakaniya.
Bagsak ang balikat ko ng isasara ko ang pinto para magayos na ng bigla na lang may humawak sa kamay ko at mabilis akong inilapit sakaniya para halikan ako sa kaliwang pisngi. Sa sobrang bilis ay hindi ko masyadong naramdaman ang halik na 'yon.
Pero ayos lang, atleast hindi bumagsak ang beauty ko. Hahaha!
Nakangiti lang ako habang nagbibihis at hindi ko man lang alintana kung mangawit na ako sa sobrang pagkakangiti. Eh bakit ba? Super kilig kaya ako. Minsan na nga lang niyang gawin 'yon, biglaan pa? Diba? Sino ba kasing hindi mapapangiti don?
Hanggang sa lumabas ako ng unit ko at mai-lock ito ay hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Bitbit ang isang duffle bag ko at nakasukbit ang shoulder bag ko ay naglakad na ako pababa ng floor namin. Malapad ang pagkakangiti ko lalo na ng salubungin ako ni Philip para kuhanin ang bitbit kong mga bags.
BINABASA MO ANG
Fall For Me I MTMA SideStory
Conto✅ COMPLETED ✅ I MarriedToMrArtista Side Story I [Philip Renier Young's story] Walang ibang minahal si Philip kundi si Martha lang. Dahil sa paghahangad niya na makuha ang babae ay nagawa niya itong lokohin. Martha hated him so much to the point na h...