(L.W.L)Bago ako tuluyang pumunta sa ospital may kumain muna kami nina mia at emma sa isang burger shop..
mga bandang alas kuwatro ay pumunta na ulit ako sa silid ni jake, kakabisita lang dito ni tito jose hindi ko nga lang siya naabutan,bagong lagay lang kasi sa desk nito ang ilang prutas... inayos ng nurse ang kurtina ng bintana doon kaya nag liwanag ang buong kwarto na nang galing sa sikat ng araw, maganda ang sikat ng araw ngayon, kitang kita ang kulay asul na kalangitan.. hindi ko maiwasang mapatitig doon.. nahimasmasan nalang ako nang makaramdam ako ng kamay na humawak sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng kama, malabot ang kamay tila walang lakas ngunit pinasadahan parin nito ang aking kamay...tinapunan ko ito ng tingin para tingnan kung sino ang humawak sa akin, nang makita ko iyon ay nagulat ako ng makita kong kamay iyon ni jake na unti unting ginagalaw, mabilis kong kinuha ang kamay niya na may pananabik, hindi ko alam ang tuwang naramdaman ko ng gumalaw na siya, gulat na gulat ako at hindi makapaniwala.. kaya tumingin din ako sa mukha niya, kitang kita ko ang dalawang mata nito na gumalaw rin,tila pilit na binubuksan hirap man ito ngunit alam kong gigising na ito mula sa pag kaka-comatose nito hindi ito nakapag salita.
"Jake!!?.."masiglang sigaw ko.."g-gising na si jake!!.."pinamalita ko sa buong tao sa kuwartong iyon, nataranta sila maging ang nurse ay nilapitan ito para tingnan.. halos lahat ng naroon na maid ni jake ay tumalon sa tuwa at hindi makapaniwala sa pag gising ni jake.. isang taon halos itong tulog lahat sila dito ay nawala na ng pag asang gigising pa ito ngunit heto ang pinaka hihintay kong araw, ang magising siya..
Matapos siyang tingnan ng doctor , naging maayos na siya at tuloy tuloy na daw ang pag galing nito..
...Hindi pa siya nakakapag salita ngunit nakikita na niya ako, hindi din gaanong naigagalaw ang mga paa at kamay, paunti-unti lang kapag pinipilit nito sa haba daw kasi ng pag ka comatose nito ay hindi na exercise ang mga muscle nito kaya kailangan pa nito ng ilang mga theartment, kahit pa daw ini-strech ko pa ang kamay at binti nito maging ang pag lilinis dito ay hindi parin sapat upang magkaroon siya ng lakas..
NAG-TAKA ako kung bakit ako niyaya ni emma na mag tungo sa restaurant ,samantalang alam naman nito na pupunta ako ng shop ngayong umaga.
"Ano ba ang gagawin natin restaurant na sinasabi mo?" Tanong ko habang halos makaladkad na ako ni emma mula sa pag kakahigit nito sa akin.."nawiwirdohan na ako sayo ha??.
"Basta gail, sumama kana lang..minsan na nga lang kita kung ilibre dyan ayaw mo pa?" na excite bigla si emma,ngunit ako ay nagtataka parin sa kanya at kung bakit siya nag mamadali ng ganito.. salubong ang dalawang kilay mo no'n hanggang sa makarating na kami sa nasabing restaurant.
Medyo umaambon ambon pa kaya mas lalo naming binilisan ang pag takbo patungo sa restaurant na tinukoy ni emma.. kapansin pansin ang katahimikan ng buong restaurant mula sa labas kaya pag bukas namin ng pintuan nito'y nagulat ako nag may taong sumalubong sa akin,, nag taka din ako at nakangiti lahat sila sa akin, nawala tuloy ang iniisip ko, kompleto ang lahat mula kayna mia, madison, tito jose, mama at ilang kaklase ni jake ay naroon din.. hanggang sa lumabas si kuya jake sa mula sa hanay ng mga tao doon naka wheel chair ito, dala ng nurse na si janet hindi kasi biro ang isang taong mahiga sa kama at matulog kaya naman hirap na siyang igalaw ang mga paa niya ngunit sa tulong ng mga therapycian ay unti unti na iyon naigagalaw....
namis ko ang mukha nito. masigla ang mga ngiti nito lumapit ito sa akin at kahit nakaupo ay may inilabas itong maliit at pulang kahon, hinarap iyon sa akin at binuksan..
"W-wil-ll y-you ma-marry me!!.." nauutal nitong sabi na kahit hirap ay pinilit na mag salita nagulat ako at hindi ko inaasahan ito,halos mapaiyak ako sa sobrang saya ko nang makita ko ang dyamanteng sing-sing na naroon sa loob kumikinang kinang iyon...halos hindi mag kaumayaw sa sigaw at kilig ang lahat ng taong naroon sa restaurant maging crew,chef at visor ay naroon din, ito ang bagong restaurant ni tito jose kaya nasurprice ako ng dito ako dahil ni emma. At si jake ay nag propose na sa akin dito..
"Yes!!..yess!!.."mangiyak ngiyak akong sumagot sa sobrang saya.. lalo pang umingay doon,halos mabingi ako sa sigaw nilang lahat..
...
Pag ka graduate namin ng college ay agad narin kaming nag pakasal ni jake, naging kasabayan ko siya ng graduate dahil isang taon siyang tumigil sa pag pasok dahil sa comatose nito, humabol nalang ito sa school year matapos nang gamutan nito.sobrang saya ko..
"namiss mo ba ako abigail?.." pag lalambing nito..
"Sobra,..
"Habang natutulog ako, hindi ko matandaan yung ibang panaginip basta naalala ko lang ay mag kasama daw tayo habang nag lalakad sa isang magandang lugar na paraiso ata yun.?
"Haha!!.grabe,paraiso talaga sa tagal ng tinulog mo iyon lang ang natandaan mo?
"Oo!!..hindi ko nga alam na isang taon na pala yun? Wala akong kaalam alam pero ang pakiramdam ko ay isang gabi lang..
"Ganon daw talaga yung mga taong nasa coma,!! ..
"- nasaan nga pala si aiden? matapos mong ipalinawag sa akin ang lahat bago ako maaksedente, hindi mo na siya kinuwento sa akin..
"Pag ka graduate natin, ? Ayun kinuha ng tiyuhan sa america, doon nadaw siya titira, balita ko nga eh may gf na siya walong buwan na sila..
"Talaga? Noong natutulog ako naging kayo ba?.
Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong niya." Diba sinabi ko na sayo na hindi naging kami ni aiden,kahit kailan jake , ..
"Yun ang unang pumasok sa isip ko gail, dahil nayoko ng gumising kung makikita ko lang din na naging kayo..
"Huwag mong gagawin yan, jake!!.. ikaw lang yung isang lalaking minahal ko ng ganito, ikaw lang ang mahal ko at saka kasal na tayo kaya hindi na tayo mag hihiwalay ngayon...
Hinawakan ko ang kamay ni jake at sabay kaming pumasok aa sarili naming bahay.. si emma ay stay single parin ngayon matapos ng break up nila ni jacob, si mia naman ay ganon din, samin atang tatlo eh ako lang yung unang nag asawa.
~♡~
—{LOST WITHOUT LOVE}—
End..All Edited Sa Mga Wrong Ko Dito!!..✌
***
All Rights Reserved__
M I C A E L L A M H A E
-Next Story-
COVER
YOU ARE READING
Lost Without Love
RomantizmAng damdamin na pilit na itintago nina jake at abigail sa mahabang panahon ay malalantad sa muli nilang pag kikita. Written by:michaela_23 STARTED: OCT.25 2016 (CreateMyOwnStory) ...