His' PoV
Ilang araw na ba akong naglalakad?
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako pupunta.
Saan ba dapat?
Tumingin ako sa gilid at nakakita ako ng pagkain. Sakto gutom ako!
Lumapit ako sa mga stool ng pagkain at nagsimula ng pumili.
Dami namang masasarap kainin dito. Ahhh! Kaldereta nalang.
I started tapping my pockets. Wala pala akong pera.
I look around and saw boundles of people. Lahat sila may kasama, kaibigan, boyfriend, pamilya, bodyguards, aso at pusa.
Bakit walang pumapansin sakin?
Wala ba talaga akong kakilala?
Pagkatapos kong tingnan ang mga tao ay ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa pagkain.
"Babalikan kita, hahanap lang ako ng pera"
I started wandering around again.
Saan ba ako pupunta?
---
Third person's PoV
Paulit-ulit na tinitingnan ni Gloria ang larawan ng anak na tatlong buwan ng nawawala, lumapit naman sa kanya si Dale at niyakap nya ito.
"Hahanapin natin sya ma, hahanapin natin si Knight" bulong ni Dale sabay tapik sa likod nito.
Tumango lang ito sa kanya at patuloy sa pag-iyak.
---
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jason sa asawa.
"Sa ospital" Tanging sagot ni Emma habang hinahanap ang susi ng sasakyan.
"Bakit ba paulit-ulit kang pumupunta ng ospital? Just leave him alone! Hindi natin sya kaanu-ano!" Sigaw ni Jason.
Itinigil ni Emma ang ginagawa nya at tumingin ng masama sa asawa.
"Oo, hindi natin sya kadugo! Pero responsibilidad natin!" Sigaw ni Emma habang umiiyak.
"We already send him in the hospital, ipinagamot na natin sya!" -Jason
"And you think our responsibility ends that way? Kung hindi ka lang tanga hindi sana mangyayari to!" -Emma
Pagkatapos ng sinabi ni Emma ay mabilis nyang isinukbit ang bag at umalis.
Naiwan namang nakatunganga si Jason.
His' PoV
Umupo ako sa isang tabi habang pinagmasdan ang mga tao ng may babaeng mag-isang umupo sa tabi ko.
Her tears are falling.
I look at her, humihina ang puso ko at bumibigat ang katawan ko habang pinagmamasdan syang umiiyak.
"Knight?..." Mahina nyang sambit sa pangalan ng isang lalaki.
Mahina pero dinig na dinig ko.
I wanted to wipe her tears away, I badly wanted to. But something is stopping me.
It's the fact that I don't know who is she.
"Anong nagawa ko? Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam Knight? Wala naman tayong problema diba? Wala naman akong kasalanan sayo diba? Wala ka naman sigurong galit sakin ehh!" Sabi nya habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha nya.
I can't help myself.
Dahan-dahan kong inabot ang likod nya and tap her back to comfort her.
Hindi nya ako pinansin and even cried harder.
YOU ARE READING
Left In The Dreamland
RomanceIsa lang akong ordinaryong tao na may ordinaryong mundo, pero dahil sa isang aksidente nakatagpo ako ng isang tao sa isang hindi ordinaryong mundo na makikita mo lang sa isang panaginip. Ito ang tinatawag nilang... Dreamland