Sorry kung natagalan. 😂
Blythe's P
*tok tok tok!*
Nagising ako dahil sa katok. Kinusot ko ang mata ko at tumayo.
"Sino yan? *yawn*" binuksan ko ang pinto at napanganga ako.
PUTANGINA SI AIDEN MGA BEH
Sinirado ko ang pinto tapos nag mumog at naghilamos tapos pinapasok ko siya dito sa kwarto.
"Maupo ka muna dito sa sofa." Alok ko.
"Salamat." Nginitian niya akooo! Jusko.
"Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko. Nakakapagtataka naman kasi eh.
"Pwede ba tayong pumunta sa dagat? Magpapahangin lang tayo."
OMG OMG OMG OMG
"S-sure. Magbibihis lang ako." Lumabas na siya sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis na. Naka naka tshirt, shorts at flip flop lang ako ngayon. Tapos ni-braid ko lang buhok ko. Simple lang no? Ganda ko kasi eh hays.
Lumabas na ako sa kwarto at kumain kaming dalawa. Pagkatapos, umalis na kami.
Sumakay ako sa front seat tapos tumingin sa labas.
WOOOH PUTA ANG AWKWARD
"Ah Blythe, free ka ba bukas?" Napalingon ako sa kanya.
"Eh? Hindi eh. May pasok kasi." Tumango naman siya.
"Pagkatapos ng klase mo, punta tayo sa park. Okay lang ba?" Tumango ako. Half day lang naman ako bukas eh kaya okay lang.
Bumaba na kami sa kotse. Sabay kaming naglakad papunta sa dalampasigan.
Konti lang ng tao ngayon. Buti naman
"Ang ganda talaga dito no? White sand tsaka aul na dagat." Tumango ako.
"Nakakarelax dito." Sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Alam mo, dito ako laging pumupunta kapag may problema ako. Nakakarelax kasi eh. Kapag may maayos na akong trabaho, balak kong bilhin 'tong resort na 'to."
"Mabuti 'yan. Maganda naman dito eh. Baka nga lagi na akong pupunta dito with my friends. Hehehe" napangiti lang siya.
"Ikaw pa lang ang unang babaeng dinala ko dito." Napalingon ako sa kanya.
"SERYOSO?!" Pasigaw kong tanong. Tumango siya.
SJCOAJCKAKCLAHKS PUTANGINA SHET
KINIKILIG ANG LOLA NIYO
"Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka kasi eh." Napahawak ako sa pisngi ko tapos yumuko ako. NAKAKAHIYAAAAA
"H-ha? Hala 'di kaya!" Pagde-deny ko.
"Namumula ka eh. HAHAHAHAHAHAHA YIEEE CRUSH MO AKO NO?" Mas namula ako. Jusko di sana ako mabuking.
"'D-di kaya! Wag kang feeling!" Tumawa siya ng malakas. Jusko ang gwapo
"Gusto mo ng cotton candy?" Tumango ako.
"Edi bumili ka. HAHAHAHAHAHAHA DEJK LANG HAHAHAHAHAHA" ABA
hinila niya ako papunta sa nagtitinda ng cotton candy.