[TaoRis]

2.7K 108 40
                                    

Okay isipin niyo na lang uli na si Tao ay isang dilag huehue. :---) LAME YATA NETO. u___u

COMMENT COMMENT COMMENT PLEASE!

[ please play the music on the multimedia section. patugtugin niyo lang hanggang sa matapos niyong basahin para masaya ]

--

"No, no, no Kris. No you can't leave me." pagmamakaawa ko sa kanya. Halos namumugto na ang mga mata ko kakaiyak mula kanina. Kanina pa basang-basa ang mga pisngi ko dahil sa mga luhang lumalabas. Gusto kong pigilan pero hindi ko makayanan. 

"I'll leave whenever I like. Don't go after me." malamig niyang sinabi at tinitigan akong parang wala lang sa kanya itong nangyayari sa amin. Lalong kumirot ang puso ko. Bakit parang kung umasta siya ay wala kaming pinagsamahan? Hindi ba siya nasasaktan? Ah oo nga pala. Pinagpalit niya nga pala ako. Kaya bakit nga naman siya masasaktan?

"No, Kris. I'll go with y--" di pa'ko tapos magsalita nung bigla siyang maglakad palayo sakin. Muli akong napahagulgol at sinundan siya. Ang tanga ko ano? Ang tanga ko kasi sinusundan ko pa rin siya hanggang ngayon kahit nakipag-break na siya. Hindi, hindi ako pumayag makipag-break sa kanya. Kahit kailan hindi yun sumagi sa isipan ko. Nagkasama kami ng anim na taon. Just imagine it? ANIM NA TAON NA KAMI PERO BIGLA SIYANG BUMIGAY? Tangina bumigay siya sa isang babaeng MAHAL niya daw. Bakit ako? Hindi niya ba ako mahal?

"Kris!" sigaw ko sa malat kong boses. Nandito kami sa gilid ng kalsada. Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao. Wala akong pakielam sa kanila! WALA! Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay yung bawiin ko kung ano yung ang akin. Hindi ko inaalintana yang mga taong nakiki-usyoso. Bakit naman ako mahihiya diba? Mas mabuti ng mapahiya basta makuha mo lang ang gusto mo, ang sayo.

"Please Kris... Maaayos pa natin to.." sabi ko at nung naabutan ko na siya ay niyakap ko agad. Ang sarap... Nanghihina nanaman ako dahil nakayakap nanaman ako sa kanya. Nararamdaman ko nanaman yung lapit niya sakin. Napangiti ako. Sana ganito na lang parati noh? Sana kasi wala na lang malulungkot, sana parati na lang masaya. Pero ano nga ba ang Love kung walang kalungkutan diba? Ano nga ba ang buhay kung hindi ka mahihirapan o masasaktan? That would be boring and no thrill.

"Please Kris... wag mo'kong iwan... mahal na mahal kita." bulong ko kahit medyo hindi ko na marinig pa ang boses ko. Kanina pa ako humihikbi. Kanina pa. At siya? Wala. He's giving me again his cold treatment. Ganyan na ganyan siya nung nagkakilala kami. Kung dati nacucute-an ako sa cold treatment niya, ngayon hindi na. Kinakabahan na ako.

"Stop it, Tao. We're officially done. Just accept the f*cking fact." aniya ng may tigas. Lalo kong hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya. Sana maramdaman niya yung bilis ng pagtibok ng puso ko. Sana maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Sana maramdaman niya na kahit anong gawin niya, hinding-hindi ko pa rin siya bibitawan.

"No... dito lang ako. Ganito lang tay--" nagulat ako nung bigla niyang kinalas ang dalawa kong kamay ng napakalakas. Akala ko nga mababali na yung kamay ko sa sobrang lakas. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagdurog ng aking puso. Sa buong anim na taon, kailanma'y hindi niya ako sinaktan ng physical.

"F*CK IT! BAKIT HINDI MO MAINTINDIHAN AT ITATAK DIYAN SA KUKUTE MO NA HINDI NA NGA KITA MAHAL HA?? F*CK ANG KULIT MO LANG RIN NOH?" nabigla ako nung bigla siyang humarap at sinigawan ako. Plus, naka-agaw pa lalo ito ng mga taong nagdaraan. Napalunok ako. Hindi dahil sa nahihiya ako ngayon kundi never niya pa'kong sinigawan ng ganito. Kailanma'y hindi niya nagawang saktan o sigawan ako. Never. Pero iba na ngayon, nagbago na siya. Hindi na ba siya yung Kris na nakilala ko?

"K-Kris..?" bulong ko. Iba na siya. Hindi na siya yung inibig ko. Hindi na siya yung lalaking minamahal ko hanggang ngayon. Hindi na siya ang dating Kris. He's back with his cold treatment. 

"Wag na wag mo na akong susundan kasi tapos na tayo. Itatak mo yan sa kukote mo. At pwede ba? Wag na wag ka nang magpapakita. Bumabaliktad yung sikmura ko kapag nakikita kita." And then it shoot me. How dare him to say me like that? May pagkukulang ba ako sa kanya? Bakit? Ano ba yung naging kasalanan ko para ganituhin niya ako? Paskong-pasko nandito ako sa labas, umiiyak? Bakit? Bakit napakamalas ko ngayon?

"Kris..." tinawag ko muli siya pero hindi na siya lumingon. Napaluhod na ako. Ang sakit... ang sakit sakit kapag tinitignan ko yung likod niyang unti-unting nawawala sa paningin ko. Bakit mo'ko iiwan? May ginawa ba akong mali na ikinagalit mo? Pwede pa naman natin yun pag-usapan ah? Bakit bigla ka lang umayaw? Bakit? Talaga bang wala ka nang nararamdaman sakin? Ganun ba yun?

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ng biglang sumakit ang puson ko. Sht. Ang sakit na halos humiga ako sa sahig. Tangina ano bang nangyayari sakin. Para akong hipon dahil sa sobrang sakit. Tinignan ko muli si Kris na malayong malayo na sa aking paningin. Muli kong tinawag ang kanyang pangalan kahit alam kong hindi na niya ito maririnig pa.

Napahagulgol ako sa sakit and the next thing I knew... may mga dugo na lang sa hita ko. Napahagulgol ako sa sobrang sakit. Sa sobrang sakit. Tinignan ko muli ang dinaanan ni Kris pero hindi ko na siya nakita pa. Napapikit ako sa sakit.

Hindi lang isa ang nawala sakin...

kundi dalawa.

EXO Otp'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon