Break na tayo

35.3K 201 22
                                    


Tatlong salita


na sinabi sa akin na para bang walang awa.


Tatlong salita na wumasak sa aking puso't kaluluwa.


Tatlong salita na nagpadilim at wumasak sa aking mundo.


Hanggang diyan nalang ba tayo? Sa salitang, "break na tayo?"


Ang mga ala-alaang binuo natin pareho ay biglaang nawasak dahil sa katagang ito.


Minahal kita ng sobra pa sa inaasahan mo


Inalagahan na para bang ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay hanggang sa huling hininga ko


Binigay ko sayo ang mga bagay na ikakasaya mo


Ngunit ang lahat ng nagawa ko sayo ay tila hinangin papalayo.


Ginawa ko ang lahat, saan ba ako nagkulang, mahal ko?


Binigay at nilaan ko ang oras ko sa iyo


Minahal ka ng todo todo


Saan ba ako nagkulang, sinta ko?


Luha'y pumapatak sa aking mga mata


Utak ko'y tila sasabog na


Mga labing nanginginig


Katawang nanghihina


at ang pusong tuluyang nawarak na.

Tula Tungkol Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon