◉ CHAPTER 3◉
◉ ♡ Francis’ POV ♡ ◉
__ __ __ __ __ __ __ __
Nasa office ako ngayon nagpapahinga. Kahit naman empleyado lang kami ng construction company na ‘to, may sarili din kaming office namin. Pero dun lang naman sa matataas ang rank, head ako ng Engineering Management and Project Development Center ng kumpanya at isa ako sa pinaka busy dito kaya hindi imposibleng bigyan ako ng ganito ka galanteng opisina. Hindi naman siya malaki, eksakto lang na maipagmamalaki mong opisina mo ito.
Kakatapos lang namin kanina ni Hannah magpresent ng proposal sa investors. Sana nga nagustuhan nila ‘yon pinaghirapan talaga naming dalawa ‘yon.
Nakaupo ako sa swivel chair ko habang tinitgnan ang picture frame na nakapatong sa mesa. Litrato naming dalawa ni Jewel. Ito ‘yung sa photoshoot ng pinagtatrabahu-an ni Wendy. Siyempre, model nga kasi si Wendy at February last year, may free pictorial ang company nila para sa mga lovers. Edi sumali kami. Dalawang pares lang din naman ang napili ng company nila at isa na kami doon ni Jewel. Siguro talagang gwapo lang talaga ako at maganda siya.
May kumatok sa pintuan. “Come in.” sabi ko at hinintay kung sino ang papasok. Nakita kong si Hannah ang pumasok.
Agad siyang pumwesto sa harapan ko na tila sobrang lungkot niya. Duda ko, tungkol ‘to sa proposal namin.“Yes Hannah? May kailangan ka?” tanong ko at tumayo na ako. Sana hindi bad news ang sasabihin niya. Sana nga.
Dahan dahan siyang tumingin sa akin na parang naiiyak na siya. “Marco..” aniya pa.
“May problema ba?” tanong ko at nilapitan ko na siya..
“Ohmygosh! Alam mo ba, may good news ako!” patili tili na siya sa harapan ko. Nawala ‘yung kaba ko at napalitan ng saya. Alam ko na ang mangyayari, nararamdaman kong tungkol ‘to sa proposal namin! Ang saya saya niya talaga at ako rin!
“What?” excited na excited na ako.
“Na close na ‘yung deal with Mr. Hwa and our proposal was approved by the board and the investors liked it so much!”
“Talaga?! Congrats Hannah!” shinake hands ko siya. Ang saya ko! Sabi ko na nga ba e! Magugustuhan nila ‘yon! Wooo! Grabe! Di ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon!
“At hindi lang ‘yan! May isang project na pinaplano si boss at sinasabi nilang sa atin daw ibibigay ang pagpaplano!”
“That’s great!” grabe! Ito na talaga ang pinapangarap ko! Unti unti nang natutupad pa isa isa ang pangarap ko! Hindi ako makapaniwala sa narinig kong ‘yon! Hindi talaga! Wooo! Thank you Lord!
“Ahh! I just can’t believe it!” aniya pa na makikita mong sobrang saya talaga siya.
“Ako nga rin!” sino ba naman ang hindi sasaya sa lahat ng good news na natanggap namin? Grabe! Di ko inakalang ganito ka dami ang matatanggap ko ngayong taon! Idagdag mo pa ang engagement at kasal namin ni Jewel.
BINABASA MO ANG
ᗩ Pʟᴀᴄᴇ Iɴ Yᴏᴜʀ ᕼᙓᗩᖇ♈ ♡ (Book2 of ᴡʟᴇ)
Fanfiction❤ Akala ko wala nang pag-asa. Akala namin, hindi na pwede. Akala ng lahat, katapusan na. Pero mismo ang tadhana na ang gumawa ng paraan. Siya na nga ang tinadhana para sa akin, at ako naman ang para sa kanya. Siya na ang the one ko, ako naman ang th...