Chapter 12

359 4 1
                                    

"Mommy, Mom I'm done na po. Eto po napili ko" magalang na sabi ni Ar-ar.

Nandito kami sa kid section namimili kami ng damit at ang walang hiyang babaita sinabi kay Ar-ar na simula ngayon at kapatid na niya si Charity. Kaya Mom na ang tawag niya kay Ar-ar. Oh diba para na kaming mag asawa may dalawang maganda at gwapo na kaming anak xD

"Okay baby. Where's your lil sis?"
Sabi ni Mijoo sa amin na mas matanda daw si Ar-ar ng isang buwan si Charity at gusto naman ni Charity na mag karoon ng kuya. Kaya ayun. One happy yet beautiful family kami... sa ngayon.

"Hindi pa po siguro tapos" sabi ni Ar-ar at tumakbo sa mga laruan ng makita niya dun si Charity. Kaya naman pinuntahan narin namin.

"Uhmm guys Cr lang ako ha? Pagkatapos niyo punta nalang kayo sa Cr pag natagalan ako" kanina pa kasi ako naiihi plus parang may nakatingin samin kanina pa.

Nagtungo ako sa cubicle at agad na umihi pag labas ko ay wala ng tao.

"Ate" kinilabutan ako ng biglang may humawak sa likuran ko at ang lamig pa ng boses niya.

Pag harap ko ay nakita ko ang babaeng nakatitig sakin at may tumutulong dugo sa noo niya.

"Ate" sabi ulit ng multong babae. Naglakad siya palapit ng palapit. Nagsisigaw ako ngunit walang lumabas sa bibig ko.

Mijoo tulungan mo ako please. Lord please wag niyo akong pabayaan please.

nakapikit ako habang nag dadasal ng bigla nalang akong niyakap ng multo.

Ang lamig lamig niya. Nalagyan narin ako ng dugo niya...nakakatakot

"AHHHHH!" Sigaw ko ulit pero walang lumabas sa bibig ko

"Ate bakit ka natatakot? Nakakatakot ba ako? Hindi mo ba ako mahal? Kinalimutan mo na ako ate. KINALIMUTAN MO NA AKO! BAKIT? SABIHIN MO ATE BAKIT?! AKO, AKO DI KITA KINALIMUTAN! PERO IKAW BAKIT?!!!" may tumulong luha sa mga mata niya at ang dugo niya ay patuloy parin sa pag bagsak. Ang mga mata niya ay nanlilisik sa galit.

"H-hindi ako a-ang a-ate mo. Ako si I-irene h-hindi k-kita kinal-limutan hind-di lang t-talaga a-ako ang k-ka-patid m-mo. A-at nasisigur-ro ko na hindi ka k-kinalimutan ng ate mo" sumigaw muna siya bago umalis. Sakto namang pagdating nila Mijoo

"Okay ka lang? Anong nangyari bat ganyan mukha mo?" Nag aalalang tanong ni Mijoo. Tumingin ako kila Ar-ar at nakita ko na nag aalala rin sila.

Kaya ngumiti ako kahit pilit lang.
Umiling ako sa kanila at inaya na silang umuwi hindi naman na umangal si Mijoo dahil nabili na namin kanina ang mga dapat namin bilhin.

My Lovely GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon