Saw-i [Isaw]

29 4 0
                                    

Naniniwala talaga akong nasa madumi ang masarap. Hahahaha. And this day, is very special for me. Ang lalaki'ng aking minahal nakilala ko dahil sa tusok-tusok, yang bbq, chicken skin, hotdog, at higit sa lahat yung pinaka-masarap sa lahat, kasi medyo mapait pa. - ang ISAW. Alam niyo na kung bakit mapait. Hahaha. 

Ganito yun, pagkatapos ng klase,gutom na masyado tapos gipit pa talaga ako,mapupunta nalang talaga ako sa isaw at bbq after ng klase.And one time kumakain ako, meron akong nakasabay, grupo yun sila,super happy sila pero ako deadma lang, kasi masyado na kaya akong gutom. Hahaha. Pagkatapos, dala na siguro ng gutom, ang sauce ng isaw nahulog na sa uniform ko,tapos ang nakapansin eh yung isang lalaki sa grupo na nakasabay ko. 

"Miss, may sauce ang dede mo"

O diba, nainis talaga ako habang nakikinig sa kanya,ang sarap tusukin ng barbeque stick ang taong to. Bastos masyado sa lahat ng bastos. Sa inis ko,huminto ako sa pag kain tapos nagbayad na ako. Pagkatapos kong magbayad ay umalis na ako,tapos may bigla nalang kumalabit sa akin,ang hayop pala,meron pang pa habol-habol. Akala mag so-sorry, hay ang sukli ko pala sinauli niya. 

"Ang tanga mo naman Miss, ang dumi mo pa kumain,tapos kinalimutan mo pa ang sukli mo".

Sumagot naman ako "Mayaman ako, di ko kailangan ng sukli" mayabang na sagot ko pero nakalimutan ko talaga ang sukli sa sobrang pagmamadali. 

"Wow ang galing mo naman, akin nalang ito, salamat miss, hahaha"

Ay ewan hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang panahong iyon. Bastos talaga siya masyado. Pero ang worst, ang mga barkada niya,umuna nang sumakay ng jeep,tapos iniwan ang bastos nilang kaibigan.Ayun,nag ba-bye ba-bye habang nakasakay sa jeep. Hinabol niya nanaman ako.

"Miss, sorry sa nasabi ko, pero totoo din naman kasi iyon" 

Hindi talaga ako umiimik,pumara ako pedicab,sumakay din siya.Naiisip kong ihuhulog ko siya sa pedicab. Hahaha.Bumaba ako sa mall,tapos bumaba din siya.

Sabi ko "Bakit mo ba ako sinusundan?, ipapapulis kita ngayon". 

Hindi din umimik ang hayop.Pagkapasok ko sa Mall,bigla na rin siyang nawala sa paningin ko, pero ako naiinis pa rin.Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag wi-window shopping.Pagkatapos,kumain ako sa isang fastfood chain dito sa mall.Nakarinig ako ng parang nag-aaway sa likod ko. Sus, ang hayop pala at ang girlfriend niya, hahahaha.Nakasabi talaga akong digital ang karma.Hahahaha. 

Tapos bigla nalang nag walk-out yung girl,tapos itong lalaki naman,parang bata na umiiyak, hahaha.Ang pangit pa namang umiyak. Hahaha. Pagkatapos nun,nakonsensya ako konti tapos nilapitan ko siya.

"Hoy, ang ingay mo naman,na karma ka ano?" 

Tiningnan niya lang ako at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Tiningnan ko lang siya,pagkatapos niyang umiyak,sabi niya. "Ganyan talaga kayong mga babae noh?,kung meron lang mayaman or gwapo 'yon agad ang pipiliin niyo"

Sumagot din ako "Ahh oo, natural,ano pa bang hahanapin namin ngayon panahon?,hahahah" 

Pero honestly,ininis ko lang siya sa sagot ko.Pagkatapos,umiyak nanaman siya, hahahaha wala talagang isip.Pagkatapos ng drama niya,usap lang kami ng usap,hanggang nagsarado nalang ang Mall.First time pa lang naming nagkakilala pero ang saya ng pagkatao niya,ang saya niyang kasama,ewan kung bakit din kung bakit madali lang akong na comportable sa kaniya na hindi naman talaga ako nakikipagkaibigan sa lalaki.

Pauwi na kami,sabay kaming sumakay ng jeep,hihingi sana siya ng number,pero sabi ko,

"Duh, magkikita din tayo sa susunod,balikan mo muna yung girlfriend mo, mag-usap muna kayo." 

ONE SHOT STORIES #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon