Luke pov...
Dapat ang iba ang mag tuturo kay gab...
Buti nalang babae sya at dapat tumalab ang appel ko aba!! Dapat lang...
"Hmmm..miss excuse me?!"malambing na sabi ko sakanya..
"Yes?!"parang maarteng sabi nya
Yuckk..nasusuka ako.."Pwede bang palit tayo ng tuturuan kasi-----"hindi pa natatapos ang sinasabi ko..
"Ahhh oo sige sa isang kondisyon!"sabi nya
"Ano ?!"tanong ko
"Penge ng number mo!"nakangiti ng sagot at nilabas ang phone nya
"Sige ba!!" Masiglang sabi ko..
Dapat mag pasalamat ka sakin gab...kumausap ako ng hipon para sayo..
Binigay nya sakin ang phone nya at nag imbento ng number..
09090876590
Hahahaha..im so smart...
Binigay ko sakanya ang pangalan ni gab..at binigay ko ang pangalan ng akin..
Yesss!!! Akin ka na gabb!!!
Maya maya dumating na sya..
Naka pila silang lahat..
Ang ganda nya bagay sakanya ang apron.
Sisiguraduhin kong sa susunod na mag aapron sya sa bahay na naming dalawa hahahaha..ano? Pustahan...
Lumapit sya sakin...
"Oh ikaw pala si PRINCESS GABRIEL!"kunwaring gulat kong sabi..
"Ay.hindi baka sya yun!"sabay turo nya sa nasa likod namin.
"Napaka panget mo!"pang aasar ko.
"G*go kung pangit ako ano ka pa...bakla ka nga e..tignan mo pink apron mo pink yung frying fan mo..pink yung syanse mo..letse.!"sigaw nya sakin hahaha nakakatuwa sya
"ANG TUNAY NA LALAKI PINK ANG PABORITO!"
"EH KUNG PRITOHIN KITA DYAN...PUMUNTA AKO DITO PARA MATUTO MAG LUTO HINDI MATUTO NG KALANDIAN MO SA BUHAY KALA MO NAKALIMUTAN KO NA YUNG GINAWA MO SAKIN PASALAMAT KA TALAGA MAGUGUIDANCE KAMI..KUNG HINDI NAG LULUKSA ANG MGA BUTETENG KAMAG ANAK MO!"hingal na hingal na sabi nya hirap na hirap na ko mag pigil ng tawa hahaha
"Oo na start na! Titignan ko ang alam mo!"sabi ko sakanya..
Tumango lang sya
"Marunong kang mag prito!"
"Oo!"
"May sabaw?!"
"Oo!"
"Ihaw!"
"Oo!"
"Ok good mag hiwa ka muna ng sibuyas bawang dyan may kukunin lang ako..!"sabi ko sakanya saka kumuha ng mantika..
Nakuha ko na ang mantika at babalik na ko ng makita ko sya sa malayo na naka tigil sa pag hihiwa naka tingin sa kamay at umiiyak..
Nag madali ako ng makita ko syang umiiyak..
"BAKIT KA UMIIYAK? ANONG NANGYARI?!"nag aalala kong tanong
"Nahiwa lang ako. Tska hello sibuyas yan o...!"mahinahong sabi nya habang pinupunasan ang luha nya
Tinignan ko ang hinihiwa nya ano ba yan ang kakapal ng hiwa nya..
"Bakit ganyan ang hiwa mo hindi ka ba marunong?!"tanong ko
"Hindi!"naka yuko nyang sabi
"Bakit hindi mo sinabi?!"tanong ko ulit
"E..hindi mo naman tinanong!"sigaw nya
Napa face palm nalang ako..
Ghadd.."Sige tuturuan na kita!" Sabi ko..
Gab pov..
"Sige tuturuan na kita!"sabi nya tumango lang ako..
Nanguha sya ng patatas para daw hindi na nakakaiyak
Denemo nya kung pano mag hiwa..
Ahhh ganun pala yun ok..
Mukang madali lang ..
"Kaya mo na ba?!"tanong nya
Tumango nalang ulit ako..
Nung itatry ko na nilapit nya sakin ang bagong patatas at kutsilyo..
Dahan dahan kung kinuha ang kutsilyo..
Ang tigassss...
Nanginginig yung kamay ko..
Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay kung nakahawak sa kutsilyo...
Edi parang..
Parang..
Naka back hug sya
Feeling ko namumula ako..
Kinikilig kayo ako..
HINDI AH..
Nahihiya lang ako..
"Ayan ok na! Bukas nalang ulit pwede ka ng umuwe!"sabi nya sakin
"Sige!"sagot ko..
Habang papunta ako sa parking naiisip ko ang muka ni luke..
Aba!! Hindi pwede to..kaaway namin sila ...
Siguro galit lang to..
Maka uwe na nga ano ano iniisip ko..
Gutom lang to..
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS ROYALTIES
Roman pour AdolescentsNormal nalang sa mga teens sabi nga nila "hindi kumpleto ang high school life mo kung wala kang kaaway.. Ang mga pabebe ay talagang kaiinisan mo dahil pag papacute lang ang alam... Ang paboritong apo pa ng may ari ng school nyo ang napag tripan nyo...