Chapter Two

23 3 0
                                    

"Anak, gumising ka na. Aalis na tayo" bumangon ako at kinusot ang mata ko.

"Good morning mommy. I'll fix myself na. Just wait for me outside" tumango naman siya. Pumunta na ako sa cr at naligo.

**

"Mommy, let's go na?" Tumango siya.

Sumakay na ako sa front seat at ni-connect cellphone ko. Shinuffle ko. Di ko namalayang nakatulog pala ako.

**30 minutes later

Nagising ako dahil tinapik ni mommy ang cheeks ko. Kinusot ko ang mata ko at tinanggal ang cellphone ko sa pagkaka-connect.

Nandito na kami sa puntod ng daddy ko. Naalala ko pa dati kung paano siya pinatay.

*flashback*

"Mommy! Excited na ako sa gift ni daddy pag-uwi natin!" Ngumiti lang si mommy. Sinundo niya kasi ako sa school.

"Ang laki ng regalo niya sayo baby." Di na ako mapakali! I'm so excited.

Pagdating namin, dali-dali akong bumaba sa car. Nagulat ako dahil naabutan ko yung mga guards at yaya namin ay nakahandusay na. Ang daming dugo! Napatingin ako kay mommy na gulat na gulat. Umiyak na ako. First time kong makakita ng patay na tao.

Tumakbo ako papasok sa loob at nakita kung paano sinaksak at pinagbabaril si daddy. Nabitawan ko ang bag ko at umiyak ng umiyak.

"D-daddy!" Tumakbo ako papalapit sa kanya pero pinigilan ako ni mommy.

Tinignan ko yung killer, nag smirk lang siya. Naglakad siya palabas ng bahay na parang walang nangyari.

"Wala siyang awa! Mamatay na sana siya!" Sigaw ko. Tumakbo ako papalapit kay daddy at napaiyak.

"D-daddy..." Napahagulgol ako. Lumapit din si mommy at umiyak.

Napako ang tingin ko sa isang human-sized teddy bear. Nilapitan ko iyon at kinuha ang card na nakaipit sa paa niya.

Hi baby! Happy 10th birthday :) Love na love ka ni daddy at mommy! I hope you will like my gift. Gustong gusto mo niyan diba? I love you! :*
                                   -Daddy

*End of flashback*

Naiiyak na naman ako. Hanggang ngayon di ko pa din makalimutan ang nangyari. 8 years ago pa yun pero fresh na fresh pa rin ang sakit.

"Daddy, kamusta ka na? Alam kong masaya ka na diyan sa Heaven. I love you daddy." Sabi ko. Pinahiran ko ang luha ko gamit ang panyong dala ko.

"Sweetheart, I miss you. Sana buhay ka pa rin hanggang ngayon. I love you so much." Naiyak na din siya.

After the drama, kwinentuhan na namin si daddy sa mga nangyari samin. Kwinento ko rin yung pag-accept ni crush sakin. Di naman kami masyadong nagtagal dun kasi may meeting pa si mommy mamayang 1 pm. Umalis na kami dun. Napatingin na lang ako sa labas. Tinignan ko ang oras ko at sakto 11:11 a.m na.

"Sana magkatuluyan kami ni Aiden. Sana ako rin ang mahal niya. Sana tumino na si Claire. Sana honor pa din ako hanggang ngayon." Napangiti na lang ako sa mga wishes ko.

**

Pagkauwi namin, dumiretso na ako sa kwarto ko at nanuod ng movie.

*tok tok tok*

"Pasok!" Sigaw ko. Binuksan naman nung kumatok at iniluwa si Claire.

"Ang boring sa bahay!" Humiga siya sa kama ko na parang pagmamay-ari niya iyon.

"Ay wow, di ako na inform na sayo na pala yang kamang yan." Natawa lang siya.

"Oy Blythe, alam mo ba kanina habang papunta ako dito nakita ko si Aiden." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon