Last Chapter

3.6K 122 55
                                        


**


8 YEARS LATER..


"KATHRYN!"


"Sir!" Ngayon ko lang na discover na pwede pa akong panglaban kay The Flash sa bilis ng pag-angat ko ng ulo nang tawagin ako ng boss ko. Sa part lang na 'yon ah. Kasi hindi ako mabilis makalimot,maka move on. Charot lang. Nakamove on na ko just last year. Hahaha charot ulit. 


"Paki proofread naman nitong article na 'to." Sumandal pa siya sa cubicle ko at inabot sakin yung, five ba, or ten na papers. "Sumasakit na ulo ko sa bagong worker dito." 

Sino bang bago rito? Ahhh. "Si Kyela po?" Kinuha ko 'yon at finlip yung iba para sa fast-checking. "Ako nalang po bahala."


"Sige, thank you, ha. Maasahan ka talaga." He tapped my shoulder at nagsimula nang umalis. Bumalik naman ako sa pagfo-focus sa mga papers na nakalatag dito sa table ko. Hindi pa nga yata nagda-dalawang minuto bumalik na si Boss Gab. 

"Ah, Kath?"

"Yes po?" As usual, attentive at talaga namang kahit pagod-pagod na ang lola niyo, heto pa rin ako kala mo walang kapaguran yung ngiti. 

"May kailangan nga pala kayong iinterview. Yung team niyo yung napili ni Boss Julie." Nanlaki ang mata ko. Woah, blessing! "Talaga po? Saan po? And about po what?"

"Kailangan niyong gumawa ng article about sa Ford Family. They are the finest, wealthiest, grandest, ano pa ba? Ano pa bang bagay sa pamilyang 'yon?" He chuckled a bit. 

Samantalang ako, heto nakanganga. 

"We are all aware naman how popular their family is. Here in our country, sila na ang pinakamayaman based on the reliable articles and reports. So, I asked one of the Fords, who happened to be my classmate in Ateneo kung pwede tayong gumawa ng magazine about sakanila. Are you listening, Kath?" 

"Po? Ah! Opo! Yes naman po."

"Good, so ayun nga. The schedule is next week. Mga 4 days yung kailangan natin, I also asked Herman and his team for the pictorial. So sa first day yung interview talaga. Tapos the next day pictorial nila, but you should be there kasi pwede ka pa ring makagather ng informations about the Fords. Then the last day, ito-tour ang team niyo sa properties nila here in Metro Manila, their  business and the last day, if I'm not mistaken to their resorts in Cebu, Palawan and Boracay."


"Y-you mean Sir, all in one day yung t-tatlong places na 'yon?"

"Yup, you will be using their private plane. Gahol na nga sa oras kaya sabi ko na pwedeng iresearch nalang namin yung place or ask them about it pumunta nalang tayo for some other day para di sila mahirapan but sabi ni Rico, yung ka-klase ko na one of them will accompany the team. Overnight yata kayo sa last day."


"O-oh.."


"Okay ka lang ba? Bakit parang bigla kang namutla?" 


"Ha? No, Sir. I'm perfectly fine." Sabi ko at binigyan siya ng sobrang lapad na ngiti. Wow, very plastik smile. 

"That's good! So sana, maging successful 'tong project na 'to. Si Mark Nicdao yung kasama niyo. You met him naman diba?"

"Oo naman po. Lagi po namin siyang nakakasama." Siya kaya ang laging photographer ng magazine. Well, sometimes BJ. 

Hayaan Natin SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon