Umiiyak ako habang tinatype to. Tangina ewan ko kung bakit. Paki-isip na lang na babae si Dyo dito.
COMMENT COMMENT COMMENT COMMENT!!!
--
It was Christmas Eve when I saw you sitting down next beside me. Nasa labas ako nung ospital nun, umiiyak. Hindi kita pinansin kasi ang alam ko lang ay makiki-upo ka. Patuloy pa rin ako nun sa pag-iiyak. Bakit? Kasi nalaman kong lalong lumala yung sakit ko. And to think na Christmas Eve ngayon. Sino bang hindi malulungkot diba?
'Gusto mo ba ng tissue?' yan yung una mong sinabi sa akin nung umiiyak ako. Nakuha mo ang attention ko nun. Umiling ako. Alam ko kasing may dala akong panyo nun kaso nung kinapa ko ang mga bulsa ko, wala akong nakuha.
'Kakailanganin mo'to.' sabi mo at muling tinapat sa akin ang tissue. Kinuha ko iyon dahil tama ka, kakailanganin ko ito. Hindi ka na muling nagsalita at pati na rin ako. Humupa na ang mga luhang kanina pang lumalabas. Ewan ko pero bigla na lang tumigil itong pag-iiyak ko. Siguro napagod na.
'I'm Baekhyun.' pagpapakilala mo at nilahad mo sa akin ang iyong kamay. Tinignan ko sandali ang kamay mo at nakipagkamay. Ngumiti ka.
'We met for a reason.. either you're a blessing or a lesson.' naguluhan ako sa sinabi mo nun sakin. Tinignan lang kitang palayo at hindi ko alam na sa pangyayaring yun eh dadating pa pala ang mga araw na makikita muli kita.
'Oh, pinagtagpo nanaman tayo hahaha.' yan ang una mong bungad sakin ng makita kitang umupo sa tabi ko nun sa classroom. Oo, magkatabi nanaman tayo. Talaga bang sinasadya ng tadhana na magkatabi tayo parati?
Naging magkaibigan tayo nun dahil napakakulit mo palang kasama. Lagi mo akong napapatawa dahil sa kalokohan mo. Medyo sikat ka nga rin sa school dahil ewan ko, gwapo ka daw. Oo, gwapo ka naman pero ang kulit mo lang talaga. Isama mo pa na magaling kang kumanta. Isang araw nga eh may humirit na isang kaklase natin na...
'Alam niyo bagay kayo. Parehas kasi kayong magaling kumanta.' and that time napalunok ako. Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Hinawakan ko pa nga yung dibdib ko kasi minsan lang ako makaramdam ng ganito maliban sa sakit ko.
'Uy bagay daw tayo? Haha akalain mo yun?' tumingin ako sayo at nakita ko kung gaano kasaya yung mga mata mo nang matitigan ko ito. Walang halong inis o irita sa mata mo kundi, kasiyahan lamang. Napayuko ako dahil nararamdaman kong napapangisi ako. Crush mo ba ako?
'Uy uy, Kyung! May joke ako!' kinulit mo nun ako sa library. Sinisita na nga tayo nung librarian pero mapilit ka pa rin. Gumagawa ako nun ng project kasi magddeadline na pero ikaw ay todo parin sa pangungulit sa akin.
'Ano ba yun? At ng matahimik ka na.' sabi ko at humarap sayo. Napangiti ka ng sobrang laki ng makuha mo na ang buong attention ko. Kanina pa kasi kita hindi pinapansin dahil nga sa may ginagawa akong project.
'Knock knock!' tuwang-tuwang sabi mo. Umirap ako dahil nararamdaman ko nanaman tong mga paru-paro ko sa tiyan at ang pagtatago ng ngisi ko.