Prologue

668 8 0
                                    

Irene Pov:

Hayssst ano ba yan ang gugulo nila. Minsan lang nila ako pinapatahimik.

"Ikaw ba si Irene iha?" Tumingin ako sa likod at....

O.O

Nabitawan ko ang sandok na ginagamit ko sa aking pagluluto.

"A-ah m-manong pwede po ba ung maayos niyong mukha yung gamitin niyo wag kayong m-manakot" sinunod naman niya ang aking sinabi.

"Iha kailangan ko ng tulong mo. Kausapin mo ang aking asawa ayoko ng umiiyak siya dahil lang sa pagkawala ko." Sabi niya sakin at di na niya napigilang umiyak.

Kung pwede ko lang sana siyang yakapin para gumaan ang kanyang loob kanina ko pa sana ginawa pero hindi ko kaya. Kaya naman pinatay ko na ang gasul.

"Manong saan po ba ang bahay niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Quezon City iha"

Nagmadali na akong gumayak para naman matulungan ko na si manong.

Kasalukuyang nakatayo kami dito sa tapat ng bahay nila ay ako lang pala wala nga palang nakakakita sa kanya.

May lumabas na babae

"Siya ang asawa ko iha. Paki sabi na wag na siyang umiyak dahil ako'y nahihirapan pag nakikita ko siyang malungkot. Gusto ko'y sumaya naman siya kahit na wala na ako. May mga anak pa kami" sabi ni manong sa akin.

"Iha sino ka?" Tanong sakin ng asawa ni manong.

"Uhmm nay ako ho si Irene andito ho ako dahil may pinapasabi sa akin ang inyong namayapang asawa." Tumigil muna ako at huminga ng malalim." Nais po niyang sumaya kayo kahit na hindi niyo na siya kasama dahil may mga anak pa po kayo. Ayaw rin po niyang makitang umiiyak kayo. Naiintindihan ko naman po ang nararamdaman ninyo pero lagi pong andyan ang asawa niyo at binabantayan kayo kaya po wag na kayong malungkot dahil malulungkot din po siya. Gusto niya pong makita na naka ngiti po kayo" sabi ko sa kanya. Naiyak na siya kaya naman niyakap ko siya.

Bumitaw siya sa yakap at tumingin sa akin. "Salamat iha ha? nung nabubuhay pa siya lagi niya akong pinapasaya. Tama ka kaya naman pipilitin kong ngumiti para sa kanya at sa mga anak ko." Sabi niya. Niyakap niya ulit ako at umalis na ako habang nag lalakad ay nagsalita si manong nasa tapat na kami ng park na malapit sa apartment ko.
"Salamat iha ha. Napaka bait mo ng dahil sayo nakita kong muli ang magandang ngiti ng aking asawa. Paalam" nawala si manong ng may ngiti sa labi.

"Paalam manong" bulong ko.

nakangiti ako habang nag lalakad. Nung umpisa ay akala ko sumpa ang nangyayari sa akin but everytime that i help a ghost and see them smile I feel happy for them either. I'm alone back then but because of them I didn't feel lonely anymore. Kahit sandali ay sumasaya ako.

dumeretso na ako sa aking kama at natulog..

My Lovely GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon