Part 4- Family Mckenly
=Jimwell Mckenly's voice=
-2nd day in Jim's rented house-
"When you have eliminated the impossible, whatever remains, however improbable must be the truth prevail. "
-Sinichi Kudo
''WOOOOAAA!'' Napasigaw ako bigla ng sinabi ni conan ang mga katagang iyan!
'' He's so cool. Parang gusto ko rin maging katulad niya.High school pa lang eh magaling nang lumutas ng kaso!''
Parang bumalik naman ako sa pagkabata kapag ako ay nanunuod ng movie version nito.
Bawat chapters ay inaabangan ko.At sa bawat kasong nai reresolba niya ay parang naka jackpot ako!
''+_+'' Ay ayun nanaman. Ang paborito kong parte sa bawat chapters ay yung revealing time!
Yes! Makukulong na at ma re-reveal nanaman ang tunay na salarin.
''GAGO.. ...nakaka pikon talaga! Kung ako yung killer dapat hindi na ako nagpakita pa diyan!'' Naiinis ako sa mga tangang killer na iyan! Pero ayos lang..hindi naman sila ang bida eh..
''AAARRRRAAAAY!" napasigaw ako ng makagat ko ang aking dila.
''SHET talaga. Ang sakit dumudugo pa ata eh.'' Agad akong uminom ng tubig para maagapan ang pagdurugo.
''Ay.. finish?'' napa buntong hininga ako ng nakita ko ang ending song sat v ng conan. Tapos nanaman...
ano naman kaya ang pwede konggawin sa maliit na bahay na ito? Bakit hindi pa ako tinatawagan ng babaeng iyon?
''Naiinip na ako...ang matandang gurang na iyon ..''
Matutulog n asana akong muli ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko.
**Lagi na lang umuulan...
Parang walang katapusan...
Tulad ng paghihirap kung ngayon..
Parang walang humpay—**
Natigil ito ng tanggapin ko ang caller.
*****(Note: Trivia muna about kay Jimwell
*Name: Jimwell James Mckenly
*Age: 18
*Birth date: December 11, 1992
Pinanganak siya sa England, at tumira ng humigit sa 4-6 years doon. Ng siya ay umabot sa idad na 7 ay pinilit siya ng kaniyang magulang na tumira sa London. Ngunit hindi rin siya tumagal doon dahil nag rebelled siya sa kamay ng kaniyang Lolo at muntikan ng lumayas. Kaya nang siya ay 10 taong gulang na ay napagpasiyahan ng kaniyang mga magulang na ditto na lang niya ipagpatuloy ang kaniyang pag aaral sa Pilipinas. Dahil na rin sa masyadong abala ang kaniyang mga magulang sa kanilang businesses at kompaniya ay parang napapabayaan na rin nila ang kanilang dalawang anak na sina Jim at Jas.
Dalawa lang silang magkapatid ngunit minsan mo lang sila makikitang magkasundo. Nang sila ay pinagaral sa Mckenly Academy ay nag karoon ng chansa na magkaroon din ng kaibigan.Bumuo si Jim sila ng grupong tinatawag nilang XYeN. Binubuo ito nina Jaspher o Jas (Kapatid ni Jim) Jakerly o Jake ( Magaling sa pag awit) Jeffrey o Jeff (Na nangunguna pagdating sa awayan at sa pagiging chickboy ng grupo) At ang huli ang Leader ng grupo na si Jimwell o Jim na isang masungit kung paminsan ay parating napapag isa galit sa mundo at nagiisang kaibigan ni Conan D:
--Yan na ang mga detalye tungkol kay Jimwell Mckenly..-- )******
''Hello?''
''Son, where are you?''
''HOY, matandang gurang! Wag mo akong maitawag na SON!''
''Anak bakit ka ba nagkakaganiyan?''
''Papa, gusto kong makauspa si Mama..''
Iniabot ni Mr. Mckenly and cellphone sa Mama ni Jim.
''Anak! Oh..i'm glad your fine! Akala ko may nangyaing masama sa iyo! Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinag alala?'' halos mangiyak na tugon ng mama ko.
''Mom, what are trying to say? I'm not a kid anymore! I have my own decisions in my life.ang tono ng pananalita mo..wag ka ngang plastic?''
''How dare you!'' nagkasigawan nanaman kami ni Mama.
''So, bakit ka tumawag?''
''Ganyan mo ba kausapin ang mga magulang mo? WALA kang respeto! Hindi ka karapat dapat sa pamilayng ito!''
''Whatever..''
''HOY! Bata ka! Umuwi kana dito, hindi mo ba alam na 2 days ka nang nagabsent sa school niyo? Eh kung hindi tumawag saakin ang principal ninyo, hindi ko sana malalaman na hindi ka pala pumasok!''
Hay..sa wakas pinakita na rin ni Mama ang tunay niyang kulay. Hindi pa rin siya nagbabago.
''HOY! May pangalan ako! Wag mo akong matawag tawag na hoy ,matandang gurang!"
''Bata ka! Mamamatay kami ng papa mo niyan sa paguugali mo..''
''Whatever..Yun lang ba ang pakay mo saken?''
''Just go home''
Pagkatapos nun ay agad niyang binaba ang linya. Nakaka inis.. nalulungkot nanaman ako. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakasagutan ko si Mama ay sumasama ang loob ko.Pagkatapos nun ay nag empake na muli ako ng gamit at pupunta na sa Mansion.
Pero paano kung pumunta si Stubborn dito?
Ah..bahala na! impossible naman na seryosohin niya ang sinabi niya saakin kahapon..
*Mckenly's Main Mansion*
"Im Home..'' sabi ko ng ako ay makapasok na sa living room ng bahay.Tulad ng expectations ko ay nandoon nga ang mga ka grupo ko sa XYeN. Expected na rin ata nila na darating ako ngayon. Kasama din doon ang kapatid kong si Jas. Mukhang naka simangot pa siya ng ako ay Makita ngunit ng siya ay lumapit saakin agad niya akong niyakap.
''Bro..''
''Jas? '' tanung ko sa kaniya.
''Hey,Ikaw naman Jim! Hindi ka pa na sanay sa brother mo. Natural lang naman na ma miss ka niyan eh.
Dadgdag pa ni Jef ng siya ay lumapit saaming dalawa.
''Hoy, Mukhang hndi niyo ako pinapansin ah?'' papansin namang sinabi ni Jake saaming tatlo. At lumapit siya upang makisalamuha saamin.
After ng isang taon na pagkawatak watak ng grupo namin sa wakas ay nabuo nang muli ng ako ay dumating.Napapaisip tuloy ako.Kalokohan nanaman ito..
''So, what's up?'' tanong ng Jake
''I'm fine..cool pa rin "
''That's great''
''Oh, ikaw Jef? Ilan na ba girlfriend mo?''
''Aha..don't ask him.Eh kahapon nga lang may humahabol sa kaniyang model na babae. Buntis daw.'' Sabi ni Jas
''Wooaahh..Hala pare nakaka ilan kana ah.''
''Ikaw naman pare, babae lang yan..Pera lang katapat!'' tumawa siya at syempre nakasanayan nanamin iyon kaya tumawa lang kami.
''SO, saan tayo ngayon?''
'Jooom..Jooom .. Jooom!'' hirit ni Jake
''Haha! Wag muna pre, pumunta kaya muna tayo sa school? Malay mo maraming pwedeng pag tripan. Diba?''
''O sige! GAME AKO DIYAN!'' sigawan nila. Na mukhang sumang ayon din sa sinabi ko.
Pagktapos ng usapang iyon ay hindi na namin pinatagal pa ang mga pangyayari at agad na kaming pumunta ng school.
-End of part 4