Sa bawat ngiti mo,
Ako ang dahilan.
Sa bawat hakbang mo,
Hindi mo ko iniwan.Sa bawat buka ng bibig mo,
Pangalan ko ang isinisigaw mo.
Sa bawat galaw mo, ako palaging nakikita mo.Pero bakit ganon? Bakit nagbago?
Bakit sa bawat pagngiti at paghinga mo,
Hindi na ako ang dahilan?
Bakit sa bawat hakbang mo,
Tuluyan na akong na-iwan?Bakit sa bawat buka ng bibig mo,
Ibang pangalan ang naririnig ko?
Bakit sa bawat galaw mo,
Iba na ang natatanaw mo?Paki buksan ang puso mo,
Baka sakaling nandyan pa ako.
Pag-isipan mo na rin ng mabuti,
Baka sakaling ako pa rin ang mahal mo.
BINABASA MO ANG
Tula Tungkol Sa Pag-ibig
PoetryIto ay tula tungkol sa kwentong pag-ibig kung saan tayo ay naging masaya, malungkot, umiyak, umasa, pinaasa, at kung ano-ano pang emosyon ng iyong nararamdaman tungkol sa pag-ibig.