Knight's PoV
Araw-araw akong pumupunta ng ospital para dalawin ang sarili ko, gusto kong malaman kung bakit ako nandito.
Gusto ko ng gumising. Ayokong araw-araw mag-isang naglalakad sa daan ng wala man lang niisang nakakakita sakin.
Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo sa deck na hinihigaan ng katawan ko ng biglang bumukas ang pinto.
Nakita kong pumasok ang babaeng nakita ko rin dito kahapon.
Kaanu-ano ko kaya 'to? Bakit sya lang ang laging dumadalaw sakin?
Tumayo lang ako sa likuran nya habang sya ay nakaupo at pinapanood ang katawan ko.
"Gumising ka na, hinihintay ka na siguro ng pamilya mo"
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi nya.
Pamilya? Hindi ko ba sya pamilya?
Pinanood ko lang sya habang hawak-hawak ang kamay ko. Lumabas nalang ako sa ospital ng wala na akong narinig mula sa kanya.
Dash's PoV
Nakatayo lang ako habang nasa tabi ko si Kelly. Nagpipilit ng ngiti, nagpepretend na masaya.
"So Ms. Kelly you're saying na pasok siya taste mo?" Tanong ng isang reporter.
Kelly's grin widens and she took a glance on me.
"Bakit hindi, he is handsome and talented" Sagot nya.
I give the people with a brief smile and drag her away. Binitiwan ko sya ng nakawala kami sa maraming tao at hinarap sya.
"Wala ka bang planong umalis don sa lugar na yon? Nag-eenjoy ka ba Kelly?"
She smiles evily and look at me seriously.
"Syempre hanggat sikat ang love team natin Dash, kasi balang araw lalaos din tayo!"
Hindi nalang ako nagsalita at iniwan sya.
Tama! Lalaos din tayo at huhintayin ko talaga yong araw na yon. Siguro naman pagdaring ng araw na yon bayad na ako sa utang ko sayong trophy at kasikatan ng grupo ko.
"Saan ka pupunta?" -Kelly
"May band practice kami!!"
Leighyana's PoV
Tahimik lang akong nagstrum ng guitar sa isang sulok habang iniisip kong nasaan na si leader. Ang tagal na namin dito ah, nakalimutan nya ba na may practise kami ngayon?
"Hayyy, ang tagal ni leader!" Dinig kong sabi ni Janus.
Inilapag ko sa tabi ko ang guitar at tahimik nalang na umupo.
Bakit nangyayari satin 'to Dash? Bakit parang ako ang nawala sa mundo mo?
Napapitlag ako ng nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Dash.
Agad namang tumayo si Dave at ngumiti ng malawak.
"Hayy salamat at sa tatlong taong paghihintay dumating ka na!" Sabi nya sabay lapit kay Dash at akmang yayakapin ito.
Pinitik naman ni Dash ang noo nya kaya napalayo sya habang hinimas-himas ang noo.
"Tatlong taon ba? Loko 'to!! Sige na formation!!" -Dash
Formation? Hindi man lang ako pinapansin, ano nag-eenjoy ka na kay Kelly?
Padabog kong kinuha ang gitara ko at pumunta sa lugar ko. Umupo lang ako dito habang hinihintay ang ang susunod nyang sasabihin.
YOU ARE READING
Left In The Dreamland
RomanceIsa lang akong ordinaryong tao na may ordinaryong mundo, pero dahil sa isang aksidente nakatagpo ako ng isang tao sa isang hindi ordinaryong mundo na makikita mo lang sa isang panaginip. Ito ang tinatawag nilang... Dreamland