Strange

1.1K 79 44
                                    


Malakas ang ulan, malamig at tanging ilaw lang mula sa lamp shade ko ang nagsisilbing liwanag.

Music sa pandinig ko ang bawat patak ng ulan sa bubong, perpekto sa pagsusulat ko ang panahon. Himigop ako ng kape sa favorite cup ko at tumipa uli sa keyboard. Parang bumabalik ako sa simula, kung saan ako nag simula bago makarating dito---sa taluktok ng kasikatan.

Kasikatan, maganda ang tunog pero pakiramdam ko kulang pa. Hindi ako pumapasok,tumigil ako sa college dahil alam kong para sa'kin ang pagsusulat and I'm really addicted to it.

Itinigil ko ang pagsusulat at naisipang basahin ang isa sa mga gawa ko, isang masterpiece kong matatawag--ang istoryang nagpa-sikat sa'kin. Paborito ko talaga ang isang 'to, damang-dama ko ang bawat linya habang isinu-sulat ko noon. Ilang minuto pa at hindi ko na namalayang naidlip na pala ako.

Pag gising ko, naisipan ko namang lumabas sakto sa pag tigil ng ulan, parang biglang nagka-isip ang mga paa ko at nag kusang lumabas.

Oh, may bagong coffee shop pala dito. Himala ata dahil halos lahat ng lumang coffee shop dito, isa-isa nang nagsasara dahil binibili na ng gobyerno ang mga lupa para patayuan ng bagong mga facilities. Napa-ngiti ako kahit na nagtataka, lumapit ako at napa-titig sa 'D' booffee shop' more on parang galaxy ang kulay ng shop, nahila akong pumasok at agad kong inilibot ang paningin, malaki ang lugar at sadyang kakaiba.


May kulay green na writing space para sa mga gustong mag sulat with free internet connection pa para sa mga gustong mag research, sa kabilang banda naman may mga tables para sa mga balak lang tumambay habang nagka- kape o mag usap-usap. May malaki ding bookshelf na naka dikit sa pader na sa tingin ko ay free basahin ng mga costumers. Napa- wow nalang ako ng makakita pa ako ng maliit na bookshop na karugtong nito, "Para po ito sa mga may hindi natapos basahin at gustong mag uwi nalang ng libro, for remembrance, gift and other purposes." Magalang na sabi ng isang staff, amaze na amaze talaga ako dahil ang perfect ng lugar, pang masa talaga, siguro kaya ito pinayagang maitayo dit-----

"Aww!"

"Ay, Fuck! Sorry kuya!" Hindi ko malaman kung ano ang gagawin kahit na maging ako nabasa din ng kape, hello? Ako kaya ang naka bangga, pero kasi naman eh! Bat hindi marunong umiwas si koyah? Hindi ko alam kung hahawakan ko ba o pupunasan ko sya. 'Di ko pa man din nakikita ang fes nya, in fairness mabango sya at alam kong matangkad s'ya dahil na din sa haba ng mga binti n'ya. Natigil ako sa pag o-over think nang wala man lang akong narinig na kahit ano, iniangat ko ang tingin ko kay koyah at namangha ako sa kagwapuhang taglay nya, chos. Naka tulala din kuya sa'kin na ikina-kunot ng noo ko, 'di kaya crush nya ako? gwapo sya pero nakaka turn off ang pag nganga nya sa harap ko. Syet lang, sayang ka po.

"Koya okay ka lang ba? May masamang epekto ba sa'yo ang matapunan ng kape?" Nag snap ako ng daliri sa harap ng mukha nya na nagpa-balik sakanya sa tunay na mundo, feeling ko nag day dream si kuya, sayang talaga, mukhang may saltik.

"Ah! Ahem! Miss, tumitingin ka ba sa dinaraanan mo? Natapon tuloy ang kape ko pati ang cake ko! Nadumihan pa ako." Jusko, major turn off. Masungit si kuya, walang kunsiderasyon! Can't he see na nadumihan din ako?

"Nag sorry naman na po ak--"

"Miss, hindi lahat ng kasalanan o pagkakamali nakukuha sa sorry! Kung ganun naman pala edi sana kami pa rin ng ex girlfriend ko." Aba at nakuha pang idugtong sa love life nya ang sitwasyon ngayon! Kung sabihin mo nalang kaya na okay na? Nangyari na at pareho tayong nadumihan?

Strange (Pilosopotasya's Love Story)(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon