2

2.5K 85 15
                                    


**

LUMIPAS ang dalawang buwan at naging mas malapit kami ni Sir Daniel. O DJ. Sabi niya DJ nalang daw itawag ko sakanya pero siyempre hindi ko naman siya tinatawag ng ganon sa klase or kung saan may kasama kami.

Alam 'to ng dalawa kong kaibigan. Si Arisse tsaka si Trina. Yung mga ka-klase ko naman, paminsan-minsan nalang kami inaasar.

Magkaibigan kami. Masaya siya kasama, masarap kausap. Minsan nililibre niya 'ko sa labas ng school, kung saan may kalamares. Isang beses na kaming kumain sa labas. Kasama si Trina tsaka si Arisse. Hindi malapit sa school, e. Kasi siyempre, baka may makakita tapos kung anong isipin.

Sabi niya nga... "Kahit na mga estudyante ko lang naman kayo...iba pa rin 'yong iisipin ng iba." Oo nga, kahit estudyante lang naman niya kami, hindi maiiwasang iba yung isipin nila.

Nakwento niya rin samin na 'di talaga siya gaano kalapit sa mga estudyante niya kaya natutuwa siyang 'medyo' close na kami. Kaming apat. Hehe. Nakikinig na nga ako sa mga lesson niya, e. Nakakahiya kasi. Pero siyempre, nakikinig lang, hindi iniintindi. Hahaha.

"Ugh, natapos mo na draft mo?" Tanong ko kay Arisse. Kasi naman oh, parang wala siyang iniintinding ipapasa. Eh kung tamad ako mas tamad 'to.

"Tsk, 'wag ka munang magisip ng mga problem, te!" Sabi niya sakin tapos tumingin na naman sa salamin.

"Wow? Eh bukas na pasahan ng draft ah?"

"Sssshh, magpaganda ka nalang diyan kasi math na yung next subject."

Dalwang beses kas yung math naming sa isang linggo. Tig 2 hours each meeting. "Tsk, wala akong pake sa Math."

"May quiz ngayon 'no? Ano ka, genius?"

"Shut up ka nga! Yung sa 002 kasi!"

"Mamaya mo nalang 'yan isipin kapag tapos na yung math. Oh, liptint." Sabay abot sakin ng liptint. Hinihintay rin kasi namin si Trina eh. Nag try out kasi ng basketball for girls. Ako, tapos na ko'ng mag try out. Volleyball sakin. Si Arisse naman, watergirl. Punyemas na 'yan, napakatamad na nilalang.

Nagpolbo ako tapos ay nagliptint. Nakakastress naman 'to. Daming requirements! Kung kailan malapit na intrams, eh. Hindi ba pwedeng bonus nalang lahat kapag pretty? Ay joke, kawawa naman si Trina.

"Ugh, bakit kas 5th floor pa!! Nakakapagod!"

"Alam mo, ikaw, puro ka reklamo 'no? Tignan mo 'ko, mas excited pa ko na magkikia ulit kayo ni Sir Daniel." Binulong niya lang yung last part kasi baka may ibang makarinig. Inirapan ko siya. "Alam mo ikaw, masyado kang affected sakanya. Kaibigan slash estudyante lang kasi turing nun satin, masyado kayo."

"Weh, eh sobrang caring nga sa'yo, e. Tapos halos araw-araw kayo magkachat. Hanggang may free time, minsan kapag class hours pa tsaka bago matulog. Sino niloko niyo?"

"Ugh, 'wag ka nga!"

"Okay lang 'yan, girl. Single ka naman."

"May boyfriend ako."

"Pwede ba? Gising-gising din? Malabong maging boyfriend mo si Andrew Garfield. Masyado ka naman. Makaangkin kang boyfriend mo siya, ikaw lang naman may alam!"

"Heh! Epal, epal, epal!!!"

"Hahaha, tara naaaa. Baka malate pa tayo! Ilang bundok pa aakyatin natin. Huhu." Hindi na 'ko sumagot at nagpahila nalang sakanya. Grabe, ang hyper. Di ko mareach.

Lanta akong naglakad. Ewan ko ba, medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon, e. I don't know why. Nanlalamig nga ako. Hay.

5502. "Uy, wala pa si Sir." Nakapasok na kami sa room. Nandito na rin yung iba kong kaklase sa Math. Umupo ako sa kung saan talaga ako nakaupo at pumikit. "Hoy, babae. Magreview ka nga." Ramdam ko pa yung pagtama ng notebook sa braso ko.

Hayaan Natin SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon