(L.W.L)Kinaumagahan maaga akong nagising hindi kasi ako makatulog kapag nasa ibang lugar ako.. wala akong iniisip ng mga oras na iyon lumabas ako ng kwarto sa resort na aming tinutuluyan mga alas singko iyon ng umaga malamig ang simoy ng hangin dahil sa dagat kaya nag dala ako ng jacket na may hood bago ako umapak sa puting buhangin tumingin tingin ako sa paligid ng tabing dagat may roong ilang taong nag lalakad lakad din doon habang naka yupyup sa sariling suot na jacket maingay at malakas ang alon ng dagat high-tide ito ngayon.
At sa aking pag mamasid masid sa palagid nakita ko parin ang tent na tinayo namin kagabi bukas ang ilaw sa loob bago sa unahan nito napansin ko na may nakayupyup doong tao tila malayo ang tingin sa karagatan, hinala ko na si aiden ito dahil kilala ko ang likod nito, bigla ulit sumagi sa isip ko yung naging pag aaway nila kagabi ni noah.. bago pa man ako mag isip ng kung ano-ano ay nilapitan ko na siya mula doon sa kanyang kinauupuan sa buhanginan.Pag lapit ko doon naupo ako sa tabi niya ngunit nakatingin ako sa malawak na karagatan na kahit medyo madilim ay maganda parin, nakita ko siya mula sa right side ng mata ko ay humarap ang mukha niya sa akin hindi ko lang mawari kung sa akin siya mismo nakatingin base lang sa mukha ni aiden. Matagal siya bago nag salita.
"Alam mo ba ang tungkol kayna chloe at noah ha?.— dahil napapansin ko kahapon na tinatanong mo si noah sa akin kung may nililigawan siya, sabihin mo may alam kaba dito ha?" Mahina ang kanyang boses at parang nag hihinagpis..
"Ang totoo, nung party lang?." biglang naging tensyonado ang tono ng pananalita ko sa panguna niyang tanong.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin,,sinabi rin ba niya ito sayo, may plano ka din ba na lokohin ako.??." Sunod sunod ang kanyang naging tanong sa tila dismayang boses.
tumingin muna ako sa mukha niya na kunot ang noo ko habang hinahaplos ang pisngi ko ng malamig na hangin kasabay ng pag alon-alon ng bawat piraso ng buhok ko, natuon ang atensyon ko at parang may kung anong kirot akong naramdaman ng makita ko ang buo niyang mukha na noon ay nakaharap pa rin sa akin at nakatingin sa aking dalawang mata tila binabasa ang isip ko,bagsak ang kanyang dalawang mata at parang wala pa siyang tulog ngunit ang pogi parin niyang tingnan at kasabay nang umaalon kong buhok na may kahabaan ay ganoon din ang buhok niya na kahit maikli na parang buhok ngayon ni justine bieber ay gumagalaw galaw parin iyon kasabay ng pag galaw ng buhok ko.
"Kasi alam kong ganito ang mangyayari, at saka wala akong kaalam alam dun? Nung nasa party tayo kumunha tayo ng food bago dumating siya sa tabi ko kasama sina william at princess bago tumingin siya sa akin at napansin ko yung phone niya biglang may tumawag at?— "Tumigil ako sa aking pag sasalita parang nawalan ako ng boses na ilalabas na dapat babanggitin ko ang pangalan ni chloe.
"Ano?.. sabihin mo ? Sino yung tumawag sa kanya?.."bitin niyang tanong.
"S-si chloe!— si chloe yung tumawag sa kanya, nagtaka ako kung bakit, pero nabuo sa isip ko yung mga ebedensya na may relasyon sila, dahil noong kabilang linggo sinabi niya na maghihiwalay rin kayo!."
"Mga traydor sila,matagal na pala nila itong pinag paplanohan sa akin, ang lokohin ako.."gigil na gigil niyang sabi ramdam ko ang galit na lumalabas sa bawat salita niya.. bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka inggit kay chloe dahil may dalawang lalaking nag mamahal sa kanya ng ganito si noah handa siyang ipaglaban at gaya ng sinabi nito kahapon mas mahalaga si chloe kaysa sa pagkakaibigan nila ni aiden habang heto si aiden halos hindi na natutulog kakaisip sa kanya at halos makipag basagan siya ng ulo para lang sa kanya kung alam lang niya ang pag hihinagpis ngayon ni aiden ng dahil lang sa kanya,nakakainis!!..
"—Minahal ko siya pero ganito lang ang ginawa niya sa akin." Pag hihinagpis pa nito,nawala bigla si chloe sa isip ko at napalitan iyon ni aiden.
YOU ARE READING
Lost Without Love
RomantikAng damdamin na pilit na itintago nina jake at abigail sa mahabang panahon ay malalantad sa muli nilang pag kikita. Written by:michaela_23 STARTED: OCT.25 2016 (CreateMyOwnStory) ...