Kabanata 5

11 5 0
                                    

Rules

"Alam mo ba? Ang sarap talaga ng pagkain nila doon.. Grabe! I've never eaten a halo-halo before but when I tried it... Bam! I fell in love instantly.. I swear, I'll visit that fastfood again when I have time..."

Pumangalumbaba ako sa kwento ni Gwyn. She's been at it since we saw each other on school this morning. Mahilig talaga siyang magkwento noon pa man tungkol sa pagkain dahil alam kong isa siyang foodie person. Madalas niyang banggitin iyong mga pagkain na gusto niyang matikman o ang mga pagkain na kakaiba sa kanya. Ang kaso ay hindi naman ako interesado sa kanyang mga pinagsasabi. I've always eaten most of the things she usually takes interest to. Lalong lalo na iyong mga pagkain ng mga normal na tao. Ngumiwi ako. She's rich but she's ignorant with the simple life, that's why she keeps blabbering about food again. She wonders about the simplicity of the people far from her status. I don't like it. It's becoming a pain in the ass for me.

"Talaga? Sayang naman hindi ako nakasama.. Sana natikman ko rin iyong masarap na halo-halo na sinasabi mo.." Ngumiti ako ng pilit ng sumulyap ito saakin, kunwari ay interesado. Ang totoo'y gusto ko na siyang patahimikin pero hindi ko masabi.

Yeah right, as if I haven't tasted one of the bestseller of that known fastfood. Kung iyon lang ang ikinasasaya niya ay matagal na siyang huli sa balita. I tsked. Rich kids and their dislike for fastfood chains. Tignan mo tuloy ngayon, mukha siyang pinanganak kahapon. Though, I'm not telling her that. It's fun seeing her in awe like an idiot. I like seeing her foolish side. Doon, nararamdaman kong hindi nagkakalayo ang aming mundo kahit na ang totoo, ay napakalayo talaga noon.

Idinidetalye niya ang mga nangyari kahapon. It was the first time she invited me out again but I refused. I had some schemes planned out. Mas gusto ko iyon kesa samahan siya.

Palihim kong kinuha ang susi ng kanyang locker sa kanyang bag. Balak kong maghanap ng anumang bagay na pwede kong makuhanan ng impormasyon o magamit laban sa kanya pero nabigo ako. Thanks to her good-old brother for it!

Muntik na akong atakihin sa puso. Ni hindi ko man lang napakinabangan ang pagkakaroon nila ng locker sa paaralang ito!

Sa dati kong paaralan ay walang ganoon. Our old school was government owned. They don't think that much about student's concerns. They don't bother with our struggles. We bring books and many stuffs around without tiredness.

"Oo nga eh! Ikaw kasi, sabi sayong umuwi ka na at ipagpabukas mo nalang ang paghiram ng libro.. Isa pa, may internet naman ah? Doon kana lang magresearch!"

Ngumiwi ako bago ngumiti ng may paumanhin. Kung alam niya lang na puro kasinungalingan lang iyong idinahilan ko sa kanya. I bet she wouldn't be smiling widely right now, huh?

"Okay lang, mas gusto kong sa library magresearch. Mas may effort saka isa pa, nagtitipid ako ngayon. Mahal ang load ng broadband.." But she doesn't know. Yeah, like I will bother going to the library? I'm not even interested in studying right now. That's the least of my goals. Only one thing really interests me right now and that is revenge.

And she was smiling at me like there's no tomorrow. "You could use mine. Laging may load iyon. Saka pwede rin sa bahay.. May wifi doon.."

I shook my head. Well, that was tempting. "Maybe next time.." Ignorant girl. Ni hindi man lang siya nagduda na nagreasearch ako kahit wala pa namang pinapagawa ang mga instructors namin. Kahit nang ibalik ko sa kanya ang kanyang susi habang pinapaliwanag na nahulog niya iyon sa daan at ako ang nakapulot, hindi siya nag taka. Imposibleng mahulog niya iyon ganoong nakalagay iyon sa pinakaloob na bulsa ng kanyang handbag. At imposible ring mapulot ko iyon ng kung saan gayong hindi naman ako madalas tumingin sa lupa kapag naglalakad.

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon