Chapter 5 ◆

270 32 4
                                    

Akantha's POV

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Bakit pa kasi siya humarang? Huhu. Siya tuloy yung nabaril! TT__TT

Naging masama yung tingin ko sa mga bumaril sakanya at di ko alam pero bigla ko nalang kinapa yung bulsa ni Thor at di nga ako nag kakamali...

May baril dito.

Agad ko yung pinaputok sa mga bumaril kay Thor. Nakita ko si Thor na nakahiga at kitang kita ko na maraming dugo ang nababawas sakanya.

Halos lahat ng nandito sa restaurant ay nag papanic na at nag sisitakbuhan. Bigla kong tinumba yung Table at doon ako sumilong bilang proteksyon ko.

Itinaas ko yung kanang kamay ko at pinaputukan sila ng baril. Hanggat sa wala na akong bala.

Pano na ako? Huhu.

Napatingin ako kay Thor na kasalukuyang walang malay. Chineck ko yung bag niya kung may kutsilyo sa bag niya na ginagamit sa mga Vampires upang maglaho ito agad.

At nakita ko na nga ito. Agad ko iyung kinuha at akmang itataas ang aking ulo para mabato ko na yung knife pero may biglang humawak ng kamay ko

"Papakamatay ka ba?!" Naiinis na tanong niya at napaubo ng dugo. Nandidiri ko siyang tinignan.

Hinila niya ako papalapit sakanya. Kaya naman napahiga ako sa tabi niya. Nanlaki yung mata ko nung bigla niya akong halikan. Lasang dugo ang kanyang labi.

Pilit kong inaalis yung katawan ko mula sakanya pero sadyang malakas siya

Nakuha niya pa akong halikan sa gantong sitwasyon? Antindi. Tsk tsk.

Pumikit nalang ako.

At sa mga ilang segundo bigla nalang nawala yung ingay at mga putok ng baril.
Napadilat na ako.

At natagpuan ko ang sarili namin na nakahiga sa kubo. Napatayo ako at napatingin sa labas.

"Falls?" Tanong ko. Napatingin ako kay Thor na walang malay.

>>.<<

Ano nang gagawin ko? Naman eh!

Wala kaming pera, nawawala phone ko-wala din naman yung load kaya walang silbi hehe.

"Buhay ka pa ba?! Huy gising! Gusto ko nang umalis dito!" Mangiyak ngiyak kong sabi at niyugyog siya.

Dumilat ang kanyang mga mata.

"Fvck" mahinang mura niya habang napatingin sakin. Ang mga mata niya ay bumaba sa dibdib ko-agad ko siyang binatukan

Inayos ko yung punit ko nang damit at punong puno ito ng dugo.

"Aray" mahinang sabi niya at napatingin ng masama saakin.

"Ikaw kasi eh! Nabaril ka na nga nakuha mo pang mang manyak! Tsk" nakapout kong sabi

Umupo siya sa at tinatakpan yung gilid ng kanyang tyan na nabaril. Mariin siyang pumikit.

"Tawagin mo si Alex." Sabi niya. Napapikit ako at sa pagdilat ko nasa office na ako.

What the?

"Miss? Bawal ka-" di ko na natapos yung sasabihin niya dahil inirapan ko siya. At nag walk out.

Pake ko ba kung bawal ako dito! Tsk!

Bigla kong inopen yung office at.

"NASAAN PO SI ALEX?!" Malakas na sigaw ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Extended Fangs Where stories live. Discover now