(L.W.L)Jake POV.
Dinala ko si abigail sa kwarto ko upang doon siya ihiga,sobrang init ng katawan niya at namumutla, kanina ko pa iyon napapansin sa kanya ngunit sabi niya dahil lang daw iyon sa aircon.. mabilis na iyon nawala sa isip ko at nataranta ako ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin..
"Janice!!..."sigaw ko sa maid ko na kasama ko rin noong binuhat ko si abigail dito..
"Ano po yun sir.?" nanatatarantang sagot niya..
"Tawagan mo si doc.allan sa telepono sabihin mo pumunta siya dito kailangan ko siya ngayon.,sabihin mo din kay peter na sunduin siya sa bahay niya,bilisan mo" malakas kong utos sa kanya.
"O-opo sir!!..."natataranta padin ang boses ni janice at mabilis na lumabas ng kwarto ko para sundin ang utos ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon at kapag nakikita ko si abigail na pawisang pawisan ni hindi kayang imulat ang kanya mata walang lakas ang mga kamay at parang gulay ang katawan mataas ang lagnat niya,tinakpan ko ng duvet ang katawan niya hanggang sa dib-dib nito at nilabas ko ang dalawang kamay niya at hinilot hilot ko ang palad niya nagbabakasakaling gumising siya.
Ginagawa ko iyon hanggang sa dumating ang doctor na sinabi ko. Naupo ako sa kama na tama lang ang lapit mula kay abigail habang imamasahe ang kanang palad nito.Hindi padin nawawala ang kaba sa dib-dib ko habang hinahaplos ko ang malambot na kamay ni abigail. napakaliit ng kamay niya ganoon din ang mga darili niya sa kabila ng kasipagan niya hindi ko akalain na ganito lang pala kaliit ang kamay niya. ngayon ko lang iyon napansin dahil simula mga bata pa kami hindi ko hinahawakan o tinitingnan ang kamay niya parang normal lang iyon sa akin..
iniisa-isa kong hawakan ang darili niya sinamantala ko ang walang malay niyang katawan, at bawat isang darili na nahahawakan ko sa kanya ay parang may kahulugan sa akin at parang naging kakaiba. sa tinagal-tagal ng panahon ngayon ko lang naramdaman ito, ang lapitan at tingnan ang kamay ng isang babae at maharahang haplosin iyon gamit ng akin kamay.
tinaas ko ang aking mata at parang may nagdala nito patungo sa walang malay na mukha ni abigail, napaka amo ng kanyang mukha sa ganoong ayos ng higa niya binaybay ko ng tingin ang maliit nitong mukha ang maamo at nakapikit niyang mata ang ilong niya na tama lang ang tangos ang maliit at mapula niyang labi na kahit may sakit at mamumutla iyon ay lumalabas parin ang totoong kulay nito.
Ginising ko ang aking sarili sa pag kakatitig ko sa kanyang mukha hindi ko alam ang akin iisipin ngayon.. iniwasan ko siya ng tingin muli ko pinag-patuloy ang ginagawa ko sa kamay niya.
Nang biglang bumukas ang pintuan tumingin ako kung sino ang naroon nakita ko si janice ang maid ko may dalang isang malinis at puting towel at isang maliit na planganang may malinis na tubig hindi ko alam kung bakit siya may dalang ganoon pero iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon para iyon kay abigail..
"Sir.. habang wala pa po si doc.allan sinusundo pa po ni peter, ito po muna ang ipahid nyo sa mukha ni ma'm para bumaba ang lagnat niya..tapos po ipatong nyo sa noo niya pagkatapos nyong punasan"turo niya pa niya bago nilubog ang maliit at puting towel sa malinis na tubig at doon niya piniga iyon at ng wala ng tubig sa towel ay tiniklop niya iyon bago binigay sa akin..
Kaagad ko iyong kinuha pero hindi ko iyon alam sinunod ko lang ang sinabi sa akin ni janice pinunasan ko ang buong mukha ni abigail nag babakasakaling bumaba nga ang mataas nitong lagnat .
lumabas na si janice sinara ang pintuan ng kwarto ko at iniwan na ako nitong pinupunsan si abigail.
at habang hinahaplos ang mukha niya nag karoon naman ako nang pag kakataon na malapitan ang maamong mukha niya.
bawat haplos ko ng basang tuwalya sa kabilang pisngi niya kasabay nito ang kaba sa dibdib ko..
YOU ARE READING
Lost Without Love
RomanceAng damdamin na pilit na itintago nina jake at abigail sa mahabang panahon ay malalantad sa muli nilang pag kikita. Written by:michaela_23 STARTED: OCT.25 2016 (CreateMyOwnStory) ...