Kabanata 3

15 7 0
                                    

Done

Nagulat si Ran ng makita ang paglabas ko sa aking kwarto. He was watching a noon time show on our small television when I decided to go out and eat lunch. The atmosphere fell silent immediately.

Halos ilang araw na rin akong nagkukulong kaya kinailangan kong hintayin na mag adjust ang aking mata sa liwanag na sumalubong saakin. Tumuwid ako sa pagkakatayo matapos at tumikhim para mabasag ang katahimikan. I hurriedly closed my door before heading to our very small kitchen.

Kung gaano kaliit ang aming sala ay mas maliit pa rin ang aming kusina. Walang pader o anumang harang sa pagitan ng sala at kusina namin kaya madali niya akong nasundan ng tingin hanggang sa makaupo ako. Malinaw ang kanyang pagkakatanaw saakin at sa gilid ng mata ko'y kita ko siyang nakanganga.

Bumuntong hininga ako bago kumain. Mayroong mangkok na naglalaman ng ulam sa aming hapag. I know it was my brother who cooked it. Walang ibang gagawa noon kung hindi siya. We've living alone like this eversince I reached college. Three years.. It's been three years since then. Simula pagkabata ay tinuruan na kami ng aming ama sa mga gawaing bahay. We weren't rich and we can just barely feed ourselves so we needed to fend for ourselves. Si Papa ay madalas mangamusta at tumawag kapag weekend.

Napatitig ako sa ulam.

Adobo.

Kaunti na lang iyon at mukhang nabahaw na. I wonder how long was this dish sitting here?

Ang alam ko'y wala kaming masyadong pera ngayon dahil sa enrollment. Ang hula ko'y kaunti lang ang naipadalang allowance ni Papa dahil mas kailangan niyang unahin ang aming tuition. Huminga ako ng malalim.

Kahit na mukhang ilang araw na iyong nakahain ay kinain ko pa rin iyon ng walang reklamo. Ganoon naman ang aming buhay. Walang lugar ang reklamo at arte. Kailangang magtipid dahil sa susunod na buwan pa ang susunod na padala saamin.

"Aalis ka ba?"

Napahinto ako sa paghuhugas ng aking pinagkainan. After a long while of just staring at me, my brother decided to talk to me.

"Oo.."

"Saan ka pupunta? Kailangan mo ng makakasama?" Pinagkatitigan ko siya. He seemed like he was observing me. Bumuntong hininga ako at umiling. If he's willing to volunteer himself, then I don't need company. I know he was worried again.

"Hindi na, Ran. Mag eenroll lang ako."

His mouth parted a bit. "T-talaga?"

Kinunutan ko siya ng noo. Matapos naming magsigawan noong isang araw sa aking kwarto ay hindi na niya ulit ako ginulo o kinausap tungkol doon. Madalas siyang maghatid ng pagkain pero hanggang doon na lang iyon. Naninibago tuloy ako sa kanyang mahinang boses.

"Yes..." I thought he'd be happy seeing me out of my bed and out of my room.

"Ah-hh! Mabuti naman at nakapag isip kana ng mabuti ate! Matutuwa si papa!"

Napailing na lamang ako. He's that happy for me? Pati si papa ay tinawagan niya agad!

"Kamusta kana? Mabuti naman at naisipan mong bumangon. Balak ko na sanang umuwi sa susunod na linggo kung sakaling hindi ka pa rin makikipag usup saakin.. Ano bang nangyari anak? Bakit pumayat ka ng ganyan? Ang sabi nitong si Randolf ay madalas ka raw walang gana. Nagpacheck up kana ba?"

Medyo natigilan ako sa sinabi ng aking ama. He's going home?

Napasulyap din ako kay Ran sa aking tabi. Akala ko ay isinumbong niya ako dito dahil sa katigasan ng ulo ko ngunit mukhang wala siyang binanggit na anuman.

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon