**"PERAM phone! Patext!" Inangat ko ang tingin ko. Mula sa cellphone ko papunta kay Trina. "Sino itetext mo?"
"Kachurch ko lang. I ran out of load pala. Dali na, give it to me I'm worth it~" Kinanta niya pa. Pero ayos lang, di naman sintunado si Trina. Kami lang ni Arisse.
"Kay Arisse ka nalang makitext. May ginagawa kasi ako." Sabi ko at lumabi.
Kapag 'di pa naman 'to nareplyan kaagad... "Sus, di naman magbabasa ng conversation niyo ni Sir DJ.."
"Kahit naaaa." Kunwari pa siya, gusto nga nilang magbasa ng mga messages ni Sir, e. One time, naiwan kong bukas yung messenger ko sa phone ni Arisse. Grabe, nagbasa muna sila ng konti. Liiiiiitle lang daw talaga. Nakakainis. Nakalimutan ko kasi pauwi na kami nun. Pauwi na nga lang di pa makapag wait. Sabing lowbat ako, e.
"Ikaw nalang magtext, this is the number oh." Tumango nalang ako at pumayag. I then typed the number tapos tinanong siya kung anong sasabihin. After sending the message, chineck ko kung may reply na kahit alam ko namang wala pang notif. Weirdo ko diba. Tss.
Nilock ko nalang ang phone ko at inilagay sa bag. Naghokos pocus nalang ako sa mga assignments ko. Andito kami sa condo ni Trina, e. Mamayang 3 pa kas yung class namin. Kanina yung first class 8am. Haba ng vacant kaya dito nalang muna kami. Buti nalang di traffic.
"Asan na ba si Arisse?"
"Ayun, oh, may kausap sa phone."
"Oh, I see." Ano ba 'yan, inuna pa 'yong pagtetelebabad sa boyfriend niya. Eh pinapaorder ko kaya 'yan ng lunch! Gutom na ko eh.
Tumunog yung notification ko kapag may message. Kapag sa school ko lang minsan nilalagay na vibrate or silent. Pero minsan dyahe rin eh. Kinuha ko 'yon sa baga at binuksan yung message.
Nage-encode lang ako ng scores. Asan ka?
Ibinaba ko muna ang ballpen na hawak ko at nagtype, nagreply sakanya.
Dito kami sa condo nila Trina. Bakit?
Yeah. Hindi na 'ko nagpo-PO at opo or Sir sakanya kapag nagtetext. Naiinis kasi siya. Ayaw niya raw na tinatawag ko siya ng ganon. Wiii.
2 minutes na, wala pa ring reply. Hay. Ang tagal naman! Pero sige lang, nage-encode siya ng grade. You should understand.
Yun ang gusto niya. Understanding girlfriend.
Nilock ko na naman ulit ang phone ko pero this time, nilapag ko lang siya sa gilid. Nagsimula na naman akong magsagot pero wala pa yatang limang minuto, naagaw na agad ng lumiwanag na cellphone ang atensyon ko. Kita ko pa nga ang lockscreen ko'ng kaming dalawa...
Miss na kita.
Napakagat ako sa labi ko, pinipigilang hindi ngumiti. Kahit naman mukha na akong kamatis dito at kahit pigilan ko pa, alam ko namang nakatingin na sakin si Trina.
"Luh, luh luuuuh!"
Inirapan ko siya at sinubokang magtype. Eh sa wala akong maisip na ireply! Ugh.
Miss na rin kita? Yun nga. Magpakasweet ka naman, Kath. Girlfriend ka eh.
"Ano sabi?" Tumayo si Trina mula sa couch at dali-daling pumunta sakin. Tumabi siya tapos tinry na kunin 'tong phone pero inilayo ko. "Ehhhh, wag kasi!"
"Patingin lang!"
"Wala lang naman eh."
"Edi patingin kung wala lang naman!"