ALYSSA'S POV
“Ly, I think you need to see this,”
I pretended that I didn't heard Kim. I knew it already.
“What's that ba?” I heard Mika asked in curiosity.
“Oooh,”
“Ly--”
“Kimmy, she's a die hard fan of that stupid person. I bet she knew it before we all did,”
I sighed.
WAAAAAHHHH! TAKEN NA SI KIEFER! HUHUHU.
Mika sat beside me and she put her arms around my shoulder.
“Crush mo lang naman siya diba? Don't worry, makaka-move on ka rin. I'll help you,”
Napatingin ako sa kanya at nakita kong ganun din si Kimmy.
“Paano?”
“I-in any way na kaya ko,”
I pouted because I know that she's just trying to make me feel better. I know she can't help me. No one can.
“I know what you're thinking Ly. Stop it,”
I pouted even more. She knows me too well.
“Stop being dramatic. For now, pumasok ka muna. Then I promise to make you happy after class,”
Ginulo niya yung buhok ko habang nakangiti sakin.
“Promise yan ha? Aasa ako,”
Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko.
“Parehas lang tayong umaasa,”
“Ha?” Para kasing may sinabi siya pero umiling naman siya.
“Manhid mo kako,”
Nauna na siyang maglakad sakin. Naiwan naman akong nagtataka.
“Manhid ako? Talaga?” tanong ko sa sarili ko.
Iniling ko ang ulo ko bago sumunod sa kanya sa sasakyan.
Pagdating namin sa Ateneo ay bumaba na ko. Pero bago pa man ako makababa ay pinigil niya na ko.
“Take care Ly, I love you,”
Napangiti ako ng wala sa oras.
Kaya naman umakyat ulit ako ng sasakyan para yapusin siya ng mahigpit at halikan ng madami sa mukha.
“I love you more Mikaaa! Muaah!” sabi ko bago bumaba ulit ng sasakyan.
Napatawa nalang ako nung makita kong namumula yung mukha niya. Allergy ata si Mika sa kiss. Hahaha.
Pagdating ko sa classroom, wala pang prof. Umupo ako sa dulo as usual. Wala pa din si Amy kaya wala akong kausap. Plus ayokong buksan yung cellphone ko kasi puro notif lang sa twitter yung makikita ko na alam nyo naman kung anong laman.
“Hi,”
Bigla akong napaangat ng tingin.
Tumingon ako sa likod ko kasi baka may iba siyang tinatawag, kaso naalala kong nasa dulo nga pala ako.
Kaya naman hinarap ko ulit siya at tinuro ko ang sarili ko.
“Ako ba yung kinakausap mo?”
Tumawa siya pero hindi yung oa. Tama lang. Feeling ko nakita ko na to somewhere eh. Hindi ko lang maalala kung saan.
“Oo. I just want to ask if this seat is already taken,”
Tinuro niya yung upuan sa tabi ko.