2 ♡

201 13 36
                                    

◉ CHAPTER 2

 

◉ ♡ Francis’ POV ♡ ◉

__ __ __ __ __ __ __ __

Ano na naman kaya ang emergency ng babaeng ‘to? Napupuno na talaga ako dito e. Pasalamat siya’t mabait at marunong umintindi ang girlfriend ko. Hay, kung hindi lang sana pumayag si Jewel na pumunta ako. Nakakainis.

Mabilis din naman akong umabot ng Manila. Medyo wala na ngang traffic kasi gabi na. Nasa harapan na ako ng condo niya. Itutuloy ko kaya ‘to? Tinignan ko ang orasan sa sasakyan ko at 12:15AM na. Ano naman kayang emergency ang meron sa oras na ‘to? Sa pagkakaalam ko e naayos ko na naman nung isang linggo ang proposal namin. Bakit ba kasi sa dinami dami ng mga bagong katrabaho ko, siya pa ang isinama ni boss sa akin para sa project na ito.

Nakaabot na ako sa third floor kung saan ang unit niya. Mabilis din naman kasi nag elevator ako. Buti hindi ‘to haunted na building, pang mayaman din naman kasi.

*Ting dong* *Ting dong*

“Hannah?” pinakinggan ko siya sa pintuan pero walang sumasagot e. Hay, kainis. Kung hindi pa sana ako pumunta dito, edi sana magkatabi na kami ni Jewel ngayon. Edi sana natutulog na siya kasama ko. Kainis naman e. Putakte naman talaga e.

Kinuha ko na nga ang cellphone ko at idinial ang number niya. “Helloooo?” buti sinagot niya sa kabilang linya.

“Hannah, andito na ako sa labas ng condo mo. Ano bang emergency ang sinsabi mo ha?”

“Ah sige, teka ha.”

Ilang segundo lang ay napagbuksan niya na ako ng pintuan. “Hi Marco.” aniya pa. Ewan ko ba sa babaeng ‘to pero bakit ba Marco ang tinatawag niya sa akin? Sabi ko Francis pero Marco parin. Medyo nakakailang nga kasi si Jewel lang naman ang tumatawag sa’kin niyan diba? At mas gusto ko sana na siya lang.

“Ano? Ano bang emergency?”

“Lika, pasok ka muna.”

//

“Marco, gusto mo ng maiinom?” tinanong niya ko habang nakaupo kami dito sa sofa ng sala niya. Ito palang research method ang kailangang I revise. Di naman niya sinabi na kukulangin ang materyales dun sa pinagpaplanuhan naming kumpanya kung saan kami oorder. Hay, ang labo rin nitong isang ‘to.

“Hindi na, di naman ako nauuhaw e.” pagpeke ko ng ngiti at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.

“Bakit mukhang pagod na pagod ka? Gusto mong matulog muna?” ngumiti siya habang nakatingin sa akin. Medyo kinikilabutan ako dun ah.

“Ha? Hindi. E ano kasi, bumiyahe pa ako ng isang oras para pumunta dito.” nakatutok lang ako sa screen ng laptop niya at sa mga nakahilerang papers sa gilid nito.

ᗩ Pʟᴀᴄᴇ Iɴ Yᴏᴜʀ ᕼᙓᗩᖇ♈ ♡ (Book2 of ᴡʟᴇ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon