HAPPY NEW YEAR! Ang ingay na dito, nagsusulat pa rin ako ng update lol. HAHAH! ♡ Last update of 2013! time check! 11:45PM :3
▎◉ CHAPTER 4◉ ▎
◉ ♡ Francis’ POV ♡ ◉
__ __ __ __ __ __ __ __
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Bakit ba ganon ‘yung nangyari kanina? Kung gaano kami ka sobrang tamis kahapon, ganon din ka asim kanina. E bakit ba? Ano ba talaga ang nangyayari kay Jewel? Sa pagkakaalam ko kasi, wala namang problema sa aming dalawa. Pero, wala nga ba?
“Minsan, naiisip ko na ‘wag na lang ituloy ‘yung engagement nating dalawa.”
“Fraanciis, nasasaktan ako. Ayoko na.”
Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Bakit ayaw niyang ituloy ang engagement naming dalawa? Bakit nasasaktan siya? Gusto ko siyang tanungin kung bakit, kung may nagawa ba ako para ikasasakit ng puso niya pero natatakot naman ako. Natatakot ako sa sinabi niyang ayaw niya nang ituloy.
Ikaw lang ang buhay ko Jewel at mawawalan ng saysay ang buhay ko kapag hindi kita makakasama…
Kakatapos lang din ng trabaho ko kaya agad na akong uuwi. Gusto ko talaga siyang punatahan ngayon. Pagdating ko sa loob ng kotse, agad ko naman di-nial ang number niya.
At agad ding may sumagot.
“Mah, kumusta ka na? Asan ka ba? Nag aalala ako sa’yo e.” sabi ko diretso pagka sagot niya ng cellphone kaso iba ang boses na narinig ko. Boses ng isang lalake.
“Sino ‘to?” tanong ko ulit.
“Uhmm, kasama ‘to ni Jewel pare. Ikaw?”
“Boyfriend niya ‘to. Sino ba kasi ‘to?” tch! Pucha, sino ba ‘tong kasama ni Jewel?
“Sean, kasama niya sa trabaho. Bakit?”
“Asan si Jewel?”
“Pumunta ng CR sandali.”
“Bakit? Asan kayo?”
“Nandito sa bar.”
“What!?”
“Look pare, sinamahan ko lang si Jewel okay? She needed someone to talk to.”
*Toot* *Toot* *Toot*
Agad ko nang ipinatay ang cellphone nang malaman kong nasa bar si Jewel. Sa loob ng pitong taong pagsasama namin, ni minsan—hindi ‘yon nag punta sa bar ng mag-isa at hindi kasama si Wendy. Maaaring kasama nga niya ‘yung ka trabaho niyang Sean ata ‘yon pero wala akong tiwala dun e. Di ko pa naman lubos na nakikilala.
![](https://img.wattpad.com/cover/8255722-288-k883887.jpg)
BINABASA MO ANG
ᗩ Pʟᴀᴄᴇ Iɴ Yᴏᴜʀ ᕼᙓᗩᖇ♈ ♡ (Book2 of ᴡʟᴇ)
Fanfiction❤ Akala ko wala nang pag-asa. Akala namin, hindi na pwede. Akala ng lahat, katapusan na. Pero mismo ang tadhana na ang gumawa ng paraan. Siya na nga ang tinadhana para sa akin, at ako naman ang para sa kanya. Siya na ang the one ko, ako naman ang th...