Ar-Ar

255 1 0
                                    

Irene pov:

5 years... 5 years na ang lumipas pero heto ako andito parin sa apartment ko may mga restaurant na ako at kaya ko ng magpatayo ng bahay pero mas gusto ko parin dito. dahil kahit papano ay may naiwan din kaming memories dito.

At kung tatanungin niyo kung asan ung babaeng ginamit niya aba malay ko dun. Pag dating ko dito dati ay wala na siya. Madami na ding nag bago sakin pati itsura ko dahil di na ako nerd.

Napag alaman ko rin na tunay kong ate si Audrey at ang parents namin ay nasa ibang bansa. Tinulungan din ako ni Ate para makalimot at makapag pahinga naman pero wala eh siya parin talaga.

"Mommy i want to eat na"
Sabi ng pinaka cute na bata sa buong mundo. Ang gwapo gwapo pa

"Sige baby mommy will cook na okay?"

"Yehey thank you mommy" sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.

Si ar-ar di ko siya tunay na anak dahil nakita ko lang siya sa labas ng pinto ng apartment ko na panigurado akong anak to ng dating babae na nakatira sa kabilang unit. Tiga amerika kasi ang napangasawa niya. 3 years old na siya at medyo okay na rin siyang mag salit. Matalino din siya. Siya ang naging happiness ko at alam niya ang nangyari samin ni Mijoo noon.

"here na baby" sabay abot sa kanya ng kanin na may sinigang

"Wow mommy ikaw favorite at ar-ar favorite food" medyo nabulol na sabi niya. He's so cute i can't help it but to pinch his cheeks.

"Aww mommy ar-ar is eating" sabay pout niya.

"Sorry baby" pinagpatuloy na niya ang pagkain. Kaya naman na niya.

pagkatapos niyang kamain ay lumabas na kami. Nag aya kasi siya sa park tutal malapit lang naman ung park at wala naman na akong trabaho sasamahan ko na ang baby ko.

"Baby be careful okay?" I said while watching him going in the swing

"Mommy ang sarap po" tuwang tuwa sabi ni Ar-ar

"Baby come here" narinig kong sabi ng babae sa may bandang kanan.

dahil curious ako tiningnan ko...

"Mijoo" O.O
mukhang narinig niya ang pag tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin... her face was priceless too like she remember anything.

Lumakad siya palapit sakin without any emotion on her face. Tumalikod na ako dahil baka bumagsak ang mga luha na kanina pa nag uunahan sa pag labas.

Ng biglang may yumakap sakin mula sa likuran. Kahit di ko na lingunin alam ko na kung sino yun.

"Irene" halata sa boses niya ang pagka miss. Pero ang pinag tataka ko ay bakit meron siyang naaalala. Ang sabi sa libro ay walang maaalala ang isang tao pag balik niya sa kanyang katawan.

"Mommy sino po siya?" - ar-ar

"Mom!" Sabay takbo ng isang batang babae kay Mijoo.

"So may anak na pala kayo ng gf mo or wife mo? Congrats Mijoo. Cause of technology? " sabay pilit na ngiti.

"I'll explain later. Can I invite you in a dinner?" Sabay lahad ng kamay niya. Tiningnan ko lang ito at ngumiti sa kanya.

"Next time nalang siguro" alanganin kong sagot. Nakakahiya kasi sa asawa niya

"Please?" Sabay puppy eyes.

Kala niya tatalab sakin yan. isang malaking NO!

My Lovely GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon