ALYSSA'S POV“I warned you before, but you didn't listen,”
“Wag ka namang masiyadong harsh kay Aly, hayaan mo na,”
“I'm not being harsh, I'm just telling the truth. Just look at her!”
“Oh? Anong meron?”
“Ugh. Kimmy! Can't you see na mukha siyang namatayan ng limang anak? She's exhausted. And it's all because of that stupid man,”
“Sabagay, may point ka naman,”
I sighed for i don't know how many times.
Hindi pa din kasi ako makapaniwala na nililigawan pala ni Kiefer si Dennise Lazaro. Ibig sabihin, palpak yung mga source ko?
Hays.
“Cheer up na Aly! It'll pass. Trust me,”-Kimmy.
Kanina pa nila ako pinagtatalunan. Pero wala akong ganang magsalita o tumingin sa kanila.
“ALYSSAAAAAA!”
Not until I heard that loud voice.
“Mikaa! Itago mo ko bilis!” Hinila ko si Mika at agad akong nagtago sa likod niya.
“What the. How can I hide you eh halos magkasing laki lang tayo?”
“Ssshhh! Basta wag ka nalang maingay na nandito ako,” I whispered.
“Ugh. Fine,”
Napangiti naman ako. Hays, buti nalang at hindi ako natitiis ni Mika.
“Hi Miks! Hi Kimmy!”
Napairap naman ako nung madinig ko siya. Napaka-feeling close talaga.
“Hi Jerome,”-Kimmy.
“Wala dito si Alyssa,” Cold na sabi ni Mika.
Nakoo! Kapag wala na si Jerome hahalikan ko talaga tong si Mika. Such a good actress.
“Ah ganun? Eh nasan siya?”
“Malay namin. Mukha ba kaming tanungan ng nawawalang Alyssa?”
Napapoker face naman ako. Kinurot ko siya sa likod kaya muntik na akong malantad.
Dapat pala hindi ko ginawa yun. Stupid.
“Ah sige. Sabihan niyo ko kapag nakita niyo na si Alyssa ha?”
“Yeah sure,”-Kimmy.
“Gaga. Ikaw na nga tong tinago ko ako pa tong sasaktan mo!” Reklamo sakin ni Mika habang hinihimas yung likod niya.
“Eh ikaw kasi! Para mo na ding sinabi na wala kang pakialam sakin,” sabi ko at hindi ko napigilang ngumuso.
“Arte lang yun. Hay nako Alyssa,” naiiling na sabi niya nalang bago itinuloy ang pagkain niya.
Ngumiti nalang ako.
Maya maya pa habang nagkukwentuhan kami ay may tumawag sa cellphone ko.
Amypot calling..
Sinagot ko naman agad.
“Yes?”
[Nasan ka?]
“Bakit?”
[Bastusan te? Nauna akong nagtanong diba?]
Napa-poker face naman ako.
“Psh. Nasa La Salle. Bakit?”