[KaiYeol]

2.3K 88 20
  • Dedicated kay all KaiYeol shippers
                                    

Please don't hate me. Paki-isip na lang na babae si Chanyeol dito hahaha.

COMMENT COMMENT COMMENT COMMENT!!

--

Kai. A dancer. An artist. My idol. My bias. My love.

I'm his number 1 fan. Super number 1. Lahat alam ko tungkol sa kanya. Updated na updated ako about sa kanya. Sobrang hinahangaan ko siya. Bawat galaw niya tinitignan ko mabuti. Sa bawat kilos niya na lalo ko pang ikinahuhulog. 

Mula nung nag-audition siya sa isang contest eh hindi na nawala yung titig at paghanga ko sa kanya. Lahat ginawa ko para malaman kung sino siya, kung saan siya nakatira, kung ano ba ang pagkatao niya. Lahat ng yun sinikap ko para lang makipag-close sa kanya habang hindi pa siya nagiging kilala sa industriya dahil alam kong mahirap kapag kakaibiganin ko ng kilala na siya sa buong bansa.

Naging magkaibigan kami pero para sa akin lang yata yun. Mabait siya, oo. Hindi siya masyadong pala-kausap, siguro dahil naweweirdohan siya sa akin dahil bigla bigla na lang akong nakipag-kaibigan sa kanya. Na may biglang 'Channie' na makikipagkaibigan sa isang katulad niya. Sinabi ko naman sa kanya kung anong rason ko kung bakit gusto kong makipag-kaibigan sa kanya. Humahanga ako sa angking galing niya kaya gusto ko siyang suportohan.

Hindi ko alam na ituturi niya akong kaibigan at naging ka-close ko pala siya. Ang sarap lang sa feeling kasi dati akala ko wala kaming pag-asang maging magkaibigan pero tignan mo ngayon? Close na kami. At sa hindi kadahilanang rason, lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko pwedeng pairalin itong nararamdaman ko kasi wala rin itong mapapala. Kasi ako rin yung uuwing talunan.

Naging mas mahigpit, at mas malapit kami sa isa't isa. Naging mas kilala na rin siya sa Industriya. Naging mahusay na dancer siya at halos lahat ay naiinggit sa akin dahil ako ang naging matalik niyang kaibigan. Ang sarap lang isipin kasi kahit hindi ako yung tinatawag na 'girlfriend' eh ako naman yung pinaka-close sa kanya, maliban sa pamilya niya. Masaya na ako sa ganun, wala naman kasi akong magagawa kung wala talaga siyang nararamdaman sa akin.

Seryn... Seryn ang pangalan ng babaeng napupusuan niya. He told me that he loves her. He met this girl on a coffee shop. Kinwento niya sa akin na nakadisguise daw siya nun tapos biglang lumapit sa kanya yung babae. At first akala niya nakilala siya kaya kinabahan siya pero hindi daw pala. Gusto lang makipagkaibigan nung babae. Habang tinitignan ko siyang kinikwento yun sa akin ay nakangiti siya. Nakangiti siya kasi naalala niya yung babae. Nakangiti siya kasi yung babaeng yun ang pinag-uusapan namin ngayon and it kills me. 2 years ko na siyang kaibigan pero kahit kailan hindi niya ako pinapansin tapos yung babaeng yun na nakilala niya lang kamakailan... yung babaeng yun na agad ang tinitibok ng puso niya? Siguro kailangan ko na ring sabihin na may nararamdam ako sa kanya?

Bago ko masabi ang mga nararamdaman ko... naging sila na. Nakakatawa noh? Kasi kung kailan nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko saka naman naging mag-on sila. Ganun ba talaga ang tadhana? Siguro nga, hindi kami para sa isa't isa. Itatatak ko na lang sa ulo ko na hanggang magkaibigan lang kami kasi ako lang naman tong may nararamdamang mas higit pa sa pagkakaibigan. Ako lang naman kasi itong umiibig ng sobra sa kanya. Sinabi ko na nga dati na hindi ko dapat pairalin ito kasi tignan mo? Nangyari na nga. Wala rin akong mapapala. 

Nandito kami sa practice room niya at sobrang pawis na ang lumalagatak sa kanyang pisngi. Alam kong pagod na pagod siya kaya binilhan ko siya ng tubig na malamig. Nakangiti akong inaabot sakanya iyon nung palapit na siya sa gawi ko pero ang hindi ko inaasahan ay yung pagbalewala niya sakin. Nilagpasan niya lang ako at alam ko na kung sino ang pinili niya. Alam ko naman. Hindi na ako magtataka pa. Sino nga naman ba kasing pipili ng kaibigan over girlfriend hindi ba? Kumirot lang naman yung puso ko. Wag kang mag-alala. Naiintidihan ko, Kai. Mawawala rin itong sakit sa puso ko.

EXO Otp'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon