Chapter 6-School representative

14 2 0
                                    

Ronelin'S POV

"Alam mo, gwapo na sana eh pero snob lang"

Tiningnan ko siya.Ang wierd niya.Kanina nya pa pinaguusapan si Jack"Gusto mo si Jack?" umiling lang siya"Bakit parang si Jack nalang palagi bukang-bibig mo?"

"Si Jack lang ba gwapo dito?"ngumiti siya ng nakakaasar."Aminin! Gwapo sa paningin mo si Jack"para siyang baliw sa ka-kangiti niya.

Napa-irap nalang ako"ewan ko sayo, dyan ka na nga" Hindi ko din naman sinabi na hindi gwapo si Jack."Oh ano?" nakasunod pa kasi si Loloy.Pero nagpipigil pa din ng tawa."Bahala ka talaga dyan, iiwan na kita ha?"

Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin"hihihi, sorry Inday" tawa tawa to.

"Uhm miss? pwede mag tanong kung saan yung room 2678?" Mukhang bago lang din sya dito.At mukhang magiging classmate ko pa siya.

ngumiti ako.Sasagot na sana ako pero inunahan ako ng kaibigan kong kadalasang epal"2678 ba? parehas pala tayo miss eh" hinampas niya ng mahina yung babae.

"Naku pasensya na miss ha, kung fc siya"Si lilay naman umirap.

Ngumiti lang din ang babae na parang natatawa."Ok lang yun noh."inabot niya ang kamay niya."ako nga pala si Laika"

"Ako si Li-Loloy"

Tiningnan ko siya.Ang weird na nya eh"Ako nga pala si Ronelin, at siya"tingin kay loloy"Siya si LiL--Ano ba?!"Si lilay kasi eh tinakpan bigla yung bibig ko

"Loloy ako"

Tumango nalang si Laika, kahit kitang natatawa siya sa mga nangyayari.After nun, pumunta na kami sa classroom.Pagpasaok namin nag-iingay yung mga kaklase namin, kaya ang ibig sabihin walang teacher.

Tinulungan naman ni Lilay si Laika maghanap ng upuan.Pero kita parin na malambot gumalaw si Lilay eh.Sayang bagay pa naman sila.#Team Loka sana. tsk tsk

"Asan si Ronelin?"

Boom! lahat ng kaklase ko tumahimik.Para bang may dumating na teacher.

Hinanap niya ko, tapos nung nakita na niya ko, lumapit siya sakin at hinila ako.Saan niya ko dadalhin? At close ba kami?

"Huy"

.......(sign na wala siyang sinabi or awkward moment)

"San mo ko dadalhin ui"

Lumigon siya sakin at sinamaan ako ng tingin"Wag makulit"Tapos binalik na niya ang tingin sa harap.

Ok tatahimik nako.Nakakatakot siya eh.Lalo na ang mga titig niya, ang cold pa naman ng titig niya.

After a few minutes of walking, nalaman ko na lang na sa
Library niya ko dinala.At ano naman ang gagawin namin dito? Mapagkakamalan kaming cutting dito eh.

And finally, binitawan na niya ang pagkapit sa kamay ko.Hindi kasi ako komportable eh.Sino ba naman ang magiging komportable kung hindi mo naman close ang humawak ng kamay mo.

"Huy, ano ginagawa natin dito?" Pabulong kong sabi.

Tiningnan lang niya ako sandali at binalik ang tingin sa libro na kaka-buklat lang niya.Shocking revelance (-_ლ)Parati nalang ganito ang ginagawa niya kapag may i tatanong ako.Titingnan ka lang tapos ibabalik ang tingin sa kung ano man yung tiningnan niya.

Maya-maya, may dumating na babae.Parang teacher ata siya.Ang ganda naman niya, mas bagay siya maging model.

Ngumiti siya sa akin"Goodmorning Ms.Flores, nice meeting you" wow ang ganda ng smile niya."I asked Mr.Pineda here, to call you.To talk, regarding you and your previous school"you mean sa school ko nung nasa america pa ako?"Since we don't have a Student government for the 1st year college, I would like you to be one of the three representatives of your department.Your a business management student, am I right?"

Tumango lang ako.Wala kasi akong masabi eh.

"So payag ka ba, Ms.Flores?"

"Sige po, and I'm glad ako yung pinili nyo"

Tumayo siya"I'm glad you said yes, so I'll be leaving the both of you here.As your first job, you two will re-check the class schedules for 1st year college ok?"Palabas na sana siya pero may sinabi pa siya"And another student representative will join you pala, bye again"Tapos yun, umalis na talaga siya

Tumingin ako kay Jack"So ano na?"

"Ikaw nyan ako nito, yang naiwan, para sa isa pang representative"

Tumango nalang ako.Sinimulan ko na ang pa re-check.Pero nakakabingi na ang katahimikan.Nagpatuloy na lang din ako, hanggang sa may dumating na student at umupo sa upuan namin.

"Sorry late ako, ngayon palang kasi ako sinabihan ng dean"

Wait.Si ano to diba?Si...Si...Si teachers lounge boy.Malimutin talaga ako.

"Ui ikaw pala yan, remember me?"

Sorry po, hindi ko na naalala yung pangalan mo.pero yumango nalang din ako.

Tumawa siya ng mahina"Mukhang hindi mo na naalala, ako nga pala si Drake"inabot niya ang kamay niya"at ikaw naman si?"

Inabot ko din ang kamay ko"Ako si Ronelin May Flores, but just call me Lin"And I smiled at him.

"So anong department ka? Ako kasi Culinary Arts ang kinuha ko eh"

"Business managment akin"Wow! Close na kami agad.

After ng five minutes, natapos nako sa ginagawa ko.Si Jack naman, mukhang tapos narin.Pero si Drake, since siya ang huli nag re-check, hindi pa siya natapos.

Tumayo bigla si Jack.At umalis.So kami nalang ni Drake.

"Ah Drake, mauna nako ha"

"Sige sige, bye"ngumiti lang siya at bumalik sa pag rere-check.

Hinanap ko si Loloy, since lunch na naman.Nakita ko siya, pero hahahaha forever alone kasi siya.Tapos kapag may dadaan, titingin lang siya.Never ko pa kasi nakitang alone to eh.

Binigla ko siya"Aha!"

Nabigla naman siya"Ikaw talaga Inday ha! NAKU! Aatakihin ako nito eh"tapos nag cross arms pa siya.

"Hahahaha Ha-ha-ha-ha.Hindi na siya funny"ayun, padabog akong umupo sa harap niya.

Lumapit siya sakin at bumulong"Inday, alam mo ba na"tumingin siya sa kaliwa at kanan"na Ahhhh!!! Hahahahaha!"

Ah!nabigala ako dun ah"Ano ka ba?! Pinagtitingnan na tayo ng mga tao oh"pabulong kong sabi.

Pero mga ilang minuto siguro, pero hindi parin siya tumitigil sa pag tawa.Kailangan ko na ata tumawag ng mental.Na baliw na kasi eh.

Nag dial ako ng number"Hello po? May baliw po kasi dito sa school eh, kailang--"

Kinuha niya ang phone ko"huy, joke lang.Pero epic talaga face mo eh.Hahahaha!"

Hindi parin siya titigil ha?

"Ouch! INDAY NAMAN EH!"

Binatukan ko nga para matigil"Yan kasi, Sige tawa pa"Ako na ata natatawa ngayon eh.hahahaha. paano ba naman, parang baliw si Loloy.kaka pout niya.

"Che!Ewan!"Tapos padabog siyang tumayo at umalis.Sinundan ko naman siya.

------------------

November 16, 2016 ♥









 IBTH(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon