Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Did he said the three magic words to me? I don't think so. But I wished, he did. Ako na siguro ang pinaka-masayang babae kapag nangyari 'yon. But I can wait naman. I can wait na mahalin niya din ako.
"Ayos ka na ba, babe? Let's go." Nakangiting salubong ko sakaniya nang makalabas siya mula sa hotel na inookyupa namin. And as he being a gentleman as always, bitbit na naman niya ang mga gamit ko kaya kilig na naman ang pepe ng Lola niyo. Haha!
"Yes, tara na. Baka matraffic pa tayo sa daan." Ipinasok na niya ang mga gamit namin sa back seat atsaka ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat. Sumakay na din naman siya ng driver's seat at walang sabi-sabing nagsimulang magmaneho.
Simula ng mangyari yung hindi dapat mangyari samin nung unang gabi namin ay hanggang ngayon ay hindi namin 'yon pinaguusapan. Para ngang wala lang nangyari pagkagising namin kinabukasan. Naging normal lang ang takbo ng dalawang araw pa namin na pagstay dito. Akala ko nga ay magiging awkward ang lahat pero mukang ako lang ang affected, mukang ako lang ang may issue.
"Hmm, babe?" Pagkuha ko sa atensyon niya. Saglit niya akong tinignan bago ibalik ulit ang tingin sa daan. "Hmm, yung nangyari nung isang gabi. Ano kas-"
"Stop worrying. Gusto ko ang nangyari at papanagutan kita kung sakaling may mabuo man. Wag kang magaalala, Gianne. Hindi kita iiwan." Seryosong sabi niya pero ang atensyon ay nasa kalsada pa din.
Parang may nawala namang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Salamat naman. Salamat naman at hindi siya tulad ng mga lalaking kapag nakuha na ang gusto nila ay basta basta na lang mangiiwan. I almost forgot that this man beside me is a total gentleman and a responsible man.
Hays, ang swerte ko. Ang swerte swerte ko.
Hindi ko alam kung ano bang magandang ginawa ko sa buong buhay ko para makatanggap ako ng ganitong kalaking blessings. Sobra sobra pa sa hinihiling ko. Tama nga sila, love Niya tayo.
Bumalik na din ako sa kakulitan ko after kong makuha ang sagot na inaantay ko. Ako ang kwento ng kwento at nakikinig lang siya sa mga kwento ko although minsan nagsasalita din naman siya at bahagya ding nagkukwento pero ako ang pinaka-kota sa kadadaldal. Haha.
"Speaking of out of country, aalis pala ako next week. May meeting akong pupuntahan sa Las Vegas. Hindi kasi pwedeng yung assistant ko ang pupunta don. The investors wants to see me. Kaya wala akong choice kundi ang pumunta don."
"Ha? Ilang araw ka don?" Kung gaano kataas ang energy ko kanina, sobrang laki naman ng pagkakabagsak ngayon. Parang kailangan ko ng milo para sa energy gap. Chos!
Yan, joke pa more Gianne. Galingan mo!
"2 to 3 weeks. Pero pag mabilis na-close ang deal ay baka 2 weeks na lang or mas mapaaga. I don't know." Parang wala lang na sabi nito.
"What? Ganung katagal?" Medyo napalakas ang sigaw ko na ipinagtaka niya. Eh kasi naman e. Sino bang hindi magugulat don diba? Ang tagal kaya. Ang tagal ko siyang di makikita. "Sorry. Pero kasi naman, babe. Pwede bang sumama na lang ako?" Napanguso pa ako at hinawakan siya sa braso. Sana umepekto ang pagpapacute ko na usually kong ginagamit kay Daddy at ka Kady kapag may gusto akong makuha.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sakin. Hindi ko na nga namalayan na tinigil pala niya ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko at marahang pinisil iyon.
Nagangat ako ng tingin at malungkot na muka ni Philip ang bumungad sakin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang dalhin niya ang kamay ko sa labi niya. "I've always wanted you to be by my side. Kung pwede nga lang ay itatali na kita sakin para hindi ka mawala sa tabi ko. Pero Gianne, hindi pwede. May pasok ka pa at hindi pwedeng masira ang pagaaral mo nang dahil lang sakin. I promised your parents na hindi ko sisirain ang konsentrasyon mo sa pagaaral. Ayokong maging distraction mo. So please, stay here. Just wait for me, babe. I'll come back to you. Promise." Madamdaming pahayag niya sakin. Para naman akong nahipnotismo sa way ng pagtitig niya sakin at sunod sunod ang naging pagtango ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
Fall For Me I MTMA SideStory
القصة القصيرة✅ COMPLETED ✅ I MarriedToMrArtista Side Story I [Philip Renier Young's story] Walang ibang minahal si Philip kundi si Martha lang. Dahil sa paghahangad niya na makuha ang babae ay nagawa niya itong lokohin. Martha hated him so much to the point na h...