Blythe's POV
At dahil bored na bored na ako dito sa bahay, lumabas ako at nagpunta sa convenience store malapit sa subdivision namin.
Kumuha ako ng mga makakain at nagbayad na tapos naghanap ng mauupuan. Di ko alam pero nage-enjoy akong kumain na mag-isa. Walang distorbo.
"Uhm...Hi? Pwede bang makiupo? Wala na kasing bakante eh." Nag ok sign ako sa kanya.
"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong niya.
"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Gulat kong tanong. Tumawa siya at umiling.
"Sabi ko nga ikaw lang mag-isa" Tinitigan ko siya.
OH SHIT
NGAYON KO LANG NAREALIZE NA BESTFRIEND SIYA NI AIDEN
"Uh...alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong titigan baka matunaw ako." Natatawa niyang sabi. Natauhan naman ako at tumingin sa labas.
"You must be Blythe right? I'm Yvan. Yvan Villanueva." Inabot niya ang kamay niya kaya tinanggap ko naman. Ang rude namang tignan ko titigan ko lang diba?
"So...anong year ka na?" Tanong niya.
"4th year college. How about you?"
"Same. Ang aga mo pa lang nag nursery." Napangiti ako.
"Hahaha oo nga eh"
"Ba't ikaw lang mag-isa?" Tanong niya.
"Tinatamad kasi akong ayain yung bestfriend ko" tumango naman siya.
"Ikaw? Ba't mag-isa ka lang?" Tanong ko.
"Dumaan lang ako dito para magpalamig." Tumango ako.
SILENCE
"Uhm...alis na ako ha?" Tumayo na siya at nagpaalam. He waved his hand and I also did the same.
Lumabas na ako dun at naglakad lakad sa subdivision namin. May mga nakakasalubong akong mga batang naghahabulan o di kaya naman ay nagbibisikleta. Hays nakakamiss maging bata.
Alas tres na nang makauwi ako sa bahay. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga.
Eto na naman. Ang daming what ifs na pumapasok sa utak ko.
What if ligawan niya ako?
What if siya na pala si Mr. Right ko?
What if magkagusto siya sakin?
Napasabunot ako sa buhok ko.
"Asa ka pa Blythe." Napabuntong hininga na lang ako at bumulong sa ere.
"11:11 please do your job."
Kinuha ko ang laptop ko at nanuod ng mga movies.
***
At dahil tapos na ang klase namin, naghintay ako sa may garden ng school at hinintay siya. Dun daw kasi kami magkikita eh."Hey." Napatingin ako sa nagsalita. Oh, si Yvan.
"Hey. What are you doing here? Wala kang pasok?" Umiling siya at umupo sa tabi ko.
"Sinong hinihintay mo?"
"Aiden." Tumango lang siya at ngumiti.
"Bakit?" Umiling lang siya.
"Andiyan na pala siya oh!" Turo niya sa lalaking naglalakad papalapit.
"Naghintay ka ba ng matagal?" Umiling ako.
"Bro, una na kami." Pagpapaalam niya kay Yvan.
"So...saang park tayo pupunta?"
"Secret."