**
"ILAN grado mo kay Sir last sem?" Inirapan ko si Arisse. Badtrip! Naalala ko tuloy! "Do not ask me again." Sagot ko at naglipstick.
"Hahaha, tres ba?"
"Oo, ikaw?"
"2.5. Well!"
"Whatever. Tara na nga."
Badtrip. Napakatalino ko lang naman kasi sa Math. Ayun, buti nga raw, sabi nila, nakatres pa ko eh. Nakakainis kaya. Sa math lang talaga ako nakatres in my entire college life. At dahil yun sakanya. Well, accepted ko namang bobo ako eh. Pero, bakit. Char. Wala, bitter lang.
"Siya na naman ngayong sem! Hay nako. Baka singko na ko. Pwede na isigang." Sabi ko kay Arisse habang papunta kami sa floor kung saan ang next subject namin.
Actually, 2nd week na nga ng pasukan eh. Ngayon lang kami pumasok kasi wala namang usually na ginagawa sa first week. Makikita ko na naman si Sir. Sana naman eh dos niya ko.
"Kasi naman teh! Kumopya ka kaya samin! Hiya ka pa eh."
"Kumokopya kaya ako! Minsan." Oh diba, ang taray. Sila pa yung nanimimilit. Hahaha. Ganyan ako kaganda eh.
"Excited nakooooong kiligin ulit."
Ayan na naman po siya. Sila yan, e. Wala kasi si Trina. Nasa Japan pa. Nasarapan yata sa sembreak. "Ayan na nama kayo. Lakas makaissue."
"Satin-satin lang naman oh. Wag ka ngaaaa."
Nililink kasi nila ako kay Sir, e. Kasi raw parang crush daw ako non. Lagi raw akong hinahanap tsaka pinaparecite! Kaya nga ako badtrip sakanya. Alam niya nang matalino ako masyado ako pa pinagtatanong! Tsaka lagi raw nakatingin sakin. Eh normal lang naman yata yun kasi student ako, diba. Wala lang talagang magawa 'tong mga kaklase ko. Isa paaaa, mga sipsip yan kay Sir! Laging chinichika. Crush kasi yan ng buong college. I think. Except sakin. Ew.
Pumasok na kami sa room, late pa nga pala kasi andito na siya. Tenteneneeen.
"Yiiiieeee~" Napairap agad ako at umupo sa dulo nang pagtinginan ako ng mga kaklase ko. Bakit kasi magkakaklase pa rin kami ngayong sem! Ughh!!!
"Sir oh, namumula." Inirapan ko at sinipa ang upoan ng nasa harap ko. Si Michael. "Hayup ka, manahimik ka ha."
Tinignan ko si Sir tapos wala namang effect sakanya. Ay joke, ngumiti pala siya.
Medyo pogi naman pala si Sir Daniel.
Medyo lang. Pogi pa rin boyfriend ko.
May pinakopya samin si Sir, at as usual, tamad na tamad na naman ako. Hahahaha. Kasi naman eh! "Matulog na lang kaya ako." Sabi ko at ngumuso.
Tinuktok sakin ni Arisse yung ballpen niya. "Sige ka, baka masingko ka na talaga."
"Tsss, sige na nga lang." Sabi ko at lantang nagsulat. Huhu. Kasipagan, saan ka nakatambay.
After class, naghiwalay na kami ni Arisse. Magkaibang parte kasi ng Metro Manila ang tinitirhan namin. Haha. Tumambay muna ako sa may mga streetfood. Bumili ako ng calamares. Huhu, namiss ko 'to.
"Ms. Bernardo,"
"Ay!...Sir..." Nanlaki ang mata ko nang kumuha siya ng stick tapos kumuha rin ng kalamares. "Ikaw po pala." Tinignan niya ko tapos ngumiti. "Kumusta sembreak mo?"
"Ah, okay lang naman po. Natulog lang."
"Drawing na naman ba?" Bahagya siyang napatawa.
Napangiti ako. "Opo," Tumingin siya ulit sakin tapos umiwas na ko ng tingin. Bakit ganon? Ang pogi niya pala kapag gabi na. I kennat!
"Asan mga kaibigan mo?"
"Umuwi na rin po, e." Tumango siya at kumuha ulit.
Hindi naman talaga katandaan 'tong si Sir Daniel, e. 2 years lang gap namin. Kaya nga maraming nagkakagusto sakanya.
"Gusto mo?" Turo niya sa buko juice na nasa kabila lang.
"Ah, opo? AY I mean.."
Ngumiti pa siya at tumawa. "Sus, tara, libre ko naman."
Oo nga naman. Tsaka 10 pesos lang naman yan. Halerrr.
Bumili siya ng dalawa tas binigyan niya ko. "San ka ba umuuwi?"
"Marikina po."
"Ahhh, malapit lang dun yung condo ko."
"Ah ganon po ba..hehe."
"Hatid kita?"
"Ha?...."
"Tara, hatid kita."
"Wag na po. Okay lang po. Magji-jeep nalang po ako. Hehe."
"Sige na, gusto rin kitang ihatid."
...at 'yon ang unang gabi na hinayaan kitang ihatid ako.
**
This is a short story. 5-10 chapters lang. mababaliw na kasi yata ako kapag di ko nasulat. Hahahaa