(L.W.L)Habang nasa shop ako sumasagi parin sa isip ko ang sinabi ni kuya jake kanina. naka tingin ako sa unahan ng shop sa may entrance, puro salamin ang ding-ding ng shop maging ang pintuan nito kaya nakita ko si aiden na naglalakad papalapit sa pintuan ng shop.
at nang makalapit na siya doon ay binuksan niya ang transparent na pintuan at sabay pumasok na siya, nakangiti siyang lumapit sa akin mula sa counter.
"Aiden?.."namilog ang mga mata ko.
"Yup?.oh? Bakit parang nakakita ka ata ng multo?.
"H-ha? hindi naman.. may oorderin kaba?
"Ah!!.. isa ngang cafe caramel.."hindi na siya tumingin sa menu nang sibihin niya ang order niya.
"Ok!...
"Firstime ko dito puwede bang pag silbihan mo ako dito?"sabay ngisi ng nakakaloko bago pinatong pa ang dalawang magkabilang siko sa harap ng counter na may kataasan.
"Yung mga waiter dito ang mag aasikaso sayo,hindi ako!!.."
"Pero gusto ko ikaw!!..
"Mapapagalitan ako ng maneger namin.
"Ahh!!..ganon ba??..edi pagsilbihan mo nalang ako kapag nagdate na tayo..
Hindi ako nag salita, buong mag damag ko siyang hindi iniisip habang kasama ko si kuya jake kahit na inamin na niya sa akin na mahal niya ako,iniisip ko na ngayon dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo na si kuya jake ang totoong mahal ko..at huwag na siyang umasa pa sa akin.pero hindi pa ito ang tamang oras pa sabihin ko sa kanya.
"Here's your order sir."naputol nalang ang nasa isip ko nang biglang inabot ni ava ang order na caramel kay aiden..
Kinuha naman agad iyon ni aiden at bumaling ng tingin doon..
"Ang bilis ah!..- total hindi din kita makausap ngayon sa iisang table mag kita nalang tayo sa school, .."nakangiti niyang sabi sa akin.
Wala naman kaming naging reaksyon dito ni ava.. at nang hawak na niya ang isang trey ng cafe caramel ay tumingin ulit siya sa akin bago tumalikod at nag lakad para mag hanap ng kanyang puwesto..
"Sino naman siya?.."pangungusia ni ava..
"schoolmate at kaibigan ko..
"Ahh? Ang dami mo namang friend na boy? Bukod kayna noah at william..
...
Nag punta kami nina mia at emma sa pinakamalapit na mini stop sa school namin, sawa na daw kasi sila sa pag kain sa caffetirea.
Pumasok kami sa loob nun at naupo si mia sa maliit na stool na bakal sa harap ng wooden table nila. nilapag muna namin doon sa ibabaw yung ilang libro na dala namin bago lumakad kami ni emma at nag hanap ng ilang snacks na kakainin namin sa mga nakaherang pagkain doon.
Kumuha ako ng isang totinos, pop starts,ritz at nova, si emma naman ay rancher at dalawang malamig na bote ng softdricks at isang C2 apple.. takot talaga siyang tumaba kaya C2 yung kinuha niya.
Nag tungo na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin..
Matapos nun, ay pinuntahan na namin si mia na noon ay busy sa katawagan sa phone nito. Iniisip ko may bf ba ngayon si emma?, never ko atang pinakialaman ang love life niya pero i guess meyroon kasi madalas nauuna siya matapos ng klase tapos lagi siyang naka make up at may katawagan tulad ngayon.
Nilapag ni emma ang kanyang dalang pinamili at binuksan..
"O ayan, puro snacks tayo ngayon, excuse muna ang healthy food dito.." sabi ni emma.
YOU ARE READING
Lost Without Love
RomanceAng damdamin na pilit na itintago nina jake at abigail sa mahabang panahon ay malalantad sa muli nilang pag kikita. Written by:michaela_23 STARTED: OCT.25 2016 (CreateMyOwnStory) ...