◉ CHAPTER 1◉
◉ ♡ Jewel’s POV ♡ ◉
__ __ __ __ __ __ __ __
February 25, 2020 (7years later)
Please play the music! ---->
“Ikaw at ako, tayo’y pinagtagpo, ikaw at ako, di na muling magkakalayo. Sa tuwing kasama kita, wala nang kulang pa..Mahal na mahal kang talaga, tayo ay iisa..♫♪.” napapangiti ako nang marinig siyang kumakanta.Pinapakinggan ko lang naman ang boses ng lalakeng mahal ko. Ang ganda ganda lang talaga. Ang sarap sa tenga. Alam mo ‘yung pakiramdam na nakaka inlove lalo? E kasi naman, nakakainlove lang Bah ko, ang Francis ng buhay ko.
“Mah…” malumanay niyang sabi habang hinahagod hagod ang buhok ko.
Pinaramdaman ko lang ang simoy ng hangin sa paligid namin. Pinakinggan ko lang ang agos ng mga tubig, ang lakas lakas. Pero mas malakas ang tibok ng puso niya. Syempre, rinig na rinig ko ito kasi naka higa ako sa chest niya. Nasa duyan kasi kami ngayon, nagpapa lipas ng oras.
Nakapikit parin ang mga mata ko habang pinapakinggan ko siya. “Mah, natutulog ka na ba?” napaka sweet niyang boses. Ayoko na atang umalis dito sa pwesto ko e. I feel so secure. Francis naman kasi, bakit ba sobrang sweet mo?
Nilagay niya ang braso niya sa kabilang shoulders ko. Nararamdaman ko ang yakap niya sa akin. Then I felt his lips kiss my forehead.
Haaaay. Ang sweet lang talaga ng lalakeng ‘to. Hindi ko namalayang unti unti na akong natutunaw dito—sa kilig. Grabe, di ko na mapigilan. Naalala ko tuloy ‘yung isang araw na nahuli ako ng uwi mula sa trabaho, tapos naabutan ko siya sa labas ng building na hinihintay ako. Hindi ko inakala na hihintayin niya ako ng ganoon katagal. Masasabi ko talagang sobrang kakaiba siya at napakswerte ko sa kanya.
Naalala ko din nung nagkasakit ako. Buong araw siyang nasa bahay ko, hindi niya ako iniwan. Siya pa mismo ang nagpatulog sa akin. Grabe, wala na akong nasabi. Ibang klase kasi si Francis.
At sa bawat anniversary namin, meron talaga siyang sorpresa para sa akin. Kung ano anong kabaliwan na nga ang nagawa niya sa loob ng pitong taon. Minsan nga, umakyat siya sa isang mataas na building na kaharap lang din ng building ng pinagtatrabahu-an ko. Tirik na tirik pa ang araw nun. Sinabihan na lang ako ni Miko na tumingin ako sa labas ng bintana at laking gulat ko lang ng may isang napakalaking poster (parang billboard at kasing laki ng building) na biglang nabubuksan pababa ng building. Nang binasa ko ang nakasulat, nakalagay doon ay Happy 4th anniversary Mah. Princess Jewel Madrigal Fernandez, I love you for the rest of my life! E sa hindi ako makapaniwala nun. Pinasok ko pa talaga ang building na iyon at pumunta sa roof top para sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.
Minulat ko na nga ang mga mata ko nang naramdaman kong di siya gumagalaw at di na rin siya nagsasalita. Eksaktong pagtingin ko sa kanya, nakaharap ko agad ang nakangiti niyang mukha. At hindi parin nagbabago ang mukhang ‘to, gwapo pa rin (mas gumwapo pa nga siya ngayon e), matangos ilong, mahaba eyelashes, kissable na lips, cute na cute na pisngi. Hay, nakakainlove talaga. At ngayon ko lang din na realize na kanina niya pa pala ako pinagmamasdan habang nakangiti ako dito na kinikilig.
BINABASA MO ANG
ᗩ Pʟᴀᴄᴇ Iɴ Yᴏᴜʀ ᕼᙓᗩᖇ♈ ♡ (Book2 of ᴡʟᴇ)
Fanfiction❤ Akala ko wala nang pag-asa. Akala namin, hindi na pwede. Akala ng lahat, katapusan na. Pero mismo ang tadhana na ang gumawa ng paraan. Siya na nga ang tinadhana para sa akin, at ako naman ang para sa kanya. Siya na ang the one ko, ako naman ang th...