Chapter 5

8 1 1
                                    


Knight's PoV

Agad akong pumasok kasabay ng babae ng nagbukas ang pintuan ng bahay nya, sumunod kasi ako sa kanya mula sa ospital hanggang dito.

I examined the whole house ng makapasok ako. Lahat ng mamahalin nilang gamit, at mga larawan. Isa-isa kong tiningnan lahat pero niisa don wala ako.

Mabilis kong ibinaling ang tingin ko ng may narinig akong yapak mula sa hagdanan, isang lalaki na hula ko ay asawa ng babaeng laging dumadalaw sakin sa ospital ang bumaba.

"Saan ka naman galing?" Bungad nyang tanong sa asawa pagkababa ng hagdan.

Tahimik lang akong nakinig sa kanila total hindi naman nila ako nakikita.

"Saan ka galing?" Pag-uulit nya ng tanong ng hindi sya sagutin ng asawa nya.

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

"Pag-aawayan na naman ba natin 'to?" Pagbabalik nya ng tanong.

"Sa ospital, ahh Oo. Bakit pa nga ba ako nagtatanong ehh ginawa mo ng tahanan ang ospital ng dahil sa batang yon"

Huminga ulit sya ng malalim atsaka nagtungo sa kusina ng hindi na nagsasalita.

Sinundan ko sya ng tingin atsaka tiningnan ko ang lalaki na ngayon ay padabog na umupo ng sofa.

Bakit kaya hindi nagpupunta sa ospital 'to? Teka---

--- anak ba ako sa labas ng babaeng yon kaya mainit ang dugo ng lalaking 'to sakin? Pero bakit wala akong picture sa bahay na 'to?

Inikot ko ulit ang tingin ko sa bahay at napatingi sa taas ng hagdan.

Baka meron akong larawan sa loob ng kwarto ng babae. Pasukin ko kaya...

Dale's PoV

Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay ng mapagtanto kong wala si Nanay sa taas.

Pagkapasok ko ay napatingin lang ako sa kabuuan ng bahay namin.

Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito.

Mabilis akong umakyat ng kwarto ko bago pa dumating si Nanay.

Laking tuwa ko ng hindi nya ito nilolock. Ang linis-linis ng kwarto ko siguro araw-araw nyang nililinis 'to.

Agad kong tiningnan ang ilalim ng higaan ko at tuwang-tuwa kong kinuha ang gitarang nakatago sa ilalim nito, ang linis din.

Nililinis pala ni Nanay lahat ng gamit ko.

I tried to strum it.

Maganda parin, ano kayang magandang tutugtugin ko.

Mabilis kong nilagay sa tamang chord ang kamay ko ng may bigla akong naalalang kanta na lagi kong tinutugtog dati.

Sasabayan ko nalang din ang tutog, kakanta ako saglit.

"Late at night when all the world is sleeping...
I stay up and think of you and i wish on the stars that somwhere you are, thinking of me too---"

"Anong ginagawa mo dito?"

Mabilis akong tumayo at inilapag ang gitara sa higaan ng marinig ko ang boses ni nanay pero hindi ako tumingin sa kanya.

Maya-maya lang ay hindi ko na ulit sya narinig na nagsalita kaya dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses nya,  tumutulo ang luha nya habang nakatingin sakin. Hindi na galit ang nakita ko sa mga mata nya. Bago pa ako makapagsalita ay patakbo na syang lumapit sakin at niyakap ako.

Left In The DreamlandWhere stories live. Discover now