Alas dos na ng madaling araw, hinihintay ko parin ang asawa ko kahit na alam ko namang magagalit 'yon sa akin. He's always mad at me, at all times. Pero hindi rin ako makakatulog dahil iniisip ko siya.
Nasaan siya ngayon? Sinong kasama niya? I'm inquiring myself again. Wala naman akong maibigay na sagot. All because, I know nothing about my husband's life further than before. Si Eunice na naman ba kasama niya? Lasing na ba siya? Wala akong alam. Ako ang asawa pero wala akong hold sa kaniya. How hilarious of me.
Puro paghihintay lang ang kaya kong gawin. I could do nothing after that. I'm just a wife and incapable. Nasa sofa lang ako at naghihintay lang nang...
"LORRAINE!" Sigaw ng lalaking kumakalabog sa pinto ng bahay.
Hindi pa agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.
"LORRAINE!" Galit na galit niyang sigaw.
Tsaka lang ako napatayo sa kinauupuan at patakbong pagbubuksan ang asawa ko. He went home and he was looking for me. It was new to me!
"P-Paul..." Untag ko habang pinagbubuksan siyan ng pinto pero hindi niya ako pinansin at naglakad lang papunta sa kusina.
"You're drunk again Paul?" sambit ko.
Nag-aalala na ako sa kaniya kaya sinundan ko siya sa kusina. I need to speak to him. He needs to hear me out now. Alcohols are no good for him.
Instead na sagutin ako ay hinarap niya ako at pinagtaasan ng boses. "Ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa tingin mo?"
Napapikit ako sa sakit ng pagkakasabi niya. Pinipiga ang puso ko habang umaakingawngaw ang mga salitang 'yon sa sistema ko. It was a stab straight to my soul. It was hurting me so much. Bago ako makabawi ay lumunok ako para hindi magiba ang boses ko.
"A-ano ka ba Paul!? Asawa mo ako si Lorraine... lasing ka na talaga." Aakma kong hahawakan ang braso niya para alalayan.
Iniwas niya katawan sa akin at pa sayaw-sayaw itong naglalakad. "Ah! Ikaw si Lorraine? 'Yong babaeng baog?" narinig ko pa ang paghalakhak niyang tagos sa aking buto. He's mocking and insulting me to the bits.
"Hindi ako baog! Paul ilang beses ko bang sasabihin iyan sayo?" Iritado kong sagot.
Mas lumalakas ang halakhak niya, para bang ilang milyong karayom ang tumutusok sa akin sistema. He likes mocking me. "Ano ka ba? Wag ka ng mag maang-maangan diyan. Baog ka at hindi mo ako kayang bigyan ng anak."
Nang napalapit ito sa lababo ay nagsimula na itong magsuka kasabay din doon ang pagluha ko. Nainsulto ako. Hindi ko 'yon ipagkakaila dahil tagos na tagos ang mga sinabi niya sa dibdib ko. I was never insulted. Bago ko naipasa sa aking pangalan ang kompanya ng mga magulang ko ay ginawa ko ang lahat para mapantayan o malagpasan ang kaya kong gawin para sa kompanya. I was never insulted back then. Ngayon lang at sa mismong asawa ko pa.
Hindi na ito nagsalita pa dahil sinusuka niya lahat ng nakain at nainom niya sa buong araw. All I can hear is his groan of pain. Siguro ay masakit ang ulo niya o anuman. Lumapit ako sa kaniya hinahaplos ang likod niya.
"Ilabas mo iyan lahat..." untag ko.
Tumigil si Paul sa pagsuka at binalingan ako ng tingin. "Fuck shit Lorraine! Get your filthy hand off me!" Marahas niya akong tinulak buti nalang may bagay akong nahawakan kaya di ako tuluyang natumba.
He felt appalled of me touching him. This time I felt enrage. The rage in my system wants to slap him hard for being an asshole to his wife. Who does he thinks he is? Yes, a husband. Of course, shit!
