Chapter 2

12 3 0
                                    

Leighyana's PoV

Diretso akong pumasok sa kwarto ng hotel namin matapos iannounce ang winners sa nangyaring battle of the bands na sinalihan namin.

Akala ko ang galing na namin.

Nakahiga lang ako ng may kumatok sa pintuan ko.

"Bakit?" Walang gana kong tanong sa taong kumatok.

"Ok ka lang?" Tanong nito.

"Oo"

"Can I come inside?"

Hindi ko sya sinagot at dahil nilock ko yung pinto ako nalang mismo ang tumayo at binuksan ito. Tumambad naman sakin ang malungkot na mukha ni Dash.

Pagkapasok ay tumabi sya sakin na umupo sa kama ko.

"I'm sorry..." -Dash

"Saan?"

"Na hindi tayo nanalo"

I force a smile for him not to feel sorry.

"Ano ka ba! Kagagawan natin lahat yon grupo tayo ehh. Lahat tayo nagkulang" Sagot ko.

At ngumiti narin sya ng konti.

---

Tahimik lang kami lahat habang nakasakay ng sasakyan pauwi.

Ang dami ko kasing iniisip.

I failed again.

"Leigh nandito ka na sa bahay mo" Napapitlag ako ng tinawag ni Dave ang pangalan ko.

Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna ang bahay.

Bukas ang ilaw sa kwarto ni mama, nandito na pala sya.

"Sige pasok na ako, ingat kayo" Pagpapaalam ko.

Nginitian lang nila ako bilang sagot.

Bago ako pumasok ay huminga muna ako malalim.

I need to look okay. Kailangan kong magmukhang nag-eenjoy ako.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad agad sakin ang mukha ni mama.

Agad kong kinuha ang kamay nya at nagmano.

"Kumusta lakad mo nag-eenjoy ka?" Tanong nya.

Agad naman akong ngumiti.

"Oo naman po"

"Saan ka galing?"

"Hindi po ba nabanggit ni papa sayo na---"

"He's lying I know you told him to! Now you tell me the truth, saan ka galing?"

Ano bang sinabi ni papa sa kanya?

Bago ako sumagot ay biglang may nagdoorbell.

Nakahinga ako ng malalim sa pag-aakalang nasave ako ng bell, pero mali ako.

Pumasok si Dash sa bahay dala-dala ang gitara ko.

"Naiwan mo nga pala yong gitara mo"

Pero bago ako sumagot ay inunahan na ako ni mama.

"Iuwi mo na yan! Umuwi ka na!" Kalmado pero galit ang boses ni mama.

Hindi gumalaw si Dash kaya itinulak ko nalang siya paalis.

Pagkatapos ay humarap ulit ako kay mama.

"So, your dad is not lying! Pumunta ka nga sa battle of the bands!"

Hindi nalang ako sumagot sa kanya.

"Sinabihan na kitang pumili ka between school o yang rocket-rocket mo na yan"

Left In The DreamlandWhere stories live. Discover now