Blythe's POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng bahay namin. Sosyal no? Lol. Anong ginagawa ko? Eto nag aabang na mag e-11:11 na. Magwi-wish na naman ako. 10:50 p.m pa kasi eh.
Tinititigan ko lang ang mga bituin sa langit. Ang ganda talaga gosh.
"Ma'am pinapatawag po kayo ni Ma'am Monteverde" napalingon ako sa nagsalita.
"Ay nilagang kabayo! Manang wag ka naman pong manggulat gosh! Susunod po ako." Natatawa kong sabi.
Tinignan ko ang oras, 11:10 na! Isan minuto na lang.
*ting ting ting*
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumawag. Si Claire lang pala jusko.
"Ano na naman?"
(BLYTHEEEEEE!)
"Ano?!"
(Samahan mo ako tomorrow sa bahay ng ate ko. Let's visit them)
"Sus! Yun lang pala sige namimiss ko na sila. Ang busy na kasi natin eh"
(Sinabi mo pa! Oh sige na I'll sleep na. Baka magka eyebugs ako gosh.)
"Arte neto! Sige na bye!" Binaba ko na ang tawag.
PAKSHET.
11:13 na. T^T
HAYOP DI AKO NAKAPAG WISH.
Bumaba na ako at pumunta sa opisina ni mommy.
"Yes mom?" Tanong ko.
"Sa saturday samahan mo ako ah?"
"Saan po?" Salon? Mall? Company? America? Moon? Mars? Saan omg.
"Let's visit your daddy." Oh.
Tumango ako at umalis na.
Thurday pa pala ngayon. Buti na lang hindi bukas baka di ko masamahan si Claire. Tampuhin pa naman yun.
Wala kaming pasok bukas kasi ewan ko di naman ako nakikinig sa guro namin.
Bago ako matulog, I'll stalk my bebelabs hihihi.
Friend request (120) Messages (70) Notifications (999)
Ang dami naman hays. Mahirap talaga kapag maganda ka. #MagandaProblems
Aiden Reyes accepted your friend request.
Namamalik mata lang ba ako o hindi?
Kinusot ko ang mata ko at tinignan ulit.
Aiden Reyes accepted your friend request.
"AAAAAHHHH! OMG OMG OMG AM I DREAMING OR NOT AAAAHHH!"
IN-ACCEPT AKO NG BEBELABS KOOOOO!
In-off ko na ang laptop ko. I'll sleep na kasi inaantok na ako.
**
Nagising ako dahil sa katok ng pinto.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Ma'am nandito na po si Miss Claire." Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"ARAY!" Napahimas ako sa batok ko. Batukan ba naman ako?!
"Fix yourself na! Gosh kanina pa ako dito tagal mong magising." Tumakbo ako sa CR at naligo. Nakalimutan kong may lakad pala kami ngayon.
Naka crop top, skater skirt at sandals lang ako ngayon. Tapos bun. Ang qt no? Parang ako.
"Ma! Alis muna kami." I kissed her cheeks.
"Sige, ingat kayo ah?" Nag kiss rin sa cheeks si Claire.
"Hoy bruha makikisakay lang ako sayo tutal nagdala ka ng kotse." Sabi ko. Binato niya sakin ang susi ng sasakyan niya.
"Ikaw na magdrive." Inirapan ko lang siya. Tamad HAHAHA
Ni-connect ko ang phone ko at pinatugtog ang Closer.
Pinaandar ko ang kotse at umalis na.
"Hey I was doing just fine before I met you~"
**
Bumaba na kami sa kotse at nagdoor bell.
"Manang, si ate po?"
"Nasa loob." Binuksan niya ang gate.
"ATEEEE!" Ingay niya. Hays
"Oy Claire? Buti nakapunta ka di--BLYTHEEEEE!" Hinug niya ako. Hinug ko rin siya.
"Namiss kita ate omg." Umupo na kami sa sofa.
"Tagal niyo nang di nakapunta dito ah." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Busy po kasi eh. Hehehe" tumango lang siya.
**
Gabi na kaya umuwi na kami. Nagba-bye ako kay Claire at pumasok na. Napatingin Ako at saktong 11:11 na.
"Sana maging kami ni crush. Sana may forever samin. Sana di kami maghiwalay. Sana 12 anak namin. Dejk lang" napangiti na lang ako sa wish ko. Imposible kasi eh
Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na. Napagod ako ngayong araw eh.
**
Hanggang dito muna. Tatapusin ko na talaga itong story ko. HAHAHAHA
Vote, comment and follow!
-keyshiiwatty